Monday , November 29 2021

Preso patay sa heat stroke (Sa MPD PS3)

BINAWIAN ng buhay ang isang 25-anyos preso habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan, makaraan atakehin ng heat stroke dahil sa matinding init ng panahon at siksikan sa detention cell no. 3 ng Manila Police District (MPD) PS3, sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay MPD Homicide Section PO2 Jonathan Ruiz, isinugod ng mga tauhan ni MPD PS3 commander, Supt. Arnold Tom Ibay, sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang biktimang si Dave Banan, tricycle driver, may kasong droga, at residente sa 2340 Andrade St., Sta. Cruz, Maynila, nang makaramdam ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga dakong 1:45 pm kamakalawa.

Ngunit dakong 8:47 pm, binawian ng buhay ang biktima sa naturang pagamutan. (BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

5 tulak nakalawit
DRUG DEN NABUWAG SA SUBIC

ARESTADO ang limang drug suspects habang nabuwag ang isang hinihinalang drug den ng mga awtoridad …

Driver sugatan sa ambush
KANDIDATONG KONSEHAL, 1 PA TODAS

PATAY sa pamamaril ng mga hindi kilalang suspek ang isang kumakandidatong konsehal at ang kanyang kasama …

300 bahay naabo sa Cebu

NATUPOK ang hindi bababa sa 300 bahay nang sumiklab ang sunog sa Brgy. Mambaling, sa lungsod …

Paslit na anak minolestiya
ng maelyang ama

HINDI na nakapagpigil  ang isang maelyang ama at pati ang sariling anak na 4-anyos ay ‘pinaglaruan.’ Naaresto …

Binata sinaksak ng tiyuhin sa QC

MALUBHANG nasugatan ang isang binata makaraang saksakin ng tiyuhin dahil sa matagal nang alitan na naungkat …

Leave a Reply