Wednesday , November 13 2024

Aiko Melendez, bida ulit sa pelikulang New Generation Heroes

SOBRANG thankful ng prem-yadong aktres na si Aiko Melendez nang ibalita ko sa kanyang nominado siya bilang Best Supporting Actress sa gaganaping 1st Eddys Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd). Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editors ng broadsheets at tabloids sa bansa na pinamumunuan ni Isah Red, ang Entertainment and Lifestyle editor ng Manila Standard.

Gaganapin ang The Eddys Awards sa July 9 sa Kia Theater at magkakaroon ito ng telecast sa ABS-CBN na magsisilbing host ang mag-amang Edu at Luis Manzano para sa na-sabing event. Ang Eddy’s ay co-production ng ABS-CBN at Viva Live.

Anyway, si Aiko ay nominated para sa pelikulang  Barcelona na tinampukan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kasamang nominees ni Aiko sa Eddys sina Barbie Forteza (Tuos), Maria Isabel Lopez (Pamilya Ordinaryo), Angel Locsin (Everything About Her), at Gladys Reyes (Die Beautiful).

“God is good po, the last two years of my life wasn’t so good po, eto na bumabalik na po… lahat ng dasal and paghihintay ko po dumating na po sa tamang panahon.

“Siyempre mas ganado po akong magtrabaho lalo kapag may mga ganito and mas pagbutihin ko pa po.

“I’ve been really blessed. It pays to really pray, and it pays to be patient. I’m happy sa mga blessing na dumarating sa akin. Thankful ako kay Lord at sana hindi magsawa si Lord sa kabe-bless po sa akin,” saad ni Aiko.

Samantala, bida ulit ang award-winning aktres sa pelikulang New Generation Heroes. Ito’y mula sa Golden Tiger Films na pag-aari ni Gino Hernandez at sa pamamahala ni Direk Anthony Hernandez. Tampok din dito sina Jao Mapa, Ms. Anita Linda, at ang model/fashion and jewellery designer na si Joyce Peñas. Kasama sa movie sina Gloria Sevilla, Dexter Doria, Debraliz Valasote, Rob Sy, Alvin Nakasi, Aleera Montalia, JM del Rosario, Andrea Kate Abellar, at iba pa.

Ipinaliwanag ni Aiko kung bakit ganoon ang titulo ng bago niyang pelikula. ”New Generation Heroes, kasi po story ng teacher ito na nag-work sa Korea, akala ng mga tao na porke’t abroad ang work ng teacher ay mayaman at masarap ang buhay, dito ipinakita iyong hirap also nila.

“Ako’y isang English teacher sa movie, bale teacher ng Koreans. Ang character ko rito ay nakipagsapalaran sa abroad para sa kapakanan ng kanyang pamilya.”

Dagdag niya, “Ang New Generation Heroes ay gift namin sa mga guro na walang sawang nagpapakita ng pagmamahal sa mga students nila na hindi naman nila talaga kaano-ano. Pero iyong love na ibinibigay nila sa mga students nila, parang isang magulang na rin sila sa pagtrato sa kanilang mga estudyante.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Francine Diaz Malou de Guzman

Lola ni Francine nangangagat ‘pag naglalambing

RATED Rni Rommel Gonzales ANG lola niya ang dahilan ni Francine Diaz para tanggapin ang pelikulang Silay. Tulad …

Tessie Tomas

Tessie Tomas sinita batang aktor na laging hawak ang gadget sa taping

RATED Rni Rommel Gonzales MADALAS na tanong namin sa mga beterano o senior stars ay …

Zanjoe Marudo Ria Atayde How to Get Away from my Toxic Family

Zanjoe iginiit ‘di itinatago ang anak nila ni Ria — Masyado pang bata

MA at PAni Rommel Placente PAGKATAPOS ng dalawang taong hindi gumagawa ng pelikula, muling mapapanod …

Dominic Roque Sue Ramirez

Ogie Diaz kinompirma Dominic nanliligaw kay Sue

MA at PAni Rommel Placente KINOMPIRMA ni Ogie Diaz sa kanilang online show na Showbiz Update na nanliligaw ngayon …

Nadine Lustre bday

Nadine memorable ang birthday sa Siargao 

MATABILni John Fontanilla SIMPLE pero memorable para sa award winning actress na si Nadine Lustre ang pagsi-celebrate …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *