Saturday , April 26 2025

Civilian death toll sa Marawi umakyat sa 30

MARAMI pang sibilyan ang naiulat na namatay sa patuloy na bakbakan ng militar at Maute local terror group sa Marawi City, ayon sa ulat ng Malacañang, kahapon.

Sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella, ang bilang ng napatay na sibilyan ay umabot na sa 30 dakong 11:00 pm nitong Sabado.

Samantala, 1,271 si-bilyan ang kabuuang nasagip mula sa lungsod.

Sinabi ni Armed Forces spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, ang latest victim na napatay ng Maute group ay isang 70-anyos residente. Aniya, ang matanda ay pinatay ng sniper nitong Sabado.

Ayon kay Abella, ang bilang ng mga napatay sa panig ng Maute group at mga tropa ng gobyerno ay nanatiling 120 at 38, ayon sa pagkakasunod.

Idinagdag niyang sila ay naghihintay pa sa “consolidated reports” bago magbigay ng update sa bilang ng mga tropang nasugatan sa sagupaan.

Aniya, sa kasaluku-yan ay nakatuon ang operasyon sa paglipol sa mga terorista sa lungsod, gayondin sa patuloy na pagsagip sa naipit na mga sibilyan at pag-rekober sa mga napatay.

Sa Marawi City
134 SIBILYAN SINAGIP
SA 4-HOUR CEASEFIRE

SINAGIP ng rescuers ang 134 sibilyan na na-trap nang ilang araw bunsod nang patuloy na sagupaan sa ilang bahagi ng Marawi City.

Sinabi ni Dickson Hermoso, Assistant Secretary for Peace and Security Affairs, ang pagsagip ay isinagawa sa 4-hour humanitarian ceasefire na idineklara ng militar dakong umaga kahapon.

“Today, up to 12 noon, we were able to get 134 civilians… This center will remain as long as there are trapped civilians in that district of Marawi,” pahayag ni Hermoso, pinuno ng government team na kabilang sa humanitarian assistance center.

Ang planned rescue ng trapped civilians ay unang natigil makaraan makarinig nang ilang putok ng baril sa ilang lugar sa lungsod sa kabila ng tigil-putukan.

Isang miyembro ng Philippine Marines ang napaulat na nasugatan.

Habang ang iba ay nasagip, ilang sibilyan ay lakas-loob na tumakbo palabas ng battle zone kaya sila nakalabas nang buhay.

060117 marawi AFP

ARMY NAGDEKLARA
NG ‘HUMANITARIAN’
CEASEFIRE SA MARAWI

NAGDEKLARA ang mi-litar ng 4-hour “humanitarian ceasefire” sa lungsod ng Marawi kahapon.

“Inaprobahan po ng ating chief of staff, si Ge-neral Eduardo Año, ang pagkakaroon ng tinatawag na humanitarian pause para magbigay-daan sa pagbibigay ng tulong at pag-recover sa sino mang nasugatan at ano mang labing andiyan, at doon sa mga taong nagtatawag ng tulong,” ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brigadier-General Restituto Padilla.

Ang ceasefire ay mula 8:00 am hanggang 12:00 ng tanghali.

“Para ngayong umaga lang po ito. May request na po para sa mas matagalang aabutin ng ilang araw, pero hindi po natin maaaring payagan iyan dahil may inia-address pa po tayong mga threat d’yan sa loob,” pahayag ni Padilla.

Nitong 23 Mayo, ilang araw bago ang pagsisi-mula ng Ramadan, sinalakay ng mga bandidong Maute at Abu Sayyaf ang Marawi nang tangkain ng mga tropa ng gobyerno na dakpin ang terror leader na si Isnilon Hapilon.

Ang nasabing sagupaan ay nagresulta sa pagkamatay ng 120 militants, 38 government forces at 20 civilians, batay sa government records hanggang nitong Sabado.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang krisis ay malapit nang matapos ngunit hindi siya nagbigay ng detalye kaugnay sa operational plans.

Aniya, mayroon pang 250 militants sa Marawi, mahigit pa sa 20-30 na namataan ng militar nitong Biyernes.

Sinabi ng mga opis-yal, ang mga militanteng mula sa Saudi Arabia, Pakistan, Chechnya at Morocco ay lumahok sa pakikisagupa, nagpatindi sa pangambang pla-nong magtayo ng Islamic State sa Marawi City.

1,200 ISIS MEMBERS
NASA PH – INDONESIA

071216 Indonesia

MAYROONG 1,200 Islamic State (IS) group operatives sa Filipinas, kabilang ang mga dayuhan, at 40 sa kanila ay mula sa Indonesia, pahayag ng Indonesian defense minister sa international security forum nitong Linggo.

Sa kanyang pagsasa-lita sa Singapore, habang patuloy ang sagupaan ng Philippine troops at mga teroristang alyado ng ISIS sa Marawi City, tinawag ni  Defense Minister Ryamizard Ryacudu ang mga militante bilang “”killing machines” at naghikayat ng full-scale regional cooperation laban sa mga bandido.

“I was advised last night, 1,200 ISIS in the Philippines, around 40 from Indonesia,” paha-yag ni Ryacudu sa Shangri-La Dialogue.

Ang banta ng heightened terrorism, kabilang ang nalalapit na pagbabalik ng daan-daan Southeast Asian fighters na lumaban kasama ng IS sa Syria and Iraq, ang naging paksa sa tatlong araw na Singapore summit na dinaluhan ni US US Defense Secretary Jim Mattis.

Samantala, sinabi ni Philippine Defense Undersecretary Ricardo David, nagsalita rin sa nasabing forum, ang 1,200 bilang ng IS fighters sa Filipinas na binanggit ng Indonesia, ay bago lamang sa kanya. “I really don’t know, my figure is about 250-400, a lot less,” pahayag niya sa mga reporter.

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *