Tuesday , December 5 2023

Segunda-manong armas, gamit pandigma mula sa US, tablado kay Duterte

ISINUKO ng mga security agency ang mga matataas ng kalibre ng baril  sa PNP-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) kahapon sa kampo krame alinsunod sa kautusan ni pangulo Rodrigo Duterte. (ALEX MENDOZA)
ISINUKO ng mga security agency ang mga matataas ng kalibre ng baril sa PNP-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) kahapon sa kampo krame alinsunod sa kautusan ni pangulo Rodrigo Duterte. (ALEX MENDOZA)

HINDI na tatanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga segunda-manong armas at gamit pandigma mula kay Uncle Sam.

Gusto ni Pangulong Duterte na pawang mga bago ang bibilhing kagamitan para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanyang administrasyon, kahit doble pa ang presyo nito.

“During my time, wala na akong second-hand na mga barko, barko. It has to be brand new. Hindi na ako tatanggap ng mga equipments ng military na second-hand. Iyong ibinibigay ng Amerikano, ayaw ko na ‘yan. Even I have to spend double the money,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa pagbisita sa 102nd Infantry Brigade sa Brgy. Igsoon, Ipil, Zamboanga Sibugay kahapon.

Tiniyak ni Duterte na maglalaan siya ng P20-bilyon trust fund para sa edukasyon ng mga anak ng mga sundalo.

“So ‘yan ang maasahan ninyo. At may… Sometime… But I have already a part of the funds that will guarantee na ‘yung anak ninyo, edukasyon will continue even if you are somewhere,” ani Duterte.

“The point is we are fighting for a principle and that is, what it is — what is the most important things. Huwag kayong matakot na ano… In this martial law, you just do your job. Pagka sinabi ng commander ‘gawain mo,’ gawain mo ‘yan. I will, I said, I will take full responsibility, legal and everything else, ako ang sasagot,” dagdag ng Pangulo. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

120423 Hataw Frontpage

Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers

TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang …

Panay Guimaras NGCP electricity

Sa TRO ng Korte Suprema
PANAY-GUIMARAS INTERCONNECTION NG NGCP NABALAHO

TULUYAN nang maaantala ang isa sa mga priority project ng  National Grid Corporation of the …

SMFI 397 scholar 1

SM Foundation lauds 397 college scholar-graduates  

The SM Foundation (SMFI) celebrates the feat of 397 SM scholars from class 2023, including …

SM Foundation SM Prime 1

From challenges to change: SM Foundation and SM Prime build new school facility in Laguna

The new two-floor school building of Laguna Resettlement Community School features four fully equipped rooms …

Kathniel karla estrada

Karla pilit itinatago ang katotohanan

HATAWANni Ed de Leon ANG maaari lang tumapos sa mga tsismis na split na sina Daniel …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *