Thursday , November 30 2023
Stab saksak dead

Kelot tigbak sa saksak (Dyowa ng iba kinursunada)

PATAY ang isang lalaki makaraan pagtulungan bugbugin at saksakin nang kursunadahin ang live-in partner ng isa sa mga suspek sa Parola Compound, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, kinilala ang biktimang si Elmer Tangaye ng Gate 10, Parola Compound,Tondo

Habang tumakas ang mga suspek na sina Rodel Simoy, 22, at Rodel Osorio,19,kapwa residente rin ng nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente dakong 3:30 am makaraan makipag-inoman ang biktima sa bayaw niyang si Emero Osorio at sa dalawang suspek.

Pagkaraan, binanggit ng dalawang suspek kay Emero na bubugbugin nila ang biktima dahil sa pambabastos sa kinakasama ni Simoy.

Nagsawalang-kibo lamang si Emero at nagpasyang matulog.

Ngunit hinabol ng mga suspek ang biktima at nang maa-butan ay pinagtulungang bugbugin at saksakin.

(BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

112923 Hataw Frontpage

Para sa klarong refund sa customers dulot ng overcharging na WACC
RESET NG MERALCO RATE PINAMAMADALI SA ERC

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na madaliin ang pag-reset ng …

112923 Hataw Frontpage

Tinabla sa pamamalakaya
MANGINGISDA NAGBIGTI SA DEPRESYON

ni Rommel Sales WINAKASAN ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti ng isang 27-anyos mangingisda dahil …

SMFI Scholar 1

Education: A leverage for limitless aspirations
SM Foundation’s scholarship program empowers dreams of youth

In a world brimming with boundless possibilities, education serves as a powerful lever that propels …

Alden Richards Barbie Forteza, David Licauco Sanya Lopez

Alden bibida sa isang historical action-drama

MA at PAni Rommel Placente MAY bagong serye si Alden Richards sa GMA 7, na isang historical action-drama …

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

SA MAAGAP at walang humpay na pagsisikap na labanan ang mga aktibidad ng ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *