Tuesday , October 15 2024

Patutsada ni Digong: ‘Balls’ ng Magdalo ampaw, urong

AMPAW at urong ang ‘balls’ ng Magdalo party-list group na naghain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso kaya tiyak na wala itong patutunguhan.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa panayam sa kanya ng Philippine media sa Myanmar kamakalawa ng gabi, puro pag-iingay at kayabangan lang ang kayang gawin ng Magdalo Group na pinamumunuan nina Sen. Antonio Trillanes IV at Rep. Gary Alejano.

Nagtatapang-tapangan lang aniya ang Magdalo leaders sa pag-uukilkil sa isyu ng West Philippines Sea ngunit ang totoo, duwag sila kompara sa kanya.

Ang kaya lang gawin ng Magdalo, ayon sa Pangulo, maglunsad ng mutiny sa isang hotel, nakawin ang mga tuwalya at kubyertos doon at sumuko sa pulis kahit wala pa ni isang putok na balang naiputok sa kanila.

Nauna nang sinabi ni Alejano, idaragdag niya bilang basehan sa inihain niyang impeachment complaint laban sa Pangulo, ang aniya’y pagpapahintulot ni Duterte sa China na maglayag sa paligid ng Benham Rise na teritoryo ng Filipinas.

“If he wants to fight with China, he can lead. I would be glad to send him as the first batch of delegation of Filipinos who want to take the Spratly Islands and all of those they occupied now. Sige. Siya ang mauna. Maraming galit na nangyari sa ganoon. Ako, it would be a slaughter for the Filipinos to do that. ‘Yung kanyang tapang-tapangan, huwag munang… do not compare me with you. You are all cowards. Alam ninyo nakita ‘yung kagitingan ninyo noong nag-mutiny kaya mga walanghiya kayo,” anang Pangulo kay Alejandro at sa Magdalo Group.

”You just disturb the public peace, shouting invectives against government. Nagwara-wara kayo ng mga armas doon. Nag-agaw kayo ng hotel. That is the only one you are capable of doing: to invade the hotel and then thereafter to surrender. Huwag mo nga akong pakitaan ng mga yabang kahit ano. I mean, ‘yung ano ba ‘yung ginawa nila – ‘yung grupo nila? What have you done to the country?  Nothing! Except to make noise and that really happened during your mutiny.”

Dapat aniyang tigilan na ng Magdalo leaders ang pagpapanggap na matapang dahil nang nagkaroon sila ng tsansa na ipakita ito sa samba-yanang Filipino ay umatras naman sa laban.

“Tapos kayo mayabang. Ano bang ipinagyayabang ninyo? Na you had your chance to show your bravery. Do not shit with me. May panahon na, na dapat lumaban kayo, ‘yung itlog ninyo dumating naman diyan sa bunganga ninyo. Tapos sabihin niya ‘bravery-bravery.’ E ‘di noon lumaban na sana kayo. Pinanindigan ninyo ‘yung sarili ninyo. Don’t… If I were you, stop boasting about bra-very and all of these things. You are incapable of doing. You’ve had your chance to show to the Filipino,” kantiyaw ng Pangulo sa kanila.

Nakatakdang tapusin ng Pangulo ang isang araw na pagbisita sa Myanmar ngayon at pupunta sa Thailand mamayang gabi para sa dalawang araw na official visit.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

101324 Hataw Frontpage

Premyadong manunulat desmayado sa mandatong pagbasura sa MTB-MLE

HATAW News Team LABIS na ikinadesmaya ng isang premyadong makata at manunulat ang mandato na …

Mas maraming ‘4Ps students’ nakikinabang sa tertiary education subsidy — Gatchalian

PINURI ni Senador Win Gatchalian ang pagdami ng mga benepisaryo ng Tertiary Education Subsidy (TES) …

Bato dela Rosa Kerwin Espinosa

Sa rebelasyon ni Espinosa  
‘BATO’ MATIGAS NA ITINANGGI, ‘DEADMA’ VS QUAD COMM

MARIING pinabulaanan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang lahat ng akusasyon laban sa kanya …

EJK Victims

Hustisya para sa mga biktima ng EJKs hangad ng QuadComm – Chair Barbers

NANGAKO ang Quad Committe ng Kamara de Representantes na tutulong sila para maigawad ang hustisya …

Francis Tol Tolentino Bacoor Cavite

Para sa mga liblib na lugar  
INTERNET SERVICES COOPERATIVE TARGET NI TOLENTINO

NAIS masolusyonan ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang problema sa kawalan ng internet connection …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *