Thursday , November 30 2023

Ms. Baby Go at Allen Dizon, pinarangalan sa Gawad Amerika Award!

SA Filipinas man o sa labas ng bansa, suki na ng mga parangal at awards sina Ms. Baby Go at Allen Dizon. Muling kinilala ang tinaguriang Queen ng Indie Films na si Ms. Baby at ang multi-awarded actor na si Allen last November 19, 2016 sa 15th Annual Gawad Amerika Awards na ginanap sa Celebrity Center International, Hollywood California, USA.

Pinarangalan ang lady boss ng BG Productions International bilang Most Outstanding Filipino in the Field of Independent Cinema Productions and Aesthetics. Si Allen naman ay Most Outstanding Filipino in the Field of Thespian Performnce in TV and Movies.

Sa ngayon ay nakararami na ng pelikula ang BG Productions. Kabilang dito ang Lihis, Bigkis, Lauriana, Homeless, Child Haus,  Iadya Mo kami, Sekyu, Laut, Tupang Ligaw,  Siphayo,  Area, at Balatkayo. Karamihan dito ay award-winning na hindi lang sa Filipinas kinilala, kundi maging sa international scene.

Ayon kay Ms. Baby, labis-labis ang kanyang pasasalamat sa mga parangal at pagkilalang natatanggap niya. “Sandali lang ako sa US, kasi may bisita, e. Pero masayang-masaya ako na pati sa abroad na this time, sa US nga ay nare-recognize ako. Natutuwa ako at nagpapasalamat sa mga awards na ibinibigay sa akin. Ako naman, masaya na kapag ang mga pelikula ng BG Productions ay kinikilala. Patuloy kaming gagawa ng mga pelikulang magaganda, may-aral at pang-award.”

Sa parte naman ni Allen, sadyang hindi matatawaran ang husay niya sa pag-arte. Patunay nito ang kaliwa’t kanang awards na nakukuha niya taon-taon. Last September lang ay muling sumungkit ng Best Actor award si Allen sa 13th Salento International Film Festival na ginanap sa Tricase, Italy. Ito ay para sa pelikulang Iadya Mo Kami ni Direk Mel Chionglo. Ito ang ikalimang international Best Actor award ni Allen at pang-21 na Best Actor award sa kabuuan.

Ang iba pang pinarangalan sa Gawad Amerika Award ay sina Regine Tolentino, Most Outstanding Filipino in the Field of Rhythmical and Sensual Dance; John Arcilla, Most Outstanding Filipino in the Field of Theatrical Performance; Ilocos Norte Congressman Imelda Marcos, Lifetime Achievement Award; Niño Mulach, Rajah Solayman Award; Aiza Seguerra, Lakandula Award; Kathelyn Dupaya, Most Outstanding Filipino in the Field of Leadership and Service to Fellow OFW;  Joel Cruz, Most Outstanding Filipino in the Field of Entrepreneurship and Franchising; Babylyn Newfield, Most Outstanding Filipino in the Field of Women Empowerment; Emma Cordero, Most Outstanding Filipino in the Field of Universal Beauty; Glen Pascua, Most Outstanding Filipino in the Field of Medicine and Pharmaceutical; Dante Ang (Manila Times), Most Outstanding Publication in the Field of Credibility and Integrity; at Manchester Productions, Most Promising Independent Producer in Cinema and Concepts.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Blind Item, excited man

Male starlet na dating pa-book nagbayad maka-date lang si poging male star 

ni Ed de Leon TAWA nang tawa ang isang showbiz gay dahil nang ipakita raw niya ang …

Blind Item, Men

Ilang talent manager pinepersonal ‘pag nababanatan mga alaga

HATAWANni Ed de Leon MAY mga talent manager naman kasi na pinepersonal basta nababanatan ang …

Shirley Kuan Lolit solis Bea Alonzo

Pagbabati nina Lolit at Shirley ‘wag ipilit

HATAWANni Ed de Leon AKALA namin noong sinabing nagkasundo na sina Lolit Solis at Bea Alonzo, forgive and …

Gretchen Barretto Dominique Cojuangco

Greta magiging lola na, ipagmalaki rin kaya?

HATAWANni Ed de Leon NAGKAKATAWANAN nga noong isang araw, isipin mo si Gretchen Barretto na ang tingin …

Princess Revilla

Princess Revilla focus sa pagtulong at ‘di pagpasok sa politika

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAHIYAIN pa rin hanggang ngayon ang ikatlo sa kapatid ni Sen. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *