Wednesday , November 12 2025

Subpoena para kay De Lima atbp ihahanda na

NGAYONG Linggo na ito ay ihahanda na ng Department of Justice (DOJ) ang subpoena laban kay Sen. Leila De Lima at iba pang pinaghihinalaan na kasangkot sa drug taste sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, ang mga subpoena ay direktang ihahain para kay De Lima at sa iba pa. Layunin nito na mapadalo ang lahat sa preliminary investigation.

Ang iba pang sasampahan ng complaint ay sina former Justice Under Secretary Francisco Baraon III, dating Bureau of Corrections chief Franklin Bucayu, former BuCor OIC Rafael Ragos, dating security aides ni De Lima na sina Ronnie Dayan at Joenel Sanchez at mga inmate na sina Herbert Colanggo, Peter Co at Jojo Baligad.

Hanggang ngayon, patuloy na nagde-deny si De Lima sa pagkakasangkot niya sa drug trade sa Bilibid.

‘CRAZY’ YELLOW KIA DRIVER RELEASED

Tinaguriang ‘Crazy’ yellow Kia ang sasakyan ng isang babae matapos itong mag-viral sa Facebook last Friday night.

Nagkaroon ng ‘di pagkakaunawaan ang mga security at ang driver nito na si Jamie Camille Lee Brojan. Naganap ang insidente sa Rockwell Center, Makati City na naging sanhi ng sakitan at bangaan.

Kusang sumuko si Brojan at ini-release matapos mangakong aakuin ang hospitalization at vehicular expenses ng mga naging biktima.

Aniya, nag-panic siya nang makita ang Rockwell Marshalls, matapos siyang sitahin ng illegal parking noong Biyernes.

LALAKING RAPIST (DAW) NAGLASLAS

Isang lalaki ang nakulong kamakailan dahil sa panghahalay umano sa limang magkakapatid. Ang limang kabataang babae ay anak ng kaniyang live-in partner, at ang pinakabata ay one year old.

Ngunit noong Biyernes, ang 50-anyos na suspek ay isinugod sa ospital matapos maglaslas umano sa leeg sa loob mismo ng kulungan sa Pagadian City.

Ayon sa mga saksi na kapwa preso, nagulat sila nang magsuka ng dugo at matumba.

Base sa report, aluninum ang ginamit ng lalaki sa kaniyang leeg.

Kasalakuyang nagpapagaling ang suspek sa ospital.

MGA KUWENTO NI MRS. OX
ni Marnie Stephanie Sinfuego

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ex-Cong. Co, paano makauuwi kung may banta sa buhay?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA ISYU ng kontrobersiyal na flood control ghost projects ng Department …

Sipat Mat Vicencio

Sen. Bong Go lang ang tinukoy sa ‘insertion’

SIPATni Mat Vicencio BAKIT sa tatlong DDS na senador, tanging si Sen. Bong Go lang …

Firing Line Robert Roque

Malabong policy ng MPD vs smokers

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GETS ko naman — bawal manigarilyo o mag-vape sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hall of Fame award, muling nasungkit ng QC LGU

AKSYON AGADni Almar Danguilan UNANG pinarangalan bilang Hall of Fame sa larangan ng pakikipagnegosyo ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Ang sabi sa akin…” vs. “Ako mismo…”

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA GITNA ng mga imbestigasyon sa flood control anomalies, malinaw ang …