Tuesday , May 30 2023

De Lima ‘di humihingi ng special treatment

INILINAW ni Sen. Leila De Lima na hindi siya humihingi ng special treatment from the Supreme Court (SC).

Hindi naman naging espesyal ang kaniyang kaso nang dahil siya ay isang Senator, ngunit dahil na rin sa ipinaparatang sa kaniya na nang-abuso siya ng kaniyang kapangyarihan, ayon sa SC.

Si De Lima ay humingi ng tulong sa Supreme Court upang ipawalang-bisa ang mga drug cases laban sa kaniya.

Ang tanging hiling lang ni De Lima, ay magamit ang kaniyang fundamental rights o karapatang pantao to invoke the Constitution as shield and sword against government abuse.

KOREAN-AMERICAN
DRUG SUSPECT
NAKATAKAS

Si Jun “Jazz” No, isang Korean American drug suspect ay nakatakas habang naka-confine sa East Avenue Medical Center.

Si Jazz ay naaresto noong April 5 sa isang entrapment operation sa isang parking lot sa MOA, Pasay. Umabo sa 140 ecstasy ang nakuha sa kaniya sa ginawang entrapment.

Siya ay dinala sa nasabing ospital noong April 10, dahil masakit daw ang tiyan. Siya nga ay naoperahan for acute appendicitis.

Nakatakas ang suspect dahil walang nagbantay sa kanya.

Inaresto ng mga police ang anak na si Darlene Son, na naroon nang mangyari ang pagtakas ng ama.

MOCHA ‘DI RAW
NAGKAKALAT
NG PEKENG BALITA

Itinanggi ni Movie & Television Review & Classification Board (MTRCB) member, Mocha Uson ang paratang na siya ay source ng pekeng mga balita, kasama na rito ang iba niyang post sa kaniyang sikat na social media accounts.

Ayon sa kaniya, lahat ng posts niya ay “FACT-CHECKED.” Dagdag niya, “Unang-una po, hindi po ako nagpapalaganap ng false news. Dahil nabanggit ko po kanina, I indicate my sources, ma’m. Nandoon po iyon. At karamihan ay galing po sa mainstream media. As much as I can, kinukuha ko po directly from government agencies.”

Iyan ang naging pahayag ni Uson sa harap ni Winnie Monsod.

Kayo na ho ang humusga.

FETUS PINASAGASAAN

Labis na nadurog ang aking puso, sa napanood kong balita noong Linggo. Nais ko rin ibahagi sa inyo ang balitang ito.

Isang fetus na nakalagay sa isang kahon ang iniwan sa kahabaan ng Quezon Ave. Wala nang buhay ang nasabing fetus. Ang hindi natin alam, e kung buhay pa ito bago ilagay sa gitna ng kalye, sapagkat ang fetus ay ilang ulit nasagasaan ng mga sasakyan.

Napakawalang puso ng gumawa nito.

MGA KUWENTO NI MRS. OX
ni Marnie Stephanie Sinfuego

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Panibagong fertilizer scam?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. TILA walang katapusan ang pagpapalabas ng Department of Agriculture …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Gera ni MGen. Okubo vs “1602”; si J. Bernardino at “137” sa Las Piñas

AKSYON AGADni Almar Danguilan KALIWA’T KANAN na naman ang operasyon ng limang distrito ng pulisya …

Dragon Lady Amor Virata

Extension ng SIM card registration tigilan

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUWAG na sanang magkaroon ng extension para sa SIM …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Supreme Court nagdesisyon sa land dispute:
MAKATI AT TAGUIG KUMILOS NA PARA SA MGA RESIDENTE

AKSYON AGADni Almar Danguilan HAYUN, paglipas ng halos tatlong dekada, inilabas na ng Korte Suprema …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Isa pang sweet appointment

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA pang isang buwang nakapagtatalaga ng OIC sa Sugar …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *