Friday , June 2 2023

De Lima, inamin na nag-text sa anak ni Dayan

SINABI ni Ronnie Dayan, na pinigilan siya ni De Lima na humarap sa House Probe. Bagay na hindi naman itinanggi ni Sen. Leila De Lima. Ginawa niya raw ito upang maprotektahan ang sarili sa persecution na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon. Ang nasabing mensahe ay ipinadala niya thru Viber message sa anak ni Dayan.

Dahil sa ginawang pag-amin ni De Lima, hinikayat ni Sen. Panfilo Lacson ang Lower House na mag-file ng complaint laban kay De Lima before the Senate Ethics.

Ayon kay Lacson, “No Senator can be arrested habang nasa session ang Senate, and if the crime is not punishable by more than 6 years.”

GINA LOPEZ DENR CHIEF

Ini-appoint muli ni PRESDU30 si Gina Lopez bilang Environment Secretary matapos i-bypassed ng Commission on Appointments.

Ayon kay PRESDU30 mismo, gusto niya si Lopez dahil very strict at hindi corrupt. Lalo nang hindi raw puwedeng i-corrupt si Lopez. Sa five months na pagkakaupo ni Lopez, naging responsable siya sa kampanya sa pag-audit ng mining firms.

SC GUSTO IPASUSPENDI
ANG LISENSIYA NI DE LIMA

Para sa Supreme Court (SC), ang ginawang pag-amin ni Sen. Leila De Lima sa naging relasyon niya sa dating driver-bodyguard na si Ronnie Dayan ay kahiya-hiya bilang abogado. At ang pag-amin ni De Lima sa publiko ay immediate suspension sa kaniyang legal profession hanggang maayos ang kaso nito. Para sa SC, immoral ang ginawa ni De Lima at ginagawang laro ang justice system.

2 SA 13 PULIS NA IDINAWIT
NI ESPINOSA NAKA-DETAIN

Ang dalawa sa 13 pulis na isinasabit ni Kerwin Espinosa sa drug trade bilang mga drug protector ay nasa detention na. Ang walo naman ay nasa floating status at reassigned sa regional headquarters support group. Ang isa naman na si police pfficer 3 Alfredo ay AWOL.

MGA KUWENTO NI MRS. OX
ni Marnie Stephanie Sinfeugo

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Solusyunan ang unemployment, Mr. President

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Nabunyag sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mga bugok sa QC hall, magbago na kayo

AKSYON AGADni Almar Danguilan Mayroon pa palang mga bugok na kawani sa Quezon City Hall. …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Panibagong fertilizer scam?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. TILA walang katapusan ang pagpapalabas ng Department of Agriculture …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Gera ni MGen. Okubo vs “1602”; si J. Bernardino at “137” sa Las Piñas

AKSYON AGADni Almar Danguilan KALIWA’T KANAN na naman ang operasyon ng limang distrito ng pulisya …

Dragon Lady Amor Virata

Extension ng SIM card registration tigilan

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUWAG na sanang magkaroon ng extension para sa SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *