Saturday , October 1 2022

Mojack, dinamdam ang pagpanaw ni Blakdyak

SOBRANG nabigla at nalungkot ang singer/comedian na si Mojack sa pagkamatay ni Blakdyak.

Ayon kay Mojack, nagulat siya sa nangyari kay Blakdyak na bukod sa pagiging kaibigan at ini-impersonate niya, malaki rin ang naitulong sa kanya nito sa showbiz.

“Nang makita ko ang post ng isa kong friend na reporter ng ABS-CBN na si Hajji na-‘Blakdyak natagpuang wala ng buhay sa kuwarto’-napasigaw ako sa sinasakyan ko at kinompirma nga sa akin iyon.

“Umiyak na ako kasi, kakatawag lang niya (Blakdyak) tapos ganoon mangyayari. Eh kapatid ang turingan namin. Hanggang sa nag-chat na ‘yung friend kong reporter at nalaman ko na totoo ang balita. Kaya hayun, nag-start na siya ng interview sa akin na ‘di ko alam ‘yung conversation namin, narinig ng kaklase ko from Australia-na narinig nila name ko sa DZMM,” saad ni Mojack.

Si Blakdyak ay natagpuang patay last Monday sa inuupahang apartment sa Sampaloc, Manila. Isa si Mojack sa huling naka-usap ni Blakdyak bago ito namatay.

“Way back 2003 nang mag-apply ako as extra sa Viva at sabi nila may pagka-Blakdyak daw ako. Dinala nila ako ng staff ng Viva sa shooting ng ‘Weyt a Minit Kapeng Mainit’ na nandoon si Kuya Joey (Blakdyak). Nang nakita n’ya ako nilapitan n’ya ako at nagpakilala siyaa kaya nang nagkapalagayan na kami ng loob, ipinakilala n’ya ako kay Direk Ben Feleo na direktor ng movie at ang sabi naman bibigyan kita ng role as priest.

“Natuwa naman ako, kasi first time kong lalabas sa big screen,” aniya pa.

Dagdag pa ni Mojack, “Noong tumawag si Kuya Joey (Blakdyak) sa akin ng Nov. 16 ng gabi via msgr. malungkot ang boses niya, ang sabi niya lang sa akin, ‘Bro bigyan mo kami number mo ng ate mo (Twinkle).’ Sagot ko kay Kuya, ‘Di mo talaga mari-reach ang number ko pero ‘di ako nagpalit, nandito kasi ako sa Japan.’ Sabi pa niya, ‘Usap kayo ng Ate Twinkle mo, kailangan ka namin.’ Sagot ko, ‘Wala po talaga ako riyan kuya sa ‘Pinas, dito ako Japan.’

“Si Kuya Joey, talagang mabait iyan, ‘di ka niya dadalhin sa masama at ipagtatanggol ka niya sa lahat. Tatawa lang siya ‘pag may naririnig, pero masama ‘pag nagalit. Blakdyak and me po ay talagang turingan namin is magkapatid, kasi halos kung ano ang mayroon siya, isini-share niya sa akin at kung ano ang mayroon ako ay i-share ko rin sa kanya-specially sa mga personal things namin.

“Gustong-gusto kong umuwi ng ‘Pinas ngayon, pero alam ko maiintindihan iyon ni kuya dahil pareho kaming nasa industriya na the show must go on, para ‘di masira sa mga napangakuang trabaho,” malungkot na saad pa ni Mojack.

Nasa Japan ngayon si Mojack at nagbibigay ng saya roon na karamihan ay mga Pinoy na OFW. Balak daw niyang magkaroon ng show for a cause para sa mahal na kaibigang si Blakdyak.

About hataw tabloid

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply