Wednesday , October 5 2022

Selosang aktres, madalas sumugod at pauwiin ng maaga ang asawang aktor

ANG nilikha niyang multo ay siya rin niyang kinatakutan.

Kalat na ang balitang hindi makapagtrabaho nang maayos ang isang pamilyado nang aktor dahil sa kanyang misis. Kung hindi kasi siya sinasadya sa set ng wala man lang pasabi ay pinauuwi siya nito ng maaga.

Simple lang ang dahilan ng pang-eeksena ng misis niyang aktres: TH (as in tamang hinala) ito na baka may something sa kanyang asawa at ng leading lady nito.

Isa lang tuloy ang kongklusyon ng mga taga-production na noon pa ma’y nakatrabaho ng selosang aktres. Palibhasa raw kasi ay sinulot niya mula sa isang singer ang ngayo’y asawa na niya. ‘Yun ‘yong panahong karelasyon pa ng aktor ang singer (na anak din ng singer), na “tinukso” ng dyowa niya ngayon.

Da who ang insekuridang misis ng aktor na baka sa kagaganyan ng kanyang misis ay hindi malayong matukso sa ibang babae? Itago na lang natin siya sa La Osang Prima Reyna.

( Ronnie Carrasco III )

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …

Anthony Taberna Ka Tunying's Cafe

Resto ni Ka Tunying ipinabo-boykot din

I-FLEXni Jun Nardo PINASALAMATAN  at humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin ligtas na, operasyon sa puso matagumpay  

I-FLEXni Jun Nardo LIGTAS na si Senator Robin Padilla. Isinugod sa ospital ang aktor-senador dahil sa …

Blind Item, Men

Audition ni male star sa movie company pinaghubo’t hubad

ni Ed de Leon WALANG nagawa ang isang baguhang male star. Pinapunta siya sa office ng …

Mike Tan

Mike Tan gradweyt na ng BS Psychology  

HATAWANni Ed de Leon TALAGANG kung magsisikap, matutupad ang pangarap. Tingnan ninyo ang actor na …

Leave a Reply