Wednesday , July 9 2025

PresDU30 on United Nations

KAHAPON, sa isang briefing ay sinabi ni PRESDU30 na aalis siya sa United Nations (UN). At hindi magdadalawang isip na sumali sa bagong order na ginawa ng China at Russia.

Para kay PRESDU30, “There is still war. United Nations, walang nagawa.” Sinabi niya rin sa isang talumpati, na gagayahin niya ang ginawa ng Russia at China na aalis sa International Criminal Court (ICC).

Dagdag niya, nag-request siya ng meeting kay Russian President Vladimir Putin, sa kaniyang sidetrip sa APEC Summit.

SANDIGAN BAYAN: LAYA NA
SI GMA SA LAHAT NG GRAFT CASE

Ang dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo ay malaya na sa lahat ng kaso laban sa kaniya. Ito ay kinompirma ng Sandiganbayan. Dismiss na rin ang kasong graft laban kay Arroyo.

Ang naturang kaso ay na-dismiss dahil walang matibay na ebidensiya laban kay GMA. Taong 2007 palang, ang naging kaso ni Arroyo kaugnay ng NBN-ZTE contract ay non-existent na, bago mag-file ng charges laban kay GMA.

MALACAÑANG MASAYA
SA MATAAS NA RATING

Binigyan ng “P60,000 very good” rating si PRESDU30 sa unang tatlong buwan na pagkakaupo nito. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, ang +66 Net satisfaction rating ng administrasyong Duterte ay pinakamataas, ito ay simula pa noong administrasyon ng yumaong Pangulo na si Corazon Aquino.

Dahil sa mataas na ang rating ng kasalukuyang administrasyon, mas paiigihin pa nila lalo ang kanilang trabaho.

Ang survey ay nagbigay ng “excellent” rating sa laban ni PRESDU30 sa ilegal na droga, “very good” rating in promoting human rights at “good” rating sa pakikipagsundo sa mga muslim.

E-CIGARETTES, GUSTO
IPAGBAWAL NG DOH

Isinama ng Department of Health ang E-cigarettes at vapes sa planong Executive Order for a public smoking ban.

Ayon kay DOH spokesperson Dr. Eric Tayag, may pag-aaral at sinabing pwedeng makasama sa kalusugan ang E-cigarettes at vapes.

Ang E-cigarette ay niliquify na nicotine, at ayon sa ibang report, kumpara sa cigarette tobacco, mas maiging gamitin na lang ng E-Cigarette at vape. Pero hindi pa rin maitatago ang chemical na masama pa rin sa kalusugan.

Ang Executive Order para sa smoking ban, ay nasa Office of the President na, at hinihintay ang pirma ni PRESDU30.

MGA KUWENTO NI MRS. OX
ni Marnie Stephanie Sinfuego

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bawal ang tamad kay Torre; at… ang kasipagan naman ng CIDG

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAWAL ang pulis na tatamad-tamad sa liderato ni Philippine National Police …

YANIG ni Bong Ramos

Senior Citizens sa Maynila kabado sa kanilang monthly allowance

YANIGni Bong Ramos MASYADONG ng kinakabahan ang mga senior citizen at persons with disability (PWDs) …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Buga ni Dragon Lady’, hindi ba kayang ‘apulahin’ ng palasyo?

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAGBALIK-Bureau of Customs (BoC) na pala si dating Office of the …

Firing Line Robert Roque

Kampanya para sa open bicam

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANONG zarzuela ito? Sa isang press con nitong Miyerkoles, …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos supalpal kay House Spox Princess Abante

SIPATni Mat Vicencio MARAMI ang nagtataka kung bakit sa kabila ng panalo ni Senator Imee …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *