Thursday , September 21 2023
Sipat Mat Vicencio

Sec. Andanar, moderator na lang, bow

HABANG tumatagal sa kanyang puwesto si Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar, mukhang walang pagbabagong nakikita sa kanyang pagganap ng tungkulin.  Panis ang performance ni Martin.

Marami sa mga palace reporter ang desmayado at pikon na kay Martin dahil bibihirang magpatawag ng press briefing para sa kanilang gagawing balita.  Mabuti pa raw si Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na may panahong magtungo sa press office at  makipag-usap sa mga journalist para magbigay ng pahayag na may kaugnayan sa usapin hinggil kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Ang nakatatawa pa, sa halip na gampanan ni Martin ang kanyang tungkulin bilang presidential communications office secretary, lumalabas na siya ay moderator na lamang ng Palasyo. Mabibilang mo sa daliri ang ipinatatawag niyang press briefing na dapat ay araw-araw niyang ginagawa sa Palasyo.

Nakahihiya, dahil kung minsan apat-apat pa ang iniimbitang department secretary sa press conference ng Palasyo at makikita mo si Martin, abalang-abala, hindi sa kanyang sasabihin kundi sa pag-aasikaso sa mga inimbitahang miyembro ng Gabinete. Boy, ipaubaya mo na ‘yan kay Rocky at Marie.

Napakalayo nitong si Martin sa kanyang pinalitan sa puwesto na si dating Sec. Herminio Coloma.

Halos araw-araw, makikita si Coloma na nasa harap ng telebisyon at radyo,  walang kapaguran, nagbibigay ng pahayag sa mga reporter.  At kahit araw ng Linggo, masipag na sumagot sa tanong sa mga text si Coloma para linawin ang tungkol sa mga nangyayari sa executive department.

Hanep din kung magsalita si Coloma, Pinoy na Pinoy, hindi tulad ni Martin, wala na ngang laman, pa twang-twang pa kung mag-Ingles.

At noong lumutang ang star witness ni Sen. Leila De Lima na si Edgar Matobato sa Senado, hindi ba’t kung hindi pa bulabugin si Martin ng ilang kakampi ni Digong, walang magsasalita sa Palasyo para ipagtanggol ang pangulo sa akusasyon ni Mataboto?

Sige na nga, kung talagang moderator na lang ang papel nitong si Martin, mano ba namang magbigay na lang siya ng pahayag sa mga reporter kung ano na ang kalagayan ng mga ipis, daga, surot  at lamok sa buong paligid ng Palasyo. Sabihin niya kung ilang populasyon at kung ilan na rin ba ang namamatay sa mga insektong ‘yan.

Sa ganitong paraan, e, magkaroon naman ng  pakinabang itong si Martin.

 
SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD anti-drug campaign, nakaiskor ng P2.4-M ‘damo’

AKSYON AGADni Almar Danguilan DALAWANG linggo na rin ang nakalipas simula nang italagang Director ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pangyabang na bonus, habang dedma sa learning crisis

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG pag-aanunsiyo kamakailan ng bonus na inilabas ng Department …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-utol na meyor may dementia o amnesia?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata BILIB na sana ako sa kasipagan ng magkapatid na …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

SIM card registration law ‘di kinatakutan ng scammers

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MUKHANG hindi natakot ang mga scammer sa SIM card registration law …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

Confi at intel funds mahalaga kung gagamitin nang tama

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MAHALAGA para sa isang ahensiya ng pamahalaan ang pagkakaroon ng tinatawag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *