Friday , June 2 2023

Pacman vs Marquez part 5

MAY ugung-ugong sa sirkulo ng boksing na unti-unti nang bumabalik sa ring si Juan Manuel Marquez.

Umiispar na raw sa ring si Marquez at nagpapakundisyon na para raw may pinaghahandaang malaking laban?

Agad namang pumasok sa malilikot na utak ng mga kritiko na nangangamoy Pacquiao –Marquez Part 5?

Well…hindi masama ang match up na iyon.   Talaga naman kasing giyera kapag nagharap ang dalawang warriors ng ring.

Ang tanong lang dito ay kung si Manny nga ang pinaghahandaan ni Marquez?  Baka naman kasi may iba itong misyon sa ring?

Ikanga kasi noong tinalo niya si Pacquiao via knockout—todo-todo na ang bawi niya sa Pambansang Kamao at puwede na niyang talikuran ang paghingi nito ng isa pang rematch.

Sabi nga sa salitang-bata:   topo-topo barega na at hindi na makakabawi si Pacman.

Pero malay natin—baka si Pacquiao nga ang misyon ni Marquez.   Iba kasi ang bayaran kapag ang Pinoy pug ang makakalaban niya.  Bigtime ang bayaran.

Saka puwede naman niyang pagbigyan uli ng laban si Pacquiao dahil alam niyang sa kanya lang hirap ang Senador ng Pilipinas.

Ikanga—kontrapelo ang kanilang istilo pabor sa Mexican boxer.

Bakit hindi, di ba?

0o0

Advance Happy Birthday sa kaibigan nating si Teresita Tribo Nits na magseselebra ng kanyang kaarawan bukas (Sept 10).  Problema lang, sa Australia siya magpapabaha ng blowout.  Anyway, darating siya dito sa Pinas sa March (2017) at doon lang makakabawi ang dabarkads.   Happy birthday uli Tess! Pinaaabot din ni Mel Tribo ang kanyang pagbati!

Belated Happy Birthday naman sa anak kong si LecLec at apo kong si Kent na nag-celebrate ng kanilang kaarawan kahapon.

KUROT SUNDOT – Alex Cruz

About Alex Cruz

Check Also

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …

BiFin swimming SEA Games

BiFin swimming team impresibo sa kampanya sa SEA Games

KUMPIYANSA si Philippine Sports Hall-of-Famer at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain na malaki ang …

PSC Ifugao Laro ng Lahi

MOA signing, PSC at Province of Ifugao para sa Laro ng Lahi hosting

Pormal na nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ifugao ang …

PSC Laro ng Lahi

MOA nilagdaan ng PSC, Ifugao para sa Laro ng Lahi hosting

MASAYANG nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng pamahalaang panlalawigan ng Ifugao ang memorandum …

Richard Bachmann PSC

PSC bankrolls SEAG participaion, commits continued support

Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann reiterated the agency’s commitment to support elite athletes …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *