Thursday , June 1 2023
Kurot Sundot ni Alex Cruz

Double overtime!!!

MEDYO napapangiti tayo nung Linggo nang mapanood natin ang tatlong games sa basketball na inaabangan natin.

Daig pa ang pinagtiyap kasi.   Parang sinadya.

Nagsimula ang nakakatuwang pangyayari nang mapanood natin nung umaga ang laban sa Rio Basketball sa pagitan ng Brazil at Argentina.

Naging balikatan ang nasabing laban at nagtapos ang laban sa DOUBLE OVERTIME.

Nanalo sa nasabing laro ang Argentina.

Nasiyahan tayo sa nasabing laban dahil punung-punto ng excitement.

Hindi ko akalain na may karugtong ang kasiyahang iyon nang sa araw na iyon ay napanood ko ang 1st Game sa PBA sa pagitan ng Globalport at Meralco.

Akalain mo bang nagtapos din ang larong iyon sa DOUBLE OVERTIME?   Nagwagi sa nasabing laro ang Globalport.

Whew. Parang pinagtiyap noh?  Double overtime din.

Pero mas lalo akong napa-wow nang mapanood ko ang 2ndGame sa PBA sa pagitan ng San Miguel Beermen at Ginebra San Miguel.

Nagtapos din ang nasabing laro sa DOUBLE OVERTIME!

Sobra-sobra ang excitement di ba?   At bihirang mangyari ang mga ganoong pangyayari.

0o0

Habang sinusulat natin ang kolum na ito ay nasa meeting sa PHILRACOM ang kolumnista nating si Rekta.

Naroon po si Rekta para magmasid  sa formal inquiry na binuksan ng Philracom tungkol sa isinulat ng ating kolumntista sa kuwestiyunableng pagkatalo ni MR. UNIVERSE na sinakyan ni Jockey Apoy Asuncion laban sa nanalong si  Magical Bell noong Agosto 7.

Kung ano man po ang kalalabasan ng nasabing inquiry ay ilalahad natin sa mga karerista na sumusubaybay sa kolum na Rekta.

Abangan po ninyo iyon.

SUNDOT KUROT – Alex L. Cruz

About Alex Cruz

Check Also

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …

BiFin swimming SEA Games

BiFin swimming team impresibo sa kampanya sa SEA Games

KUMPIYANSA si Philippine Sports Hall-of-Famer at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain na malaki ang …

PSC Ifugao Laro ng Lahi

MOA signing, PSC at Province of Ifugao para sa Laro ng Lahi hosting

Pormal na nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ifugao ang …

PSC Laro ng Lahi

MOA nilagdaan ng PSC, Ifugao para sa Laro ng Lahi hosting

MASAYANG nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng pamahalaang panlalawigan ng Ifugao ang memorandum …

Richard Bachmann PSC

PSC bankrolls SEAG participaion, commits continued support

Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann reiterated the agency’s commitment to support elite athletes …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *