Tuesday , July 15 2025
Greg Slaughter Gilas
Greg Slaughter Gilas

Ugali ng Pinoy taglay ni Slaughter

BLANGKO pa ang listahan ng final line up ni coach Yeng Guiao na dadayo  sa Iran para sa 4th window ng FIBA World Cup qualifiers.

Ang dahilan ay hinihintay pa ang ilang papeles ni Greg Slaughter na nagpapatunay na may dugo siyang Pinoy  para mapabilang sa line up  bilang local.

Medyo kinabahan ang ilang fans ng  basketball.   Pag nagkataon kasi ay mawawalan ang Team Philippines ng lehitimong sentro.    Wala tayong panapat kay 7-foot-2  Haddadi ng Iran.

Pero ang Kurot Sundot ay relaks lang sa nangyaring sitwasyon na sa ultimo-ora ay doon lang nagkumahog si Slaughter para kompletuhin ang papeles na nagpapatunay na puwede siyang maglaro sa FIBA bilang local ng Team Philippines.

Bakit kanyo relaks tayo?

Aba’y sa nangyaring sitwasyon ay pinatutunayan na ni  Slaughter na tunay siyang Pinoy kahit na siguro  huwag nang ipakita ang mga papeles niya.

Katulad ng ordinaryong Pinoy,  “beat-the-deadline” siya para maisabmit ang mga requirements.   Ikanga, kung kailan deadline na ay saka  lang siya kumilos, samantalang ilang taon na ba siyang naglalaro sa PBA?

Di ba tipikal na ugaling Pinoy si Greg?

Tuloy ay nabimbim ang pag-anunsiyo ni coach  Guiao ng pinal niyang line-up na lilipad papuntang Iran.

Kahapon ay balitang nakapagsumite na ng requirements si Slaughter.

Pero kuwidaw pa rin tayo  dahil kailangan pa rin pala ng approval ng FIBA kung papayagang maglaro si Slaughter bilang local.

Mukhang kulang o may depekto ang papeles ni Slaughter?

Abangan na lang natin ang mangyayari.

KUROT SUNDOT
ni Alex Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Cruz

Check Also

Eric Singson Tats Suzara ANV PNVF

Candon, PNVF, pinapahalagahan ang ‘volleyball tourism’

DAHIL sa tagumpay ng kasalukuyang 2025 Southeast Asian Volleyball League, hindi na nag-aksaya ng oras …

PSC PSTC

IRR para sa Philippine Sports Training Center Act, inaprubahan ng Lupon ng PSC

INAPRUBAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Philippine Sports …

AFAD mangunguna sa Defense & Sporting Arms Show sa July 23-27

AFAD mangunguna sa Defense & Sporting Arms Show sa July 23-27

MULING ILALARGA ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) ang …

Patrick Pato Gregorio Bambol Tolentino

PSC Chairman Gregorio: “Napaligaya namin ang 2000 atleta at coach ngayong araw”

INILAHAD ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick ‘Pato’ Gregorio ang kanyang roadmap para sa …

PSA Reli De Leon MMTCI

MMTCI magsasagawa ng tatlong bahagi ng karera sa Malvar, Batangas

ANG Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ay magsasagawa ng tatlong bahagi ng Prince Cup …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *