Thursday , December 9 2021
Stanley Pringle Christian Stand­hardinger
Stanley Pringle Christian Stand­hardinger

Pringle sa Kazakhstan, Standhardinger sa Iran (Bilang naturalized player)

MAGPAPALITAN bilang naturalized player sina Stanley Pringle at Christian Stand­hardinger sa laban ng Gilas Pilipinas kontra Kazakhstan at Iran para sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers simula bukas sa Mall of Asia Arena.

Ito ang inihayag ni head coach Yeng Guiao kahapon matapos ang huling ensayo ng Gilas sa Meralco Gym sa Pasig City.

“More or less, si Stanley sa Kazakhstan, si Christian naman sa Iran,” ani Guiao.

Ayon kay Guiao, swak si Pringle sa guard-heavy Ka­zakhs­tan habang mas kaka­ilanganin naman ng pamban­sang koponan ang laki ng 6’8 Filipino-German na si Stand­hardinger.

Ang iba pang 11 manlalaro na kokompleto sa koponan ng Gilas ay nakatakdang ianunsiyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ngayong gabi habang isinusulat ang ulat na ito.

Samantala, binigyan ng send-off ng SBP sa pangunguna ni President Al Panlilio at Philippine Basketball Associa­tion (PBA) sa pamumuno ni Commissioner Willie Marcial ang Gilas bago ang laban bukas.

Dinaluhan ng mga Olympians at PBA greats ang naturang send-off tulad nina Hechanova, Antonio Genato, Manny Paner, Marte Samson, Ed Roque, Arturo Valenzona at Jimmy Mariano gayondin nina PBA legends Robert Jaworski Sr., at Chito Loyzaga.

Nasa pagtitipon ang PBA executives na sina Robert Non ng San Miguel, Al Francis Chua ng San Miguel at Dickie Bachmann ng Alaska. (JBU)

 

About John Bryan Ulanday

Check Also

Luke Walton Alvin Gentry

Coach Luke Walton tinanggal ng Sacramento Kings

NA-PROMOTE si Sacramento Kings associate head coach Alvin Gentry sa interim head coach pagkaraang sipain …

Conor McGregor

Conor McGregor sasabak sa Octagon sa 2022

NANINIWALA si Conor McGregor na nasa unahan siya ng pila para sa 155-pound title shot   …

Denice Zamboanga Drex Zamboanga

Denice, Drex Zamboanga magbabalik-Pilipinas

MAGBABALIK sa bansa  si Filipina ONE Championship Atomweight Denice “Lycan Queen” Zamboanga pagkaraan ng mahaba-haba …

Miguel Leon Tyson Mike Tyson

Anak ni Iron Mike gustong lumaban sa England

IPINAKITA ni Miguel Leon Tyson, anak ng pamosong dating heavyweight champion Iron Mike Tyson, ang …

Kamaru Usman Canelo Alvarez

UFC’s Usman gustong makaharap sa ring si Canelo

INULIT ni UFC welterweight champion Kamaru Usman ang matindi niyang hamon kay super middleweight boxing …

Leave a Reply