Friday , September 22 2023

Allen Dizon, tampok sa Cinemalaya entry na Lando at Bugoy

00 Alam mo na NonieSUKI na ang award-winning actor na si Allen Dizon sa iba’t ibang film festivals sa ating bansa. Actually, pati sa mga filmfest sa abroad ay madalas din na pumapasok ang mga movie ni Allen. Sa ginaganap na 12th Cinemalaya Independent Film Festival ngayon ay may entry ulit si Allen, ang Lando at Bugoy.

Pang-ilang entry na niya ito sa Cinemalaya?

“Pang-apat na yata itong Cinemalaya ko. Actually yung pang-competition mga apat…, mga ganoon. Iyong last ko ay Children Show, tapos yung Sigwa, Patikul at ngayon, etong Lando at Bugoy,” saad ni Allen.

Inusisa rin namin siya ukol sa pelikulang ito na sinulat at pinamahalaan ni Vic Acedillo na tinatampukan din nina Gold Aceron, Roger Gonzales, Rachel Anne Ang Rosello, Maricar Semitara, Carlos Penaloza, Benjie Criss Estrella, at iba pa.

“Ito’y very inspiring na pelikula, kasi unang-una, tungkol ito sa education. Kung gano kaimportante yung edukasyon sa mga bata at sa mga magulang na katulad ko. Dito kasi sa Lando at Bugoy hindi ako nakapag-aral dito. Kaya sinamahan ko yung anak ko, kaming dalawa yung nag-aral, sabay kami… nakatapos naman ako, nakatapos kami.

“Noong una ay hindi kami nagkasundo dahil matigas ang ulo ni Bugoy, kaya Bugoy yung tawag sa kanya dahil pasaway. So sa istorya, kahit dalawa na lang kami, kahit wala siyang ina dahil namatay ang asawa ko rito, nabuhay ko siya bilang isang mabuting anak at naituwid ko ang mga landas para malayo siya sa mga bisyo, maitama niya lahat ng pagkakamali niya at nakapag-aral siya nang maayos.”

Binanggit din ni Allen kung gaano siya kasaya sa mga project at role na ginagawa.

“Ako naman talagang love ko ang indie films, ang paggawa ng pelikula. Natutuwa nga ako na at least, maraming nagpo-produce ng pelikula at kino-consider ako sa iba’t ibang klase ng role. Na kinukuha ako ng baguhang director, ng batikang director, kinukuha ako, na laging always welcome ako kahit saan,” wika ng actor.

Dagdag pa niya, “Oo naman challenge sa akin iyon, lahat naman ng ginagawa ko ay may challenge. Gusto ko na lahat ng ginagawa ko ay puwede kong ipagmalaki kahit kanino. The more na mas mahirap iyong role, the more na mas nacha-challenge ako at the more na mas pagbubutihan ko.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Donita Nose Super Tekla

Donita Nose kering makipaglaplapan kay Tekla

MATABILni John Fontanilla HANDANG makipaglaplapan kay Tekla ang singer & comedian na si Donita Nose if ever na mabibigyan …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Pagsikat ni Male star naunsyami (nagmadali, nalinya pa sa mga gay role)

ni Ed de Leon NANIWALA si Male Star na maaari siyang sumikat sa K-Pop  na uso naman …

Trina Candaza Carlo Aquino Mithi

Problema nina Carlo at Trina ‘di dapat maipasa kay Mithi

HATAWANni Ed de Leon MABILIS ang reaksiyon ni Trina Candaza nang magharap ng kaso sa korte si Carlo …

Liza Soberano

Hope Soberano from Hollywood to Korean career (makalusot naman kaya?)

HATAWANni Ed de Leon NATAWA naman kami roon sa balitang ngayon  ay pinag-aaralan na ni Hope Soberano ang …

Alfred Vargas

Alfred sa pagtigil sa paninigarilyo — to live longer, healthier and happier for my family, I want to see my children graduate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI madaling umiwas sa bisyo lalo’t stress at nakasanayan na. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *