Wednesday , March 22 2023

New Orleans sibak sa New York

111715 NBAMALAKI ang inambag ni Carmelo Anthony para ipanalo ang New York Knicks laban sa New Orleans Pelicans, 95-87 kahapon sa 2015-16 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Ganunpaman, natuwa ang All-star member Anthony sa ipinakitang tikas ng kakamping si Kevin Serapin.

Nagtala si Anthony ng 29 points at 13 rebounds at tatlong assists habang si Serapin ay may inambag na 12 puntos at tatlong rebounds  para ilista ang 5-6 karta ng New York.

‘’(Seraphin) gets the game ball,’’ ani Anthony. ‘’He deserved it. He was ready. He was a big part of our run that we made in the second half. To see him, and what he’s dealing with emotionally and mentally, be prepared today when his number was called was big.’’

Si Serapin na isang Frenchman ay nagpaahit ng “PARIS” sa kanyang buhok upang magbigay pugay sa mga biktima ng terror attack sa France.

Napansin ni Anthony na mainit si Serapin kaya palagi nitong pinapaposte at binibigyan ng bola.

‘’When you see the star of the team, especially a guy like (Anthony), giving me the ball and telling me to get in the post and he’d get me the ball, it gives you confidence,’’ sabi ni Seraphin.

Kumana naman si Anthony Davis ng 36 points at 11 rebounds para sa New Orleans na nalaglag sa 1-9 card.

Sa ibang resulta, kinalmot ng memphis Grizzlies ang Minnesota Timberwolves, 114-106 habang sinilo ng Utah Jazz ang Atlanta Hawks, 97-96.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply