Monday , October 2 2023

Tibay ng dibdib tibay ng puso (2015 Milo Little Olympics)

102715 Milo Little Olympics
MAHIRAP talunin ang isang taong hindi sumusuko, minsang wika ni Babe Ruth—isa sa pinakadakilang manlalaro sa larangan ng baseball.

Sa mga katagang ito hinugot ni Gobernador Ramil Hernandez ang pag-hamon sa mga lumahok na kabataang atleta sa isinagawang national championships ng 2015 Milo Little Olympics na ginanap sa Laguna Sports Complex sa Sta. Cruz, Laguna.

“Maipapakita ng mga kabataan dito ang tibay ng kanilang galing sa napili nilang laro… ang tibay ng dibdib para maitawid hanggang matapos ang kanilang laro, tibay na makipagsalamuha at makipagkapwa-tao sa kanilang mga kakampi at katunggali, at tibay ng puso na makayanan at tanggapin ang pagkatalo,” idiniin ng pinamataas na opisyal ng lalawigan.

Itinuring ng gobernador ang Milo Little Olympics na hindi makakalimutang kaganapan sa larangan ng palakasan na napakahalaga sa paghubog ng pagkatao ng atleta, partikular sa mga kabataang estudyante na mula sa iba’t ibang eskuwelahan ay lumahok para makipagtagisan ng kanilang galing sa sports.

Hindi rin isinantabi ni Hernandez ang paghihirap ng mga magulang ng mga kalahok sa taunang Olimpiyadang pinangunguna-han ng Milo.

“Kung hindi sa inyong mga magulang,” punto niya sa mga kabataan, “hindi ninyo mararating ang inyong kinaroroonan ngayon. Mahalaga ang walang-sawang suportang ipinagkaloob sa inyo ng inyong pamilya at ga-yon din ng inyong pangalawang magulang—ang inyong mga guro,” aniya.

Binanggit din ng gobernador ang mati-yagang paggabay ng mga alkalde na humikayat sa bawat kabataan para ipagpatuloy nila at kompletohin ang kanilang ma-tinding training para makamit ang kanilang inaasam na maging kampeon at bayani ng kanilang pinagmulang lungsod o lalawigan.

 

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

BUBOY Chess

Kuya Buboy Abalos chessfest tutulak sa 8 Oktubre 2023

MAYNILA — Tutulak ang Kuya Buboy Abalos Limbas Mandaragit Eagles Club Chess Tournament 2023 sa …

Philippine ROTC Games Luzon Leg

Philippine ROTC Games Luzon Leg simula na

TAGAYTAY CITY— Pinangunahan ni Senator Francis “Tol” Tolentino ang matagumpay na pagbubukas ng Philippine ROTC …

Emi Cup Pro-Am golf

Emi Cup Pro-Am golf papalo sa Sept. 21-22

KABUUANG 285 golfers, kabilang ang mahigit 100 professional golfers mula sa Professional Golfers Association of …

Daniel Fernando Singkaban Football Festival Bulacan

Ika-2 Singkaban Football Festival humataw sa Bulacan

SA ikalawang pagkakataon, muling nagsaya sa paglalaro ang mga Bulakenyong manlalaro ng football na may edad na …

Jose Efren Bagamasbad Martin Binky Gaticales Angelo Abundo Young Henry Roger Lopez

Int’l Master Angelo Abundo Young naghari sa Grandparents Day Celebration Open Rapid Chess Tournament

Final Standings and tournament payouts: (7 Round Swiss System, 15 minutes plus 5 seconds increment …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *