Hipag na may topak pinapak ni bayaw

POLILIO, Quezon – Walang awang ginahasa ng bayaw ang kanyang hipag na may diperensiya sa pag-iisip sa Brgy. Poblacion ng bayang ito kamakalawa.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Auring, 19, habang agad tumakas ang suspek na kinilala sa alyas na Bobby, nasa hustong gulang, pawang ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat ng Polilio PNP, dakong 11:00 a.m. makaraang magluto si Josie sa bahay ng kanilang ina nang utusan ang kapatid na si Auring na dalhan ng pananghalian ang suspek na kanyang live-in partner, sa kanilang bahay sa hindi kala-yuan.

Makalipas ang 30 minuto, hindi pa bumabalik ang biktima kaya nangamba si Josie na may nangyari sa kapatid.

Bunsod nito, ipinasya ni Josie na sunduin ang kapatid sa kanilang bahay.

Ngunit nang malapit na sa kanilang bahay ay may narinig si Josie na humahalinghing sa madamong lugar at nang kanyang usisain ay nagulat nang makitang nakapatong sa kanyang kapatid ang live-in partner niyang si Bobby.

Dahil sa matinding sama ng loob, nagpasya si Josie na sampahanΒ  ng rape sa himpilan ng pulisya ang kanyang live-in partner na kasalukuyang tinutugis na ng mga awtoridad.