Tuesday , November 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lalangawin ang labang Mayweather-Berto

081015 floyd berto
Tiyak na lalangawin ang labang Floyd Mayweather Jr at Andre Berto sa Setyembre.

Unang-una kasi, lipas na ang kulay ng boxing career nitong si Berto. Kung di ba naman, sa anim na huling laban niya ay tatlo roon ang semplang sa ring.

Pero ano nga ba ang keber doon ni Floyd?

Aba’y hindi man kumita ang nasabing bakbakan, ito na ang panghuli niyang laban sa naging kontrata niya sa Showtime. Okey lang ang hindi kumita basta ang mahalaga ngayon kay Mayweather ay magreretiro siya sa ring ng walang bahid talo.

Ganoon ngayon ang misyon ni Floyd, ang manalo siya kesehoda na hindi na kumita ang Showtime sa huling laban niya.

oOo

Sa tingin kaya ng kritiko pagdating ng araw…THE GREATEST nga kaya si Floyd sa lahat ng panahon?

Tingin ko…HINDI!

Tiyak kasing rerebyuhin ng mga kritiko ng boksing ang mga na laban ni Floyd sa nakaraan.

Haaay…paano nga ba magiging greatest ang isang boksingero na panay ang takbo?

Hindi ganoong boksingero ang itinuturing na pinakamagaling.   Karamihan sa mga boksingero na tinitingala ngayon ay yung mga boxers na lumalaban ng sabayan tulad nina Sugar Ray Leonard, Sugar Ray Robinson at marami pa.

Sa kaso ni Ali, tuso rin siya sa ring pero iba ang talino nito sa ring.   Sumusuntok siya habang umaatras.

Eh, si Floyd?

Tingin nga ng ilang kritiko na nakausap natin, mukang matindi ang sindikato sa MGM kapag doon ginawa ang laban ni Floyd.

Walang kapanapanalo ang kalaban kahit pa nga lamang sa laban. Ikanga nila—para kang pumasok sa Lion’s Den.   Lalamunin ka ng buo ng samahang FLOYD-MGM.

oOo

Dati po tayong opisyal ng Parents-Teachers Association (PTA) District of Manila Federation. At yung pagpapatupad ng DepEd ng K-to-12 ay mukhang hindi man lang kinunsulta kahit katiting ang ating samahan.

Maganda siguro ang layunin ng ating pamahalaan sa pagsulong nitong K-to-12 pero mukhang hindi kinunsulta ang lahat ng sektor ng lipunan.

Mas nag-aalala tayo doon sa mga malalayong lugar sa Pilipinas na hindi na yata inaabot ng sibilisasyon.   Ito yung mga probinsya na malalayo ang eskuwelahan sa kanilang tinitirhan.

Tiyak na mas lumaki ang kanilang problema pagdating sa edukasyon.   Biruin mong makarating lang sila sa kanilang eskuwelahan ay naglalakad sila ng kung ilang kilometro. At hindi lang basta lakad iyon, ha. Dumadaan sila sa mga burol, ilog at maputik na daan.

Imadyinin mo kung gaano pang hirap ang susuungin ng mga mag-aaral at teachers na ito sa pagkadagdag ng kung ilang taon bago ka makaahon papuntang kolehiyo.

Haay…pasakit ito!

KUROT SUNDOT – Alex Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Cruz

Check Also

NU LADY BULLDOGS, KAMPEON NG SSL 2025 PRESEASON

NU LADY BULLDOGS, KAMPEON NG SSL 2025 PRESEASON!
Nag-4-Peat Matapos Manaig sa UST Golden Tigresses sa Epic 5-Setter Finals

HISTORIC SWEEP: National University (NU) Lady Bulldogs, walang-talong inangkin ang ikaapat na sunod na Shakey’s …

GAP Cynthia Carrion

Makabuluhang mga medalya para sa mga magkakampeon sa World Junior Gymfest – Carrion

ANG mga medalya na iginagawad sa mga nagwawagi sa mga pandaigdigang paligsahan sa palakasan ay …

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

bagyo

Live shows, basketball games, out of town kanselado kahapon 

I-FLEXni Jun Nardo KANSELADO ang ilang live shows at out of town appearances ng ilang …