Taal Volcano 15 beses yumanig sa 24 oras Β 

taalNAGPAKITA ng pagiging aktibo ang Taal Volcano sa Batangas sa pamamagitan ng 15 volcanic earthquakes sa loob ng 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ito ang kanilang naitala ngunit nana-natili pa ring normal ang tempe-ratura ng tubig sa 29.5 degree celcius sa west sector ng main crater ng lawa ng bulkan.

Nakataas na sa alert level 1 ang Taal volcano na ang ibig sabihinΒ  ay may hazardous eruption na mabilis na dumating.

Nananatili ring nasa off-li-mits ang main crater ng bulkan dahil magdudulot ito nang biglaang steam explosion at baka may mataas na toxic gas na lumabas.