Wednesday , December 11 2024

15 kg shabu kompiskado 6 Intsik arestado (Laboratory bistado)

101614 drugs shabu chinese arrest NAARESTO ng pinagsanib na District Anti-Illegal Drugs (DAID)-NPD at Valenzuelan-PNP ang anim na Chinese national na sina James Chua, Cai Shin, Cai Quing Chi, Leo Ching at 2 pang hindi pa nakilala matapos salakayin ang isang shabu laboratiry sa 143 Omega St, Rincon Industrial, Valenzuela City kahapon ng tanghali. Nakumpiska ng mga otoridad ang 15 kilo na shabu, ibat-ibang uri ng kagamitan at chemical sa paggawa ng ilegal na droga. (RIC ROLDAN)

ANIM Chinese national ang naaresto ng mga awtoridad makaraan salakayin ang shabu laboratory at nakompiska ang 15 kilo ng shabu at iba’t ibang uri ng gamit sa paggawa ng droga sa Valenzuela City kahapon.

Ang mga suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng District Anti-Illegal Drugs (DAID) ng Northern Police District (NPD), ay kinilalang sina James Chua, Cai Shin, Cai Quing Chi, Leo Ching, at dalawang hindi pa natutukoy ang pangalan.

Batay sa ulat ni Chief Supt. Jonathan Ferdinand Miano, hepe ng NPD, bago mag-12:00 p.m. kahapon nang salakayin ng mga tauhan ng DAID-NPD at Valenzuela City PNP ang shabu laboratory sa 143 Omega St., Brgy. Rincon, Valenzuela City.

Bago ang pagsalakay, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng DAID-NDP mula sa hindi nagpakilalang source, nagsasabing may shabu laboratory sa naturang lugar na na-set up lamang nitong Oktubre 2, 2014.

Agad nagsagawa ng surveillance operation ang mga awtoridad at nang maging positibo ang impormasyon ay kumuha ng search warrant sa korte ang pulisya upang isagawa ang operasyon.

Naabutan ng mga awtoridad sa shabu laboratory ang anim Chinese national at nakompiska ang aabot sa 15 kilo ng shabu at iba’t ibang gamit sa paggawa ng droga at mga digital na timbangan.

Napag-alaman, mula 15 kilo hanggang 20 kilo ng shabu araw-araw ang ginagawa sa shabu laboratory na isinu-supply sa mga drug pusher sa buong CAMANAVA (Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela) area at mga karatig-lungsod. (ROMMEL SALES)

 

About hataw tabloid

Check Also

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Special Needs Education SNED

Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *