Friday , March 24 2023

Politika sa PNP tumitindi! (Purisima vs Petrasanta)

00 Bulabugin JSY

NALULUNGKOT tayo na ang civilian law enforcement ng bansa — ang Philippine National Police (PNP) — ay biktima na rin ng gatungan, gantihan o politikang bulok na itinutulak ng talamak na korupsiyon sa loob.

Iniimbestigahan ngayon sa Kamara de Representantes ang pumutok na isyu ng umano’y pagbebenta ng P52-million o 1,004 AK-47 assault rifle sa New People’s Army (NPA).

Idiniin ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa nasabing iregularidad si Central Luzon (PNP PRO 3) police director Chief Supt. Raul Petrasanta at ang kanyang 18 opisyal/tauhan.

Malaki ang pasasalamat ni Gen. Petrasanta na iniimbestigahan ito ngayon ng Kamara dahil sa imbestigasyon ng CIDG ay idiniin na agad sila.

Ang ebidensiyang ginamit ng CIDG ay isang sworn statement ng iisang tao lamang.

Ayaw natin isipin na ang isyung kinakaharap ngayon ni Gen. Petrasanta ay may kinalaman sa mga naririnig nating impormasyon na siya ang gino-groom na kapalit ni PNP chief, Director General Alan Purisima.

Ayaw din natin isipin na ang isyu ng pagbebenta ng AK-47 sa NPA na idinidiin siya at ang kanyang 18 opisyal/tauhan ay rebanse nang ibunyag niya ang isang kaduda-dudang kontrata ng PNP sa isang courier company — ang Werfast Documentation Agency Inc. — para ihatid sa mga kliyente ang lisensiya ng baril ng mga aprubadong aplikante.

Si Gen. Petrasanta, ang dating hepe ng PNP Firearms and Explosives Office (FEO) bago naitalaga sa PNP-PRO 3.

Habang hepe pa ng FEO, natuklasan ni Gen. Petrasanta na ang kakontratang Werfast na sumisingil ng P190 sa bawat aplikante para sa door-to-door delivery ng lisensiya ng baril ay nagpapahatid lamang sa LBC sa halagang P90.

Lumalabas na ang Werfast ay ‘gumigitna’ lang sa pagitan ng kliyente at sa LBC pero mas mataas pa ng P10 ang kita nila sa LBC.

Dahil sa pagbubunyag na ‘yan ni Gen. Petrasanta tinapos ng PNP ang kanilang kontrata sa Werfast nitong Marso 17.

Salamat sa pagbubunyag ni Gen. Petrasanta.

Ngayon gusto natin itanong kay CIDG chief, Director Benjamin Magalong, wala bang kinalaman ang pagiging kandidato ni Gen. Petrasanta bilang susunod na PNP chief at/o pagbubunyag niya sa raket ng Werfast?!

Dapat sigurong linawin ni Gen. Magalong ang isyung ito, lalo’t wala man lang silang maipresintang kongkretong ebidensiya para ibintang kay Gen. Petrasanta ang isang mabigat na akusasyon.

Sinong sira-ulong opisyal ng PNP ang maglalakas-loob na magbenta ng mga baril sa kalaban nila?

May malaking pera ba ang NPA para bumili ng ganyang karaming baril?

Ganyan na ba ngayon sa PNP?!

Paki-explain PNP chief, Director General Purisima!

MALAKAS ANG INFLUENCE NI ‘ILLEGAL HUSBAND’ SA BI

MATAGAL na natin naririnig ang tsismis tungkol sa ‘illegal husband’ na isinasangkot sa isang government official.

Hindi natin alam kung tsismis pa rin iyong sinasabi na ‘yung lover/driver/bodyguard ni hot mama offical umano ay ginamit ang kanyang impluwensiya para makapagpasok ng mga kamag-anak sa governmet agencies lalo na sa Bureau of immigration (BI).

Isa raw sa mga naambunan ng swerte sa pagtatampisaw sa kaligayahan ni lover/driver/bodyguard at gov’t ‘hot mama’ official ay isang kapatid at dalawang pamangkin.

Hindi lang daw basta pasok, maganda pa ang sweldo at higit sa lahat malaki ang overtime pay.

‘E huwag na po tayong magtaka, hindi nga ba, weder-weder lang ‘yan sa tuwid na daan!

MPD-DSOU PINANG-IIKOT NA NG “PABAON” SI MPD DD GEN. ROLANDO ASUNCION!?

FYI Gen. Rolando Asuncion, may kumakalat na tsismis ngayon diyan sa Manila Police District (MPD) headquarters na hanggang HULYO ng taong kasalukuyan na lamang kayo sa inyong panunungkulan bilang district director ng MPD.

Sa totoo lang General Asuncion, bilib rin naman ako sa iyong pamumuno sa MPD lalo na sa pagdisiplina sa iyong mga pulis.

Sana lang, kung matutuloy na bigyan kayo ng bagong assignment magkaroon naman kayo ng ‘graceful exit’ sa MPD.

Pero bago ‘yan General Asuncion, iminumungkahi natin na ipa-monitor n’yo itong impormasyon na nakarating sa akin na may ilang tulis ‘este’ pulis na umo-orbit at ipinanghihingi ka na ng ‘pabaon.’

Isang alias BATOTOY at SP-O-2-10 LJ na nagpapakilalang bagman ng MPD-District Special Ops Unit (DSOU) ang ipinangongolekta ka na agad ng ‘pabaon.’

Sonabagan!!!

Sobra naman ang kawalanghiyaan ng dalawang kamoteng ‘yan, General!

Hindi ba alam ni DSOU Major Guanzon ang ginagawang katarantaduhan ng dalawang ‘yan gamit ang opisina n’ya!?

Ow com’on!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Gabby Concepcion

Gabby bibili malaking property, mga anak pagsasama-samahin

HATAWANni Ed de Leon HAPPY si Gabby Concepcion na sinasabing ilang buwan na lang at lolo na …

GMA7 ABS-CBN

ABS-CBN suko na, tanggap nang GMA ang nangungunang network

HATAWANni Ed de Leon MALUNGKOT din namang marinig iyong sinasabing sumuko na ang ABS-CBN at kinikilala na …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

DonBelle FranSeth Donny Pangilinan Belle Mariano Francine Diaz Seth Fedelin

DonBelle, FranSeth at iba pang youngstar tampok sa  Star Magical Prom 

ISANG maningning na gabi na puno ng saya at pagmamahal ang handog ng Star Magic para opisyal …

Klea Pineda

Klea Pineda umaming gay, member ng LGBTQIA+

RATED Rni Rommel Gonzales INAMIN ni Klea Pineda na isa siyang gay nang ipagdiwang niya ang kanyang …

Leave a Reply