Sunday , October 13 2024

Kaya ba ng mga politiko ang “mafia” ng police scalawags?

POLITICAL will ang ginamit ni Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista nang ipabuwag niya ang mga barumbarong sa gawi ng Agham Road na pugad ng mga binansagang professional squatters.

Sa isang ordinaryo at trapong politiko, hindi ito pupuwedeng mangyari dahil isang malaking “mina” ng boto ang mga informal settlers lalo’t nalalalapit na naman ang halalan. Kaya nga ang tawag dito ng mga trapo ay “kolonya.”

Kung gayon, maikokonsiderang political suicide ang ginawa ni Mayor Bistek dahil pikitmata niyang ipinabuwag ang mga professional squatters na matagal nang naghahari sa QC.

Sa ilang tagamasid politikal, napapanahon ang ginawa ni Mayor Bistek. Tinapos niya na ang matagal na pagsasamantala ng mga squatter sa lupang hindi naman nila tunay na pag-aari. Bukod sa hindi nagsisipagbayad ng buwis sa lokal na pamahalaan, pinamumugaran ang lugar ng mga tulak at drug addict, killer snatchers at iba pang salot ng lipunan. Talamak din ang pagnanakaw nila sa mga pangunahing serbisyo tulad ng koryente at tubig na ginagamit nila nang walang sawa at patid dahil sa mga ilegal na koneksiyon.

May mas malaking dahilan kung paano naatim ni Mayor Bistek na walisin ang isa sa mga kolonya ng QC pero pinatunayan niya na maaaring ipatupad ang batas kung mayroong political will ang isang public official, lalo na ang nasa local government units (LGUs).

Sa totoo lang, mababawasan ng LGU officials ang problemang dinadala ng National Housing Authority (NHA) na maisalegal naman ang mga Homeowners Association (HOA) na nakikipag-ugnayan sa ahensiya para makakuha ng titulo sa lupang kanilang inookupahan.

Isang halimbawa ang pandarahas ng land grabbing syndicate sa Antipolo City, partikular sa Cogeo area.Kontrolado ng sindikato hindi lamang ang pagbebenta ng pekeng titulo at pagpapaupa sa mga creek at bangin kundi pati ang operasyon ng shabu laboratory, prostitusyon at gun-for-hire syndicate. Parang “mafia” na estilo ng sindikato dahil pinamumunuan ng mga aktibo at retiradong opisyales ng pulisya at militar.

Kung gagawing ihemplo nina Gov. Nini Alcantara Ynares at Antipolo City Mayor Jun Ynares ang katigasan ng loob ni Mayor Bistek, hindi imposible na mabuwag na rin ang garapalang operasyon ng armadong land grabbing syndicate hindi lamang sa Antipolo kundi sa buong lalawigan ng Rizal.

Pero tila suntok sa buwan ang gagawin ng mag-ina dahil may isang dating Rizal provincial director ang nagyabang na “tumutulong” ang sindikato sa mga Ynares. Nagbanta pa ang opisyal ng isang ahensiya ng Antipolo City Hall na marami siyang naka-payola na taga-media. At sinumang pipitik sa kanila, “hindi sila magpapaliwanag” at “hindi tatanggap ng paliwanag.” Tsk tsk tsk.

Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male star aasa sa tulong ni gay friend sa pagpasok sa politika

ni Ed de Leon KAYA pala nag-file ng COC ang isang male star ang akala niya ay …

Mark McMahon

Mark McMahon balik ‘Pinas

HATAWANni Ed de Leon NAGBALIK na pala si Mark McMahon, matagal din siyang nawala at walang …

Julie Anne San Jose Church

Julie Anne ‘di dapat sisihin, Sparkle at organizer may pagkukulang

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng Sparkle ang kasalanan sa nangyari kay Julie Anne San Jose na kumanta sa …

Cecille Bravo RS Francisco

Ms. Cecille Bravo, planong magprodyus ng pelikula kasama si RS Francisco

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BILANG pagkilala sa kakaibang suporta at kabaitan sa mga member …

Tao Yee Tan Marian Capadocia LA Canizares Pia Cayetano Padel Pilipinas

Padel Pilipinas, Wagi sa Asia Pacific Padel Tour – Singapore; Tan-Capadocia unang All-Filipina Champions

Kampeon ang Padel Pilipinas at National Team Members na sina Tao Yee Tan at Marian …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *