Tuesday , October 15 2024

Suspensiyon ni Tayabas Mayor Faustino “Dondi” Silang et al pinigil ni DILG Quezon PD Damot?

00 Bulabugin JSY
DALAWANG taon na pala ang nakararaan mula nang ibaba ang suspensiyon laban kina Tayabas City Mayor Faustino Silang, Vice Mayor Venerando Rea at mga konsehal na sina Maria Cielito Zeta-Addun, Dino Romero, Luzviminda Cuadra, Estelito Querubin at Lyka Monica Oabel.

Ang suspensiyon ay kaugnay ng “Valentine bonus” na may kabuaang halagang P19.9 milyones na ipinamahagi sa 151 municipal employees noong 2009.

Sa limang-pahinang resolution na nilagdaan nina Associate Justices Rolando Jurado, Alexander  Gesmundo  at Amparo Cabotaje-Tang, sinabi ng anti-graft court na ang suspension order ay bilang proteksiyon upang hindi matakot ang mga saksi na malayang ipahayag ang kanilang nalalaman kaugnay sa nasabing iregularidad.

Ang Valentine bonus ay nagkakahalaga ng P132,000 bawat isa sa 151 empleyado.

Ngunit ayon sa ilang mga empleyado, P82,000 lamang ang natanggap nila.

Sonabagan!!!

Nabukulan pala ‘yun mga pobreng empleyado!?

Iniutos ng Sandiganbayan na ang suspensiyon ay agad na ipatutupad pagkatanggap ng mga kinauukulan sa nasabing resolusyon.

Pero anong petsa na!?

Hanggang ngayon, mangangalahati na ang 2014 ‘e HINDI pa rin pala naipatupad ang nasabing suspension.

Anong birtud ang ginamit ni Mayora ‘este’ Mayor Dondi Silang et al kung bakit hindi sila nasuspendi kahit man lang isang araw?!

Ayon sa ating unimpeachable source, si Dondi Silang, ang kanyang bise at limang konsehal ay ipinag-‘ABOGADO’ raw ng isang ENRICO DAMOT, ang kasalukuyang provincial director ng Quezon Interior and Local Government Unit.

Hindi na umano kailangan isuspendi ang mga nasabing opisyal dahil noong 2009 pa naganap ang iniaakusang iregularidad pero hindi naipatupad. Hanggang matabunan na umano ng panibagong eleksiyon nitong May 2013.

Ganon?!

Napapaso na pala ang suspensiyon ng Sandiganbayan?

Paano naman ‘yung mga naagrabyadong mamamayan at nasalaulang pondo ng bayan?!

Paki-EXPLAIN, DILG Secretary Mar Roxas, sir!

ANYARE PHILHEALTH?!

WALA ba talagang hindi BULOK sa Philippines my Philippines?!

Heto na naman kasi, ang Philippine Health Insurance Corp., o Philhealth ay ipinabubuwag na sa Kamara dahil sa kabila ng regular na pagbabayad ng mga miyembro at dagdag-bayad na 100 porsiyento ay hindi pala nakapagbabayad sa mga ospital?!

Mantakin ninyo umabot na pala sa P600 milyones ang utang ng Philhealth sa mga ospital na miyembro ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI).

Anyare Philhealth?!

Bakit dumating lang si Alex Padilla sa inyo ‘e hindi na kayo makapagbayad at ayaw nang tanggapin sa mga ospital?!

Ang layo talaga natin sa ibang bansa.

Sa ibang bansa kapag may SS number na at health insurance ang isang mamamayan, PANATAG na ang kanilang buhay.

Kompleto ang medical needs kahit saang ospital.

Dito sa atin sa Philippines my Philippines, bayad nang bayad tayo sa kung ano-anong sinisingil ng gobyerno, pero hindi natin maasahan sa panahon ng pangangailangan gaya nga ng Philhealth.

Anyare ba talaga, Sir Alex Padilla sa Philhealth natin?

Paki-EXPLAIN na nga rin!

SI ATTY. MANYAKOL SA ISANG HOTEL-CASINO

Maraming nag-react na mga nakakikilala kay Atty. Manyakol sa ating nakaraang kolum. Ito ‘yung tungkol sa sumbong na ipinarating sa atin sa pagiging manyakol n’ya sa mga babaeng empleyado ng isang sikat na casino hotel.

Miyembro raw pala ng pinagpipitagang ALPHA SIGMA si Attorney manyakol na kilala rin daw sa bansag na ATTY. POGI?!

Gwaping naman daw si Attorney at maboladas, ang problema kapag sinumpong ng pagka-maniac ay walang pinipiling oras at babae sa kanyang trabaho.

Kaya pala feeling gigolo si Attorney Maniac ay dahil living separate lives na pala sila ni kumander.

At kaya raw malakas ang loob na mag-walanghiya sa mga kababaihan ay rekomendado pala ng isang Senador at kanyang mga ka-brod sa fraternity sa nasabing hotel casino.

Aba Attorney SM as in sex maniac, mahiya ka naman sa mga backer mo riyan sa pinagagagawa mo!

Huwag mo nang hintayin na may magsampa ng reklamo sa ‘yo!

Nakahihiya!!!

ILLEGAL COLOR GAMES AT DROP BALL SA LAGUNA, QUEZON AT RIZAL

SA BRGY. Sta. Clara sa Pila, Laguna, ang protector ng perya-sugalan sa nasabing bayan ay si alyas HUDAS ‘este’ EDDAS. Sa bayan ng Pitogo, Pagbilao at Gumaca sa lalawigan ng Quezon sina alias ALONA, DONYA TEYSI, JORGE at ALBERT ang mga kapitalista/operator sa color ‘daya’ games at drop balls na walang kapana-panalo ang mga mananaya!

Sa Rizal province naman sa bayan ng Cogeo, tapat ng Mercury drug store at sa Antipolo (pagray market) at sa Pililia, Rizal sina alyas ARNOLD PILAY at BOBBY DIBASAN ang may palatag ng sugal lupa.

Bakit kaya nakakalusot sa Calarbazon PNP ang 1602 na ito?

Timbrado na ba kay RD? Kay PD? O kay Hepe?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

101324 Hataw Frontpage

Premyadong manunulat desmayado sa mandatong pagbasura sa MTB-MLE

HATAW News Team LABIS na ikinadesmaya ng isang premyadong makata at manunulat ang mandato na …

Mas maraming ‘4Ps students’ nakikinabang sa tertiary education subsidy — Gatchalian

PINURI ni Senador Win Gatchalian ang pagdami ng mga benepisaryo ng Tertiary Education Subsidy (TES) …

Bato dela Rosa Kerwin Espinosa

Sa rebelasyon ni Espinosa  
‘BATO’ MATIGAS NA ITINANGGI, ‘DEADMA’ VS QUAD COMM

MARIING pinabulaanan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang lahat ng akusasyon laban sa kanya …

EJK Victims

Hustisya para sa mga biktima ng EJKs hangad ng QuadComm – Chair Barbers

NANGAKO ang Quad Committe ng Kamara de Representantes na tutulong sila para maigawad ang hustisya …

Francis Tol Tolentino Bacoor Cavite

Para sa mga liblib na lugar  
INTERNET SERVICES COOPERATIVE TARGET NI TOLENTINO

NAIS masolusyonan ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang problema sa kawalan ng internet connection …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *