Wednesday , October 9 2024

Jeep, tren nagbanggaan 1 patay 6 sugatan

PATAY ang isang vendor habang 6 ang sugatan kabilang ang driver ng jeep, nang magbanggaan ang tren at ang isang pampasaherong jeepney sa Sampaloc, Maynila, kahapon.

Putol ang paa at patay na bago pa idating sa Ospital ng  Sampaloc ang biktima na kinilalang si Reynaldo Macapagal habang patuloy na ginagamot ang 6 biktima, apat na babae at tatlong lalaki.

Sa inisyal na report, dakong 4:20 p.m. naganap ang insidente sa ng G. Tuazon at Antipolo Sts., Sampaloc.

Galing ang pampasaherong jeepney (PXR 125) sa Balic-Balic patungong Quiapo pero hindi umano napansin ang nakababang barera kaya deretsong tumawid sa relis kaya nahagip ng tren patungong Bicutan.

Nakaladkad nang halos sampung metro ang jeep na ikinawasak nito.

Sinasabing nakasabit ang vendor na si Macapagal sa jeepey kaya siya ang napuruhan.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Aileen Claire Olivarez ACO

Nakukulangan sa aksiyon ni mister,
MISIS NAGHAIN NG KANDIDATURA PARA ALKALDE NG PARAÑAQUE

IT’S women’s world too!          Tila ito ang binigyang diin ng paghahain ng certificate of …

Lani Cayetano

Taguig incumbent mayor naghain ng kandidatura para sa dating posisyon

SABAY-SABAY na naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) ang Team TLC sa pangunguna ni …

Emmanuel Ledesma Jr PhilHealth

Huwag matakot sa gastos sa sakit, sagot ka ng PhilHealth — Ledesma

HATAW News Team SA PANAHON ng mga hamon ng kalusugan, ang PhilHealth ay nananatiling kaagapay …

Bulacan Tunnel Rings Yard ng Metro Manila Subway lumikha ng trabaho sa mga Bulakenyo

Tunnel Rings Yard ng Metro Manila Subway lumikha ng trabaho sa mga Bulakenyo

NABIGYAN ng matataas na kalidad ng trabaho ang mga Bulakenyo na nasa sektor ng construction …

internet wifi

Libreng Wi-fi sa public schools isinusulong

NAIS ni Senador Win Gatchalian na magkaroon ng mas epektibong pagpapatupad ng libreng wi-fi program …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *