Sunday , June 23 2024

Masonry Layout

20 Pinoy arestado sa drug bust sa Spain

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Philippine embassy officials sa Spanish police kaugnay sa ulat na pagkaaresto ng 20 Filipino na sinasabing sangkot sa drug trafficking syndicate sa nasabing bansa. Una rito, napaulat ang pagkakasabat ng mga awtoridad sa mahigit walong kilo ng “highly addictive drugs” sa serye ng raid sa Madrid, Barcelona at Murcia. Sa naturang operasyon, nasa 50 katao ang naaresto, …

Read More »

2 tambay sugatan sa tandem

SUGATAN  ang dalawang lalaki  nang barilin ng hindi nakilalang suspek habang bumibili ng lomi sa isang karinderya sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa. Nasa Ospital ng Sampalok ang dalawang biktima na sina Rodelio Lorenzo, 39, walang trabaho , 906 Leyte Street Sampaloc, na tinamaan ng bala ng baril sa kaliwang tiyan,  at si Benjamin Oropesa , 30, binata , ng 908 Leyte …

Read More »

3 drug den big boss tiklo sa raid (15 iba pa nalambat)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ang tatlong hinihinalang big boss ng drug den gayundin ang 15 iba pa sa anti-drug operations ng pulisya at PDEA sa pakikipagtulungan ng Philippine Airforce sa Olongapo City. Kinilala ni Supt. Frankie Candelario ng PRO3 Anti-Illegal Drug Task Group ang mga suspek na sina Daniel Gregorio alyas Baliw, Erwin Diva, alyas Alex Santos, at Richard …

Read More »

Inquirer reporter, 2 NABCOR officials idedemanda ni Tulfo sa ‘pay-off’ story

Inihahanda na ng broadcaster at news anchor na si Erwin Tulfo ang pagsasampa ng kasong libelo laban sa Philippine Daily Inquirer, partikular na sa reporter nitong si Nancy Carvajal, at dalawang opisyal ng National Agri Business Corp. (NABCOR) dahil sa pagsasangkot sa kanya sa P10 billion PDAF scam. Sa isang news article kahapon (Miyerkoles), March 19, na isinulat ni Carvajal, …

Read More »

8 trucks relief goods na sinunog sa Tacloban may ‘video’

TACLOBAN CITY – Kitang-kita sa video at pictures ang pagtapon at pagsunog ng walong truck na relief goods sa dump site sa bayan ng Palompon, Leyte noong Marso 8. Ayon sa may-ari ng lote na kinalalagyan ng Eco Park na si Benjamin Campos, nakita niya mismo ang pagtapon ng sako-sakong relief goods na kinunan pa niya ng video at pictures. …

Read More »

Napoles may kanser?

POSIBLENG may kanser si Janet Lim Napoles, ang sinasabing mastermind sa pork barrel fund scam. Ito ang testimonya kahapon ng obstetrics and gynecology expert ng Makati Medical Center, kaugnay sa petisyon ni Napoles na siya ay ma-confine sa St. Luke’s Medical Center. Inihayag ni Dr. Santiago Del Rosario, chairman ng Obstetrics and Gynecology ng Makati Medical Center, ang kanyang opinyon …

Read More »

UP law grad topnotcher sa 2013 bar exam (Apo ni Marcos pasado)

PINANGUNAHAN ng University of the Philippines ang kabuuang 1,174 aspiring lawyers na nakapasa sa ginanap na 2013 Bar Examinations. Ayon kay Supreme Court Associate Justice Arturo Brion, nakuha ni Nielson G. Pangan ang gradong 85.8 percent. Ayon sa Bar chairperson, mayroong kabuuang 22.18 percent ng examinees ang nakapasa sa nakaraang pasulit. Itinakda  ng SC ang oathtaking ng mga nakapasa sa …

Read More »

P5-B funds unliquidated 100 gov’t off’ls target sa asunto

AMINADO ang Commission on Audit (CoA) na matatagalan pa bago maisasampa ang kaso laban sa tinatayang 100 government officials kaugnay sa sinasabing “unliquidated cash advances” na pumalo sa mahigit P5 billion noong taon 2011. Ayon kay CoA Chairperson Grace Pulido-Tan, masyadong masalimuot ang isyu, lalo’t malawak at marami ang mga sangkot na government officials, government agencies, NGOs at civil society …

Read More »

13-anyos tostado sa kidlat (4 sugatan)

NATUSTA ang 13-anyos binatilyo habang sugatan ang apat mangingisda nang tamaan ng kidlat kamakalawa sa Camarines Sur. Dinala na sa punerarya ang bangkay ng biktimang si Christian Erez, habang ginagamot sa Partido District Hospital sanhi ng  2nd degree burns sa katawan ang iba pang mga biktimang sina Jeantly Buhayo, 32; Ronald Barcites, 41; John Paul Nabus, at Jimboy Buhayo, 29, …

Read More »

Akyat-bahay utas sa boga

PATAY ang isang miyembro ng “Akyat-bahay Gang”  nang barilin ng may-ari ng bahay na kanilang pagnanakawan sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon. Dead on the spot ang suspek na inilarawang nasa edad 25 hanggng 30, may taas na 5’3 to 5’4 , nakasuot ng itim na t-shirt at pantalon, may tama ng bala ng baril sa ulo. Tatakas ang ikalawang suspek …

Read More »

Senado bitin sa DSWD

IPINASUSUMITE ng Senado ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) office ng actual report kaugnay ng nabulok na relief goods na dapat sana’y ipamimigay sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas. Bagama’t ayon kay Senate finance committee chairman Chiz Escudero, idinepensa ni Social Sec. Dinky Soliman na kakaunti lamang ang mga nabulok na relief goods na kanilang …

Read More »

Magsasaka todas, ina sugatan sa boga ng kaanak

NAGA CITY – Patay ang 46-anyos magsasaka habang sugatan ang kanyang ina makaraan barilin ng kanilang mga kamag-anak sa Sitio Tipun-tipon, Brgy. Bulawan, Sipocot, Camarines Sur. Kinilala ang napatay na si Edmundo Barte y Arcanghel, tinamaan ng bala sa puso. Habang sugatan ang kanyang ina na si Aurora, 66, tinamaan ng bala sa kaliwang hita. Batay sa impormasyon ng pulisya, …

Read More »

2 patay, 17 sugatan sa jeepney vs dump truck

KIDAPAWAN CITY – Agad binawian ng buhay ang dalawa katao habang 17 pa ang sugatan nang banggain ng jeepney ang dump truck sa national highway ng Matalam at M’lang North Cotabato dakong 9:30 a.m. kahapon. Ayon sa ulat ng pulisya, lulan ang mga biktima ng Lawin jeep papunta sa bayan ng Midsayap para dumalo sa kasal ng kanilang kamag-anak ngunit …

Read More »

‘Komedya’ naging trahedya

PATAY sa saksak ang isang ‘komikero’, nang maasar ang isang kabarangay,  habang nagpapatawa sa tinatambayang tindahan, sa Pandacan, Maynila, kamakalawa  ng hapon. Sa report sa Manila Police District, kinilala ang biktimang si Dennis Bustamante  y Redrico, 41, ng 1901 – K Int. 24 Zamora Street, Pandacan. Kinilala ang suspek na si Dennis Sangalang,  34, ng 1922 Int.  34 Bario Banana, …

Read More »

No winner sa P132-M ng Grand Lotto

BIGONG mapanalunan ng libo-libong lotto bettors ang jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ayon sa PCSO, ang six lucky number combinations ay binubuo ng 08-29-17-51-26-32 na ang premyo ay umaabot sa P132,512,236.00. Wala rin nanalo sa premyo ng 6/45 Megalotto na nagkakahalaga ng P15,476,736.00. Noong Pebrero 28, isa ang bagong milyonaryo nang mapanalunan ang …

Read More »

Homicide vs 8 PCG men sa Balintang Channel case

INIUTOS ng Department of Justice ang pagsasampa ng kasong homicide laban sa walong miyembro ng Philippine Coast Guard kaugnay ng madugong Balintang Channel incident noong Mayo 9, 2013. Nabatid na namatay sa insidente ang isang Taiwanese fisherman na si Hong Shi Cheng nang barilin ng mga tauhan ng PCG lulan ng MCS-3001 patrol boat ng Bureau of Fisheries and Aquatic …

Read More »

Manyak na driver arestado sa holdap

KASONG robbery at acts of lasciviousness ang kinakaharap ng jeepney driver  na nangholdap at nanghipo sa dibdib ng 20-anyos  service crew, sa Las Piñas City, kamakailan. Nasakote ng mga tauhan ng Las Piñas police ang suspek na si Ryan Elaida, 29, ng Blk. 11, Lot 14, Admiral St., Saint Louie Village, Brgy. Ta-lon 4. Kinilala ang suspek sa pamamagitan ng …

Read More »

‘Recall’ vs Puerto Princesa mayor may bahid ng politika

ISANG ‘political storm’ lamang na kailangan malagpasan ang petition for recall na maagang isinampa ng mga kilalang lider ng nakaraang administrasyon laban sa kasalukuyang liderato ng Puerto Princesa. Ito ang paniniwala ng mga negosyante at mga mamamayan ng Puerto Princesa makaraang iulat nina city tourism officer Aileen Amurao at PSSupt Mamerto Valencia ang tunay na sitwasyon sa lungsod kay Mayor …

Read More »

4 paslit minasaker sinunog ng ina

HINDi pa makausap nang maayos ng mga pulis ang ina ng apat paslit na sinasabing pinagsasaksak at pagkaraan ay sinunog pa ng ginang na sinasabing may sakit sa pag-iisip sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng madaling-araw. Sa inisyal na ulat ng pulisya, unang nabuo ang teoryang namatay sa sunog kahapon ng madaling-araw ang mga biktimang  sina Karyl, 9; Seth, 7; …

Read More »

‘Bomba’ ni Lasala, Esmeralda inaabangan

INAABANGAN ng Malacañang ang sinasabing ibubunyag ng dalawang sinibak na deputy directors ng National Bureau of Investigation (NBI). Unang sinabi nina dating NBI deputy directors Roel Lasala at Reynaldo Esmeralda na may ilang NBI officials ang malapit kay Janet Lim-Napoles. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, hihintayin nila ang ibubunyag ng dalawang NBI officials. Ayon kay Coloma, dapat malaman ang …

Read More »

Kandidato ni PNoy mabobokya sa Minda brownout (Babala ni Trillanes)

BINALAAN ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na kung mabibigong mabigyan ng solusyon ang brownout sa Mindanao ay tiyak na maaapektuhan ang mga kandidato ng adminitrasyon sa 2016 elections lalo na ang magiging presidential standard bearer nito. Ayon kay Trillanes, batay sa kanyang karanasan sa Mindanao, karaniwang natatalo ang mga kandiidato ng adminitrasyon ng dahil …

Read More »

Cudia alsa-balutan sa PMA compound

BAGUIO CITY – Kinompirma ng Philippine Military Academy (PMA) ang pag-alis sa akademiya ni ex-cadet Jeff Aldrin Cudia. Sinabi ni PMA spokesperson Major Agnes Lynette Flores, pasado 10 p.m. kamakalawa nang umalis ang kontrobersyal na kadete kasama ang kanyang mga magulang at abogado. Iginiit ni Major Flores na dumaan sa tamang proseso ang pagkakatanggal sa PMA ni Cudia at nabigyan …

Read More »

Alok-sex cum holdap uso sa Avenida

MAG-INGAT sa mga babaeng nag-aalok ng panandaliang aliw, baka kasamahan sila ng grupo ng mga holdaper. Ito ang karanasan ng 24-anyos na publishing sales marketing officer,  nang matangayan ng iPhone at P4,000 cash, nang biktimahin ng mga holdaper kasama ang isang babae na nag-alok ng sex sa Sta Cruz, Maynila, iniulat kamakalawa. Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police …

Read More »

Saksakan sa Bilibid ‘puzzle’ kay De Lima

Pinaiimbestigahan ni Justice Secretary Leila de Lima ang dalawang insidente ng pananaksak sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) na nagresulta sa pagkamatay ng isang inmate at pagkasugat ng isa pa, iniulat kahapon ng umaga. Ayon kay De Lima, pupulungin niya bukas, ang mga opisyal ng NBP at Bureau of Corrections, pagkatapos ng graduation rites ng bagong batch ng mga …

Read More »

Birthday girl binati sa mic kelot tinaga ng kapitbahay

KRITIKAL ang kalagayan ng 30-anyos kelot nang  pagtatagain ng  nagselos na kapitbahay dahil sa pagbati ng happy birthday sa kinakasama ng suspek, sa Malabon City,  kahapon ng madaling araw. Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang kinilalang si Randy Sabanal, 30-anyos, ng #41-Dr. Lascao St., Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod, sanhi ng mga taga sa balikat at …

Read More »