Saturday , April 20 2024

Media killings, harassment kinondena

0829 FRONTNANAWAGAN ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa mga awtoridad na agarang resolbahin ang panibagong insidente ng karahasan na biktima ang ilang kagawad ng media.

Kinondena ng KBP sa pamamagitan ni National Chairman Herman Z. Basbaño ang pagpatay sa radio broadcaster na si Cosme Maestrado sa Ozamiz City, sa Misamis Occidental.

Si Maestrado, isang hard-hitting anchorman ng himpilang DXOC, ay binaril kamakalawa nang malapitan ng mga suspek habang siya ay nasa loob ng kanyang nakaparadang sasakyan.

Umaasa si Basbaño na ang kaso kay Maestrado ay hindi mapadagdag sa mahabang listahan ng media killings sa bansa na bigong maresolba.

Katulad ng 2009 Maguindanao massacre na 32 media practitioners ang biktima ng karumal-dumal na krimen.

Kasabay nito, kinondena ni Basbaño ang nangyaring harassment sa ABS-CBN/DZMM broadcaster na si Anthony Taberna kahapon ng madaling araw na pinaulanan ng bala ng baril ang coffee shop na kanyang pag-aari.

Ang ganito aniyang karahasan kung hindi mabibigyan ng agarang resolusyon ay magdudulot muli ng batik sa ginagawang pagsisikap ng pulisya na maibsan o kung hindi man tuluyang masawata ang krimen sa bansa.

Café ng brodkaster sa Kyusi niratrat

PINAULANAN ng bala ng hindi nakilalang mga lalaki ang Ka Tunying’s Café na pag-aari ng mamamahayag na si Anthony Taberna sa Quezon City. 

Dakong 2 a.m. nitong Biyernes nang pagbabarilin ng apat na nakamotorsiklong mga suspek ang nasabing gusali.

Walong kalibre .45 mm bala ng baril ang tumama sa establisyemento ni Taberna habang 15 basyo ang natagpuan sa paligid nito. Tumagos pa ang ilan sa mga bala sa opisina ng Ka Tunying’s Cafe.

Napilitang dumapa na lang at hindi na nanlaban ang mga guwardiyang nasa loob ng gusali.

Walang nakikita si Taberna na ibang motibo sa insidente bukod sa intensiyong sindakin siya ng mga nasa likod nito. 

Dalawa sa apat na mga suspek ang nahagip ng CCTV camera sa lugar. Sinusuri na ng pulisya kung mapalilinaw ang footage upang makilala ang mga suspek. 

Minarkahan nitong Biyernes ang unang linggo ng kabubukas pa lamang na negosyo ni Taberna. Patuloy ang operasyon ng establisyemento sa kabila ng insidente.

About Almar Danguilan

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *