Thursday , March 28 2024

Masonry Layout

Sanggol, paslit ini-hostage ng 15-anyos tiyuhin

KALABOSO ang isang 15-anyos binatilyo makaraan i-hostage ang mga pamangkin niyang isang sanggol at paslit habang armado ng patalim kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Ang suspek na nakatakdang dalhin sa pangangalaga ng Department of Social Walfare Development (DWSD) ay itinago sa pangalang James, ng Camarin ng naturang lungsod. Batay sa  nakalap na ulat kay acting Caloocan Police chief, Supt. Ferdinand …

Read More »

Truck helper tumalon sa NLEx, patay

DUROG ang ulo at sabog ang utak makaraan tumalon mula sa tulay ng North Luzon Expressway (NLEx) at masagasaan ang isang truck helper kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City. Kinilala ang biktimang si Renjie Navarro, nasa hustong gulang, tubong Mabinay, Negros Oriental, agad binawian ng buhay sanhi ng pagkabagok ng ulo at nakaladkad pa ng humahagibis na sasakyan. Batay sa …

Read More »

Pamilyang tulak tiklo sa P25-M shabu

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Anti-Illegal drugs (QCPD-DAID) ang mag-asawang drug pusher na isinama pa ang kanilang dalawang batang anak sa pagtutulak, makaraan bentahan ng P50,000 halaga ng shabu ang isang pulis sa drug bust operation kamaka-lawa ng gabi sa Quezon City. Bukod sa P50,000 halaga ng shabu, nakuha rin sa mag-asawang tulak ang 500 …

Read More »

Mining, power contract ng China kanselahin — Anakpawis

HINIMOK ng isang militanteng kongresista si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino na kanselahin ang mga mining at power generation contract na iginawad sa mga Chinese corporation. Ito’y kasunod ng pambu-bully ng China sa Filipinas sa isyu ng pinag-aagawang West Philippine Sea. Ayon kay Anakpawis Rep. Fernando Hicap, ang pagkansela sa kontrata ng mga Chinese ang pinakamahusay na paraan kung seryoso si …

Read More »

Quarterly rotations sa Immigration tinutulan (Walang legal na basehan)

MAHIGPIT na tinutulan ng Immigration Officers Association of the Philippines (IOAP) ang planong quarterly rotations sa mga personnel ng Bureau of Immigration (BI) sa buong bansa, partikular sa mga immigration officer. Ayon sa grupo, sumulat na sila kay BI Commissioner Siegfred Mison na humihiling na huwag ituloy ang pagpapatupad ng nasabing hakbangin ngunit wala pa rin tugon kaugnay nito ang …

Read More »

Comelec-Smartmatic deal ibinasura ng Korte Suprema (No-El scenario ‘di mangyayari — COMELEC)

TULUYAN nang ipinawalang bisa ng Korte Suprema ang kasunduan ng Commission on Elections (Comelec) at ng Smartmatic-TIM para sa P300 milyon diagnostics and repair ng nasa 80,000 Precinct Count Optical Scan (PCOS) na gagamitin sa 2016 elections. Ayon kay Supreme Court Spokesman Theodore Te, kasabay ng summer session sa Baguio City, kinatigan ng kataas-taasang hukuman ang inihaing petisyon ng Automated …

Read More »

Electrician nahulog sa bike nagulungan ng bus, todas

PATAY ang isang 44-anyos electrician makaraan mahulog sa minamanehong bisikleta at magulungan ng isang pampasaherong bus kamakalawa ng umaga sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Freddie Jagonap, residente ng Block 41, Lot 11, Section 7, Phase1, Pabahay 300, San Jose Del Monte Bulacan. Kusang loob na sumuko ang suspek na …

Read More »

Court Sheriff patay, LGU employee kritikal sa ratrat sa Pagadian City

ZAMBOANGA CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa pamamaril sa highway ng Purok Upo, Brgy. Balintawak sa Pagadian City na ikinamatay ng isang court sheriff habang kritikal ang isa pang empleyado ng local government unit ng lungsod kamakalawa. Ayon sa report ng Pagadian City Police Station, kinilala ang namatay na si Manuel Gabawan, 60, nagsisilbing Sheriff Officer ng …

Read More »

8 patay, 11 sugatan sa Lanao Sur ambush

CAGAYAN DE ORO CITY – Umakyat na sa walo katao ang namatay sa pananambang ng armadong kalalakihan sa bayan ng Lumbaca Unayan, Lanao del Sur kamakalawa. Ito ay nang pumanaw ang 10-anyos biktima na si Norjana Amenor dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan, habang ginagamot sa Northern Mindanao Medical Center. Nasa malubha ring kalagayan ng isa pang …

Read More »

Biyudo nagsaksak sa leeg, nagbigti

BUNSOD nang matinding depresyon, nagsaksak sa leeg at nagbigti ang isang biyudo kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Kinilala ni Pasay City Police Officer in Charge (OIC) Sr. Supt. Joel Doria ang biktimang si Alex Cagatin, 35, walang trabaho, tubong Dipolog City, nangungupahan sa Block 79, Lot 11, pagitan ng 10th at 25th Sts., Villamor Airbase, Pasay City. Base sa …

Read More »

Appeals Panel, naglabas na ng desisyon sa arbitration ng Manila Water

INILABAS na ng Appeals Panel ang desisyon nito kasunod ang pagtatapos ng kaso sa arbitration ng Manila Water laban sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kaugnay sa inihaing dispute notice ng kompanya noong Setyember 2013. Matatandaan na ang arbitration ay bunsod ng desisyon ng MWSS na ibaba ang kasalukuyang basic charge ng Manila Water nang 29.47% o Php 7.24 …

Read More »

Roxas, inspirasyon ng mga taga Dasmariñas

TUMABA ang puso ni Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas matapos siyang bigyan ng parangal sa ika-16 na Gawad Karangalan ng Dasmariñas City sa Cavite sa pagiging inspirasyon niya sa mga mag-aaral ng lungsod. Pinuri ni Dasmariñas Mayor Jennifer Austria-Barzaga ang mga nakamit ni Roxas sa kanyang pagseserbisyo publiko mula noong kongresista, senador at ngayon ay muling …

Read More »

Convicted drug lord arestado sa labas ng penal colony (Sa buy-bust ops ng NBI)

  GUGULONG ang ulo ng ilang opisyal ng Sablayan, Penal Colony sa Occidental Mindoro makaraan maaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang convicted drug lord na ineskortan pang lumabas sa kanyang kulungan at nakipagtransaksiyon  sa  NBI  agent sa buy-bust operations. Hawak ngayon ng NBI ang suspek na si Ruben Tiu at escort niyang si Ahrbe …

Read More »

CA justice pa isinangkot sa ‘Justice for Sale’

ISA pang Court of Appeals (CA) justice ang irereklamo ng grupong Coalition of Filipino Consumers sa Supreme Court (SC) kaugnay ng “justice for sale.” Sinabi ni Perfecto Jaime Tagalog, secretary general ng Coalition of Filipino Consumers, iba pa ito sa dalawang CA justices na ayon kay Sen. Antonio Trillanes ay sinuhulan ng pamilya Binay upang makakuha ng temporary restraining order …

Read More »

PNoy hihingi ng saklolo sa ASEAN vs China

HIHINGI ng saklolo si Pangulong Benigno Aquino III sa mga pinuno ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para maglabas ng “collective statement” na kokondena sa reclamation activities ng China sa West Philippine Sea. “Definitely the reclamation issue will be the main topic that the President will raise during the agenda item of the Retreat on discussions of regional and …

Read More »

2 Mindoro governors 1 pa, 10 taon kulong

HINATULAN ng anim hanggang 10 taon pag-kabilanggo ng Sandiganbayan 4th Division si Oriental Mindoro Gov. Alfonso Umali, dating Gov. Rodolfo Valencia at Romualdo Bawasanta dahil sa kasong graft. Batay sa 37 pahinang resolusyon ng hukuman, nakakita nang sapat na rason ang korte para katigan ang mga ebidensyang inilahad ng panig ng prosekusyon. Nag-ugat ito sa mga pinasok na transaksiyon ng …

Read More »

Abogadong police official utas sa saksak ng pamangkin

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang police superintendent makaraan pagsasaksakin ng kanyang lasing na pamangkin habang nag-iinoman kamakalawa ng tanghali sa Plaridel, Bulacan. Sa report na ipinadala sa tanggapan ni OIC Regional Director, Chief Supt. Ronald Santos, hindi na umabot nang buhay ang biktimang si Supt. Eduardo Villena, 55, residente ng Quezon City, at nakatalaga sa Human Rights Affairs …

Read More »

2 dalagita pinatay ng 2 stepfather

DALAWANG dalagita ang karumal-dumal na pinatay ng dalawang stepfather sa Cebu at Sorsogon, kamakalawa. Sa Cebu, pinagsasaksak ng isang padre de pamilya hanggang mapatay ang dating karelasyon ng kanyang stepdaughter na tomboy sa Sitio Laguna, Brgy. Loriega, San Miguel, sa nasabing lungsod kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Dina Zamora, 18, at residente ng Sitio Dakit, Brgy. Guadalupe nang …

Read More »

Chinese nat’l dinukot ng 2 kababayan

DAHIL sa pautang, dinukot ang Chinese national ng dalawang lalaking hinihinalang kalahi niya kamakalawa sa Makati City. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jiangwy Wu alias Owen Wu, 37, nanunuluyan sa Unit 1511, 15th floor, Executive Tower 1, Cityland Condominium, Dela Rosa St., Brgy. Pio Del Pilar ng lungsod. Nagtungo kamakalawa sa tanggapan ng Makati City Police ang nobya ng biktima …

Read More »

MILF hinamon ni Sen. Chiz (Sa Mamasapano case)

HINAMON ni Senador Francis Escudero ang MILF na harapin ang mga isasampa sa kanilang kaso kaugnay sa insidente sa Mamasapano, Maguindanao. Ginawa ni Escudero ang hamon kasunod ng pahayag ng MILF na walang kasalanan ang kanilang mga tauhan sa pagkamatay ng SAF 44 dahil ‘self defense’ ang kanilang ginawa at bilang rebelbeng grupo ay hindi nila kinikilala ang batas ng …

Read More »

15-anyos OSY hinalay ng kapitbahay

ISANG 15-anyos dalagita ang naging biktima ng panggagahasa ng kanilang kapitbahay sa Navotas City kamakalawa ng umaga. Halos  hindi makalakad at namamaga ang mga mata dahil sa pag-iyak nang dumulog sa tanggapan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Jean, out of school youth (OSY), ng Brgy. Daanghari ng nasabing lungsod. Agad naaresto ang suspek na si Christopher Bornasal, 29, …

Read More »

2 riding-in-tandem utas sa checkpoint sa Bulacan

TATLO ang agad namatay habang isa ang idineklarang dead on arrival sa pinagdalhang ospital sa apat kalalakihang sakay ng dalawang motorsiklo makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa inilatag na checkpoint sa McArthur Highway, sakop ng Brgy. Longos, sa Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang mga napatay na sina Reynaldo Dumayan ng Navotas City, Jose Mirasol at Wilson Arboleda …

Read More »

Magkalaguyo ipinakulong ng biyenan (Naaktohang nagtatalik)

GENERAL SANTOS CITY – Inaresto ng pulisya sa Malapatan Sarangani province ang isang babae at kalaguyo makaraan ireklamo ng biyenan nang maaktohan ang pagtatalik ng dalawa sa loob mismo ng pamamahay ng kanyang anak. Pursigido si Renato Labid na kasuhan ng adultery ang kanyang manugang na si Glory Labid, 25, habang concubinage kay Ranie Basalan, 40, kapwa mga residente ng …

Read More »

Truck swak sa bangin 5 patay, 30 sugatan

CAUAYAN CITY, Isabela – Umakyat na sa lima ang patay habang 30 ang sugatan sa pagkahulog ng isang forward truck sa tabi ng ilog sa Nagtipunan, Quirino kamakalawa. Ang truck ay galing sa Osmeña, Cordon, Isabela at patungo sana sa Dinadiawan, Aurora Province para sa outing ng pamilya ng balikbayan na nurse mula sa Egypt na si Norilyn Rapada-Calahi na …

Read More »

Wish ni Erap pabor kay GMA sinopla ng palasyo

SINOPLA ng Palasyo ang birthday wish ni ousted president, convicted plunderer at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na “house arrest” para kay dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., mainam na ipaubaya sa hukuman ang pagpapasya hinggil sa hirit na house arrest para kay Arroyo na kasalukuyang naka-hospital arrest bunsod ng kasong plunder. …

Read More »