Friday , June 2 2023

Masonry Layout

DQ vs Laguna Gov. Ejercito pinagtibay ng SC

PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang disqualification case ni Emilio Ramon “ER” Ejercito bilang gobernador ng Laguna. Magugunitang unang nagdesisyon ang Commission on Elections (Comelec) na pababain si Ejercito sa pwesto dahil sa overspending noong siya ay nangangampanya. Ngunit noong Mayo 23, 2014 ay hiniling ng gobernador sa Korte Suprema na pigilan ang implementasyon ng Comelec ruling. Sa kabila ng …

Read More »

FOI bill ‘bungal’ — solon

ITO ang pananaw ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party-list Rep. Antonio Tinio sa consolidated version ng Freedom on Information (FOI) Bill na inaprobahan ng House Committe on Public Information nitong Lunes. Sampu ang bumoto pabor dito ngunit komontra si Tinio at sina Bayan Muna Rep. Neri Colmenares at Camiguin Rep. Xavier Jose Romualdo. Ikinatwiran ni Tinio sa pagtutol ang …

Read More »

Pacman no comment sa babayarang buwis

GENERAL SANTOS CITY – Hindi sinagot ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao ang tanong ng media sa press conference, ang kaugnay sa babayarang buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Ayon kay Pacman, ang dapat lamang na pag-uusapan ay kaugnay sa boxing. Nangyari ito nang sabihin ng Filipino ring icon na handa niyang sagutin ang tatlong tanong kahit natapos na …

Read More »

Masbateño tinarakan ng batang Samar

  KRITIKAL ang kalagayan ng isang Masbateño makaraan saksakin ng nakainomang batang Samar nang magtalo sa hindi nabatid na dahilan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Nilalapatan ng lunas sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang kinilalang si Merolo Francisco, 42, at residente ng Vanguard St., Brgy.178, Camarin ng nasabing lungsod sanhi ng mga tama ng saksak sa …

Read More »

P1.2-M substandard X-mas lights winasak

UMABOT sa P1.2 milyong halaga ng substandard na Christmas lights ang dinurog ng Department of Trade and Industry (DTI) gamit ang backhoe. Tinatayang mahigit 8,000 sets ito na nakompiska ng ahensiya sa iba’t ibang tindahan sa Metro Manila ngayong buwan. Pinangunahan nina DTI Secretary Gregory Domingo at Senate Committee on Trade Chairperson Sen. Bam Aquino ang pagwasak sa Christmas lights. …

Read More »

2 anak ini-hostage ng naburyong na ama (Biyenan tinaga)

ZAMBOANGA CITY – Umabot sa mahigit siyam na oras ang hostage drama sa Zamboanga City bago tuluyang napasok ng mga pulis ang bahay ng isang lalaki at nailigtas ang kanyang dalawang anak na lalaki sa Manggal Drive, Brgy. Baliwasan. Ayon kay Zamboanga City police director, Senior Supt. Angelito Casimiro, bago nangyari ang pag-hostage ng suspek na si Nur Sakiram Alvarez, …

Read More »

Tambay utas sa 5 construction workers (Upuan sa lugawan pinag-agawan)

BINAWIAN ng buhay ang isang tambay makaraan pagtulungang gulpihin at saksakin ng limang construction worker dahil lamang sa agawan ng upuan sa isang lugawan kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Binangonan, Rizal. Kinilala ni Binangonan Police chief, Chief Insp. Bart Marigondon ang biktimang si Daniel Pangan, 27, jobless, ng Sitio tambubong, Brgy. Tayuman ng nasabing bayan. Habang arestado ang dalawa …

Read More »

P70-M Grand Lotto jackpot tinamaan na

SOLONG tinamaan ang mahigit P70 milyong jackpot sa 6/55 Grand Lotto. Aabot sa P70,166,400 ang napanalunan ng mananayang nakasapol ng kombinasyong 08-27-26-11-06-29 nitong Lunes ng gabi. Sinasabing ang winning ticket ay binili sa Tagum City, Davao del Norte. Samantala, walang tumama sa mahigit P27.6 milyong premyo sa 6/45 Mega Lotto (16-34-02-40-15-41).  

Read More »

Oil depot sa Pandacan alisin — SC

INIUTOS ng Korte Suprema na tanggalin at ilipat ang oil depot na kaslaukuyang nasa Pandacan, Maynila. Sa botong 10-2, bumoto ang mga mahistrado ng Kataastaasang Hukuman para ideklarang labag sa Saligang Batas at Manila City Ordinance No. 8187 na nagbibigay-pahintulot sa pagtatayo ng oil depot sa Pandacan. Inutusan din ng Korte Suprema si Manila Mayor Joseph Estrada na tingnan ang …

Read More »

Biyahe ng PNR hanggang Calamba na (Simula Disyembre 2)

HANGGANG Calamba, Laguna na ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR) simula sa Disyembre 2. Ayon kay Jo Geronimo ng PNR Operations, ito’y makaraan maayos ang mga daanan ng tren, partikular ang San Cristobal Bridge. Aniya, P45 ang magi-ging pasahe mula Tutuban hanggang Calamba at tinatayang wala pang dalawang oras ang biyahe. Inaasahang malaki ang matitipid ng mga bumibiyahe mula …

Read More »

Negosyante itinumba sa Bulacan

NAMATAY noon din sa pinangyarihan ng krimen ang isang 53-anyos negosyante makaraan pagbabarilin ng apat kalalakihan na lulan ng isang kotse sa harap ng isang supermarket sa Brgy. Sta. Cruz, Guiguinto, Bulacan, kamakalawa ng gabi. Tadtad nang tama ng bala ang biktimang kinilalang si Romualdo dela Cruz, residente ng Brgy. Bagong Barrio, sa bayan ng Pandi, Bulacan. Ayon sa inisyal …

Read More »

Traffic rerouting para sa QC Night Run

INABISOHAN kahapon ng mga organizer ng First Quezon City International Marathon-Night Run ang mga motorista hinggil sa mga isasarang lansangan sa Nobyembre 29, 2014 – mula 12 ng tanghali hanggang 12 ng hatinggabi – upang bigyang daan ang engrandeng running event. Kabilang sa mga isasara ay: – Inner lanes ng westbound at eastbound direction ng Quezon Avenue, mula Sto. Domingo …

Read More »

2 todas sa anti-drug raid sa Las Piñas

DALAWA ang patay sa pagsalakay ng mga pulis sa hinihinalang drug den sa Brgy. Talon Singko, Las Piñas City kahapon. Ayon kay Las Piñas Police Chief Boyet Samala, dakong 6 a.m. nang salakayin ng mga awtoridad ang target na bahay para magsilbi ng search warrant ngunit agad silang sinalubong ng mga putok. Sa pagsiklab ng barilan, napuruhan ang suspek na …

Read More »

Binay gagawing ‘Poster Boy’ ng korupsiyon

HINDI magkakaroon ng katahimikan si Vice President Jejomar Binay kahit na pansamantalang itinigil ng Senado ang imbestigasyon sa mga alegasyong nag-uugnay sa kanya sa pagnanakaw sa kaban ng bayan. Tiniyak ngayon ng mga lider-kabataan na itutuloy nila ang kampanya para ipaliwanag sa mga mamamayan ang dahilan kung bakit hindi na dapat manungkulan sa pamahalaan ang mga tiwaling opisyal tulad ni …

Read More »

FOI bill aprub sa committee level ng Kamara

LUSOT na sa House Committee on Public Information ang report ng technical working group (TWG) tungkol sa consolidated version ng Freedom on Information (FOI) bill sa botong 10-3. Ang naaprobahang bersiyon ay mula sa 24 na nakabinbin at magkakahiwalay na resolusyon sa Mababang Kapulungan. Kabilang sa mga bumoto kontra sa pagpasa sina ACT Party-List Rep. Antonio Tinio, Bayan Muna Rep. …

Read More »

PNoy kakasuhan sa International Criminal Court (Sa Maguindanao massacre)

IKINOKONSIDERA ng abogadong si Harry Roque na magsampa ng kaso laban kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng Maguindanao massacre. Ikinatwrian ni Roque, abogado ng pamilya ng ilang biktima, ang mabagal na usad ng kaso at hindi pa rin pagpapapanagot sa mga pumaslang sa 58 indibidwal, kabilang ang 32 mamamahayag, noong Nobyembre 23, 2009. …

Read More »

Pacman binigyan ng Hero’s Welcome

GENERAL SANTOS CITY – Nakabalik na sa bansa kahapon si WBO welterweight champion Manny Pacquiao, isang araw makaraan manalo kontra sa American boxer na si Chris Algieri sa Macau, China. Bago mag-5 p.m. lumapag sa GenSan International Airport ang sinasakyang eroplano ni Pacquiao. Bukod sa mga opisyal ng Sarangani at GenSan, sumalubong din sa Filipino ring icon ang kanyang mga …

Read More »

Garin iniwasan ng ilang senador sa budget hearing (Natakot sa Ebola virus?)

DUMALO sa budget hearing sa Senado ang kontrobersiyal na si acting Health Sec. Janet Garin ngunit kapansin-pansin ang hindi paglapit sa kanya ng ilang senador. Nauna rito, binatikos si Garin ng ilang senador nang tumungo sa Caballo Island para bisitahin ang mga Filipino peacekeepers na naka-quarantine dahil sa banta ng Ebola virus. Hindi naka-protective gear si Garin nang pumasok sa …

Read More »

3 patay, 24 sugatan sa N. Cotabato blast

KIDAPAWAN CITY – Hinihinalang kagagawan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at local recruits ng teroristang Jemmaah Islamiyah ang pambobomba sa lalawigan ng Cotabato dakong 7:30 kamakalawa. Ito ang paniniwala ng mga awtoridad at mga lokal opisyal sa Mindanao. Kinilala ang mga namatay sa insidente na sina Jade Villarin, John Camuiring at Francis Rio, habang 24 ang sugatan na isinugod …

Read More »

5 bagets na akyat-bahay arestado sa Bulacan

LIMANG hinihinalang mga miyembro ng akyat-bahay gang, kabilang ang tatlong menor de edad, ang naaresto sa operasyon ng mga awtoridad sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Ang limang inaresto sa bisa ng arrest order na inisyu ni Judge Olivia V. Escubio-Samar ng Regional Trial Court, Branch 79 sa Malolos City, para sa kasong robbery ay kinilalang sina Crisanto San Juan, …

Read More »

DILG at PNP: 30 kidnapper naaresto; watchdog group lubos na nagpasalamat

INIULAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Philippine National Police (PNP) na nasa 30 kidnapper mula Enero hanggang Nobyembre ngayon taon ang nahuli at nasa kustodiya na ng mga awtoridad. Ayon kay Police Senior Superintendent Rene Aspera, Chief of Staff ng PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG), kabilang sa mga naaresto sina Tyrone dela Cruz at ang kanyang …

Read More »

Palasyo sabik na sa Pacman vs Mayweather Fight

NASASABIK na rin ang Palasyo sa paghaharap nina People’s Champ at Saranggani Rep. Manny Pacquiao at Floyd Mayweather. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., gaya ng sambayanang Filipino, hinihintay rin ng Malacañang ang sagupaang Pacquiao-Mayweather. Hindi pa mabanggit ng Kalihim kung kailan nakatakda ang courtesy call ng Pambansang Kamao kay Pangulong Benigno Aquino III makaraan magapi si Chris Algieri …

Read More »

Call center agent muntik na sa rapists in van

NAGBABALA ang Makati City Police sa mga kababaihan na mag-ingat kapag nag-iisa lalo na kung may nag-aalok na sumakay sa sasakyang van. Isang babaeng call center agent ang muntik nang dukutin ng dalawang lalaking sakay sa isang puting van kamakailan . Sa record ng police blotter, nagtungo sa himpilan ng pulisya si ‘Olive’ ng Bulacan, upang ireklamo ang nangyaring insidente. …

Read More »

1 sa 4 rapists sa Marikina timbog

HAWAK na ng Marikina PNP ang isa sa apat rapists ng isang dalagita, makaraan masakote sa kanyang hang-out sa lungsod kahapon ng umaga makaraan ang ilang buwan pagtatago. Kinilala ni SPO4 Rowel Bering, warrant chief, ang nadakip na si Jefferson Barezo, 20, alyas Balong, nakatira sa Park 23, Marikina Heights. Ayon sa ulat, dakong 12:15 a.m. nang madakip ang suspek …

Read More »

Pirated copy ng Pacquiao-Algieri Fight nagkalat na

7NAGKALAT na sa mga bangketa ng Metro Manila ang mga pirated CD/DVD ng laban nina Filipino ring icon Manny Pacquiao at Chris Algieri sa kabila nang pagbabawal ng mga awtoridad. Katunayan, sa lungsod ng Maynila ay nabibili ang kopya nito sa halagang P25-P75, depende sa kalidad ng kopya. May mga package din na P150 ang presyo para sa compilation ng …

Read More »