Monday , November 29 2021

Bunso pinatay ni kuya (May relasyon kay misis)

CEBU CITY – Bunsod nang matinding selos, binaril at napatay ng isang lalaki ang kanyang nakababatang kapatid sa Brgy. General Climaco sa Lungsod ng Toledo, Cebu kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Bryn Venanel, 23, walang asawa, habang ang suspek na kuya niya ay si Abondio Venanel, 43, parehong construction worker.

Hindi na umabot nang buhay si Bryn sa Toledo District Hospital

Bunsod ng tama ng bala sa ulo at katawan.

Ayon kay PO1 Jonathan Cuizon ng Toledo City Police Station, sinasabing parang nawala sa sarili ang suspek makaraan marinig ang usap-usapan na may relasyon ang misis niyang si Anita at ang kanyang kapatid.

Habang naglalaro ang biktima ng kanyang cellphone sa kanilang bahay pagkatapos maghapunan, dumating ang suspek na armado ng baril at pinaputukan nang dalawang beses si Bryn at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

Napag-alaman, bago nangyari ang krimen, sinaktan ng suspek ang kanyang misis at kinompronta hinggil sa sinasabing relasyon ng ginang sa kanyang kapatid.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek.

About hataw tabloid

Check Also

5 tulak nakalawit
DRUG DEN NABUWAG SA SUBIC

ARESTADO ang limang drug suspects habang nabuwag ang isang hinihinalang drug den ng mga awtoridad …

Driver sugatan sa ambush
KANDIDATONG KONSEHAL, 1 PA TODAS

PATAY sa pamamaril ng mga hindi kilalang suspek ang isang kumakandidatong konsehal at ang kanyang kasama …

300 bahay naabo sa Cebu

NATUPOK ang hindi bababa sa 300 bahay nang sumiklab ang sunog sa Brgy. Mambaling, sa lungsod …

Paslit na anak minolestiya
ng maelyang ama

HINDI na nakapagpigil  ang isang maelyang ama at pati ang sariling anak na 4-anyos ay ‘pinaglaruan.’ Naaresto …

Binata sinaksak ng tiyuhin sa QC

MALUBHANG nasugatan ang isang binata makaraang saksakin ng tiyuhin dahil sa matagal nang alitan na naungkat …

Leave a Reply