Monday , November 29 2021

Buntis napaanak sa ilang beses na hit & run mag-ina patay sa highway

061215 FRONTLEGAZPI CITY – Parehong wala nang buhay nang madatnan ng mga awtoridad ang mag-inang biktima ng hit and run sa lalawigan ng Albay kamakalawa.

Kinilala ang ginang na si Gloria Gonzales, tinatayang nasa edad 34, mula sa Brgy. Kinuartilan, bayan ng Polangui.

Sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad ang buntis na biktima sa bahagi ng Maharlika Highway Brgy. Ilaur Sur, ba-yan ng Oas nang masagasaan siya bandang 11 p.m.

Bagama’t narinig na ang malakas na tunog sa kalsada, ipinasawalang bahala lamang ito ng ilan sa mga residente sa lugar.

Bunsod nito, paulit-ulit na nadaanan ng mga sasakyan ang katawan ng biktima hanggang lumabas ang sanggol mula sa kanyang sinapupunan.

Lalaki ang kasarian ng sanggol na binawian din ng buhay.

Napag-alaman, nagkaroon ng problema sa pag-iisip ang biktima makaraan iwanan ng kanyang asawa, tatlong taon na ang nakararaan.

About hataw tabloid

Check Also

5 tulak nakalawit
DRUG DEN NABUWAG SA SUBIC

ARESTADO ang limang drug suspects habang nabuwag ang isang hinihinalang drug den ng mga awtoridad …

Driver sugatan sa ambush
KANDIDATONG KONSEHAL, 1 PA TODAS

PATAY sa pamamaril ng mga hindi kilalang suspek ang isang kumakandidatong konsehal at ang kanyang kasama …

300 bahay naabo sa Cebu

NATUPOK ang hindi bababa sa 300 bahay nang sumiklab ang sunog sa Brgy. Mambaling, sa lungsod …

Paslit na anak minolestiya
ng maelyang ama

HINDI na nakapagpigil  ang isang maelyang ama at pati ang sariling anak na 4-anyos ay ‘pinaglaruan.’ Naaresto …

Binata sinaksak ng tiyuhin sa QC

MALUBHANG nasugatan ang isang binata makaraang saksakin ng tiyuhin dahil sa matagal nang alitan na naungkat …

Leave a Reply