Monday , October 7 2024

EDSA 1 bigong pangarap — Rep. Zarate

KUNG pagkakaisa ng sambayanan ang pag-uusapan sa paglulunsad ng EDSA people power noong 1986, para baliktarin ang ‘tatsulok’ sa lipunang Filipino maituturing itong tagumpay.

Ngunit kung katuparan ba ng pangarap ng sambayanang Filipino ang EDSA people power, ito ay malaking kabiguan.

Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, ang ‘pagdiriwang’ ng EDSA People Power ay muling magpapagunita ng isang tagumpay na ninakaw sa sambayanan.

Aniya, “walang saysay  at nabigo ang pangarap ng mamamayan sa EDSA dahil hindi natugunan ang mga problema ng bansa gaya ng kahirapan, kawalan ng lupang masasaka, kawalan ng trabaho, pang-aapi at paglabag sa karapatang pantao.”

Noong 1986, magugunitang nagdiwang ang mga lumahok sa EDSA people power nang mapatalsik ang isang diktador.

Ngunit sa pagpapalit ng administrasyon, ang paboritong ulam ng masa na galunggong ay sumirit ang presyo hanggang P120 mula sa dating P8.00.

Tuloy-tuloy ang brownout na umabot hanggang tatlong beses sa loob ng isang araw.

At higit sa lahat, sumulpot ang mga bagong cronies na kung tawagin ay Kamaganak Inc.

“Ang pangako ng EDSA ay na-hijack ng mga mula sa kaparehong uri ng pinatalsik na diktador at ng mga crony, oligarch, mga lokal at dayuhang kasapakat nila,” banat ng mambabatas.

(JETHRO SINOCRUZ)

About Jethro Sinocruz

Check Also

Diwata

Diwata papasukin ang politika para maging boses ng mga vendor 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging Online Sensation at matagumpay na negosyante, sasabak na rin …

Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian suportado pagtakbo ni SV— I’ve never campaign anyone in my whole life pero if he needs me andoon ako 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SAMPUNG mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P200-M ang ibinenta ni Tutok …

Arrest Posas Handcuff

Solar installer arestado sa baril, bala at droga

MATAGUMPAY na naihain ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ang dalawang search warrant laban …

Redrico Maranan Jose Hidalgo Jr Rommel Marbil

Hidalgo nagretiro
 P/BGEN MARANAN GUMANAP NA BILANG BAGONG PRO3 CHIEF

PORMAL na nagretiro sa serbisyo si P/BGeneral Jose S. Hidalgo, Jr., at kompiyansang ipinasa ang …

2024 SOCCSKSARGEN Regional Science and Technology Week now open

2024 SOCCSKSARGEN Regional Science and Technology Week now open

THE Department of Science and Technology Region 12 (DOST XII) officially kicked off the 2024 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *