Tuesday , October 15 2024

Napoles nais palayain ng SolGen (May sentensiyang reclusion perpetua)

021617_FRONT
MAY tsansa kaya na maging mailap ang hustisya kay Juan dela Cruz sa isyu ng P10-B pork barrel scam case, dahil ipinupursige ng administrasyong Duterte na maabsuwelto si Janel Lim-Napoles sa kasong illegal detention, na isinampa ng star witness na si Benhur Luy?

Inihayag kahapon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo,  suportado ng Palasyo ang posisyon ni Solicitor General Jose Calida, na dapat palayain ng korte si Napoles dahil nagkaroon ng “injustice” sa kanya nang balewalain ng hukuman ang mga ebidensiyang hindi niya ilegal na ikinulong si Luy.

“The position of the chief presidential legal counsel will coincide with what the OSG has stated because they are the agency that looked over the records of the case,” ayon kay Panelo.

Naniniwala si Panelo, pinag-aralan ng OSG ang kaso at kailangan sundin ang paninindigan nito, maliban kung may kukuwestiyon at maglalabas ng ebidensiya sa Court of Appeals.

“Since the OSG is the office that studied the case and it is the office that recommended the acquittal of the accused, we have to abide by its position, unless independent entities can show us that the decision is contrary to the evidence and the records of the case. But I doubt that it is contrary because it’s the OSG,” aniya.

Itinanggi ni Panelo na may kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa hakbang ni Calida.

“The President does not give any instruction to any department as to what it will do. He has repeatedly said. Pinapabayaan niya ang bawat departamento ng kanilang — basta naaayon sa batas,” ani Panelo.

“The administration of Duterte will always follow what the rules, the laws, and the Constitution say regardless of who are the persons involved whether that person is a controversial figure or a non-controversial figure,” giit niya.

Noong Abril 2015, hinatulan ng Makati Regional Trial Court Branch 150 si Napoles ng reclusion perpetua o 20 taon at isang araw na pagkabilanggo, sa kasong serious illegal detention.

Nakabinbin sa Court of Appeals (CA) ang apela ni Napoles, at noong nakaraang buwan, naghain ng manifestation ang OSG, nagrerekomenda na ipawalang sala ang pork barrel scam queen.

Ayon sa abogado na tumangging magpabanggit ng pangalan, kapag inabsuwelto si Napoles sa kasong illegal detention case ay masisira ang kredibilidad ni Luy, na puwedeng magkaroon ng malaking epekto sa pagiging state witness laban sa mga akusado sa P10-B pork barrel scam na sina dating Sens. Jinggoy Estrada, Bong Revilla, at Juan Ponce-Enrile, at Gigi Reyes.

Sa kanyang talumpati noong 21 Agosto 2016 sa Davao City, inihayag ni Duterte, dapat mabusisi muli ang kaso ni Napoles.

“I have some revealing things to tell you about it. You just wait. The Napoles case should deserve a second look,” anang Pangulo.

Noong nakaraang buwan, napaulat na isang opisyal ng Palasyo ay nakitang kausap ang isang lokal na opisyal, na may kaanak na sabit sa pork barrel scam, at narinig na tinatalakay nila kung paano makokombinsi ang Pangulo.

PLUNDER VS BOLANTE
TULUYANG IBINASURA
NG SANDIGANBAYAN

PINANINDIGAN ng Sandiganbayan ang kanilang desisyon, nagbabasura sa kasong pandarambong laban kay dating Agriculture Usec. Jocelyn “Jocjoc” Bolante kaugnay ng P723 milyon fertilizer fund scam noong 2004.

Matatandaan, nabunyag ang kaso dahil sa expose sa Senado ni Sen. Panfilo Lacson, na nag-divert ng pondo ang gobyerno para gamiting campaign fund ni dating Pangulong Gloria Arroyo, at mga kaalyado.

Ngunit base sa walong pahinang resolusyon ng Sandiganbayan, nabigo ang Office of the Ombudsman na makombinsi ang mga mahistrado, na baguhin ang una nilang resolusyon sa kaso, na pumapabor kay Bolante.

Sa motion for reconsideration ng prosekusyon, sinabi nilang dapat irekonsidera ng anti-graft court ang ruling dahil sa mahahalagang isyu, na hindi gaanong nabigyang-bigat ng mga mahistrado.

Tinawag na ignorante ng Sandiganbayan Special Second Division ang prosecutors ng Ombudsman, dahil sa akusasyong lumagpas sila sa kapangyarihang tumukoy kung mayroong sapat na basehan ang isang kaso para maglabas ng warrant of arrest.

Dahil dito, ligtas na sa asunto ang dating DA official kaugnay ng mga usaping may kinalaman sa fertilizer scam.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

101324 Hataw Frontpage

Premyadong manunulat desmayado sa mandatong pagbasura sa MTB-MLE

HATAW News Team LABIS na ikinadesmaya ng isang premyadong makata at manunulat ang mandato na …

Mas maraming ‘4Ps students’ nakikinabang sa tertiary education subsidy — Gatchalian

PINURI ni Senador Win Gatchalian ang pagdami ng mga benepisaryo ng Tertiary Education Subsidy (TES) …

Bato dela Rosa Kerwin Espinosa

Sa rebelasyon ni Espinosa  
‘BATO’ MATIGAS NA ITINANGGI, ‘DEADMA’ VS QUAD COMM

MARIING pinabulaanan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang lahat ng akusasyon laban sa kanya …

EJK Victims

Hustisya para sa mga biktima ng EJKs hangad ng QuadComm – Chair Barbers

NANGAKO ang Quad Committe ng Kamara de Representantes na tutulong sila para maigawad ang hustisya …

Francis Tol Tolentino Bacoor Cavite

Para sa mga liblib na lugar  
INTERNET SERVICES COOPERATIVE TARGET NI TOLENTINO

NAIS masolusyonan ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang problema sa kawalan ng internet connection …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *