Monday , May 20 2024

Masonry Layout

Operasyon ng Cinema 5 ng Ayala Center Cebu sinuspinde

SINUSPINDE ang operasyon ng cinema 5 ng Ayala Center Cebu kasunod ng pagbagsak ng kisame nito na ikinasugat ng siyam biktima. Ito’y dahil sa kabiguan ng pamunuan ng Ayala Center Cebu na makapagsumite ng incident report sa Office of the Building Official sa Cebu. Posibleng madamay ng suspensyon ang iba pang sinehan sakaling makitaan ito ng paglabag. Batay sa imbestigasyon …

Read More »

 ‘Gapo mayor, 10 konsehal kinasuhan ng graft

OLONGAPO CITY – Nahaharap ngayon sa kasong kriminal at administratibo si Olongapo City Mayor Rolen Paulino at 10 konsehal nito sa Tanggapan ng Ombudsman kaugnay ng pinasok nitong P4-milyon kontrata para sa pamamahala ng night market noong nakaraang taon. Nakapaloob ang kaso sa complaint-affidavit na isinumite ni Rosalio Abile ng Sitio Lubog, Santol Extension, New Caba-lan, Olongapo  City, sa tanggapan …

Read More »

23 pagyanig naitala sa Mt. Bulusan

PINATINDI pa ng Phivolcs ang monitoring sa Mt. Bulusan sa Sorsogon dahil sa naitalang mga pagyanig sa nakalipas na mga oras. Iyan ay makaraan ang pagsabog nito ng abo kamakalawa ng tanghali. Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, nakapagtala sila ng 23 volcanic earthquakes sa kanilang seismic monitoring network. Hindi inaalis ni Solidum ang posibilidad ng pagtataas ng alerto mula …

Read More »

Special child ginahasa, pinatay sa Cavite

HINALAY saka pinatay ang isang 11-anyos dalagitang special child ng kanyang kapitbahay sa Bacoor, Cavite. Natagpuan ang biktima na may busal sa bibig sa liblib na lugar malapit sa gusali ng DOST sa Bacoor kamakalawa. Ayon sa mga testigo, huling nakita ang bata kasama ang suspek na si Rene Alico, 22, noong Hunyo 14 sa isang parke. Nadakip sa follow-up …

Read More »

Ban sa fraternity, sorority hazing aprub sa Kamara

APRUB na at isinulong na ng House of Representatives sa Senado ang isang panukalang batas na nagbabawal sa hazing activities ng fraternities, sororities, at iba pang organisasyon. Ito ang House Bill 5760 o “An act prohibiting hazing and regulating other forms of initiation rites of fraternities, soro-rities, and other organizations, and providing penalties for violations thereof, repealing for the purpose …

Read More »

BI Chief Mison ‘Sinungaling’(Swak sa sariling bibig)

HINDI totoong hindi nagpa-interview si Bureau of Immigration (BI) chief, Commissione Siegfred Mison sa news reporter ng isang pahayagan na nagpaputok ng isyu ng payola sa mga mambabatas para sa Bangsamoro Basic Law (BBL). Kahapon, sa isinagawang imbestigasyon sa Kamara (House of Repsentatives), inamin ni Mison, na siya ang nagkompirma sa media na ang kanyang associate commissioner ang nag-ponente ng …

Read More »

Wang Bo dumalo sa House Probe

DUMALO sa Kamara ang tinaguriang Chinese crime lord na si Wang Bo para sa imbestigasyon ng House committee on good government and public accountability.  Una rito, iniutos ni Justice Sec. Leila de Lima sa Bureau of Immigration (BI) na dalhin sa Kamara si Wang mula sa kanilang detention facility sa Bicutan.  Kasabay nito, inihayag ni De Lima sa komite na …

Read More »

Torre de Manila pinatitigil ng SC

IPINATIGIL ng Supreme Court (SC) ang operas-yon ng DMCI Homes para sa itinatayong 46-storey Torre de Manila condominium na kitang-kita sa likurang bahagi ng Rizal monument sa Luneta, Manila. Sa press conference ni SC Public Information Office chief, Atty. Thoedore Te, sinabi niyang pinagbigyan ng court en banc ang hiling ng Order of the Knights of Rizal para mag-isyu ng …

Read More »

Sepulturero nagbigti sa Kampo Santo

“NAKAUSAP na kita pwede na akong mawala.” Ito ang huling sinabi ni Johnny Santos, 36, sepulturero, stay-in sa Manila South Cemetery, sa kanyang karelasyon na si Diane Arciga, 32, ng 2336 Alabastro St., San Andres Bukid, Maynila bago nagbigti kamakalawa ng umaga sa loob ng sementeryo na sakop ng Makati City. Ayon sa imbestigas-yon ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng Manila …

Read More »

Makonsensiya kayo — PNoy (Sa kritiko vs BBL)

UMAPELA si Pangulong Benigno Aquino III sa mga humaharang sa pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na makonsensiya at huwag hayaang maghari ang karahasan na maaaring humantong sa kanilang tahanan. “Hindi ka ba uusigin ng iyong konsensiya kung sa pagharang mo ng solusyon ay umabot na sa puntong nanganganib ang pamilya mo?” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ceremonial …

Read More »

Single mother pinilahan ng 8 Koreano (Ari pinasakan ng bote)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Halinhinang ginahasa ng walong Korean national ang 22-anyos single mother at pinaso ng lighter ang kanyang mga kamay at paa saka pinasakan ng bote ang kanyang ari sa loob ng Prince Hotel sa Friendship St., Brgy. Anonas, Angeles City kamakalawa ng madaling-araw. Base sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Chief Supt. Ronald V. Santos, Acting PRO-3 …

Read More »

Biñan, Laguna umangat sa fault line

UMANGAT ang lupa sa ilang bahagi ng Biñan, Laguna na sinasabing sakop ng fault line. Ayon kay Carlo Lorenzo, caretaker ng isa sa mga bahay na sinasabing nakatayo sa itaas ng West Valley Fault, tumatagilid ang kanyang bahay maging ang pader sa loob ng banyo. Aniya, dati nang kinompirma ng Japanese engineers kasama ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology …

Read More »

Gusali ng Ateneo, 13 pang paaralan nasa fault line

NADAGDAGAN pa ng 14 paaralan ang hagip ng Valley Fault System. Sa press briefing ng Department of Education (DepEd), inisa-isa ni Sec. Bro. Armin Luistro ang walong private school at anim na public school na apektado ng fault line. Sa Quezon City, nasa itaas ng fault line ang tatlong elementary building ng Ateneo De Manila University sa Loyola at dalawang …

Read More »

Brgy. off’l namatay sa ‘sarap’

PINANINIWALAANG inatake sa puso ang isang opisyal ng barangay habang nakikipagtalik sa isang hindi nakilalang babae sa loob ng motel sa Marilao, Bulacan kamakalawa. Ayon sa ulat mula sa Marilao police, hubo’t hubad na nakatihaya sa sahig at wala nang buhay nang matagpuan ng motel attendants ang biktimang si Roman Lucero, 51, miyembro ng Lupon Tagapamayapa ng Brgy. Ibayo sa …

Read More »

Wang Bo wanted sa House probe

INAASAHANG lulutang ngayong araw (Martes) sa gagawing imbestigasyon ng House committee on Good Government and Public Accountability ang tinaguriang Chinese crime lord na si Wang Bo. Ayon kay Pampanga Rep. Oscar Rodriguez, chairman ng komite, inimbitahan nila si Bo na dumalo sa pagdinig para magbigay liwanag sa kontrobersiya na nagsangkot sa mga mambabatas na sinasabing tumanggap ng payola kapalit nang pagpasa …

Read More »

Breadwinner ng pamilya napagod nagbigti

ILOILO CITY – Ang hindi makayanang hirap bilang breadwinner sa pamilya ang pinaniniwalaang dahilan ng pag-suicide ng isang lalaki sa Oton, Iloilo kamakalawa. Ang biktimang si Jorie Solima, 23, ng JC Zulueta, Poblacion, Oton, Iloilo ay natagpuang nakabigti sa kanyang silid gamit ang nylon. Ayon sa ina, walang ibang problema ang kanyang anak maliban lamang sa hirap na dinadanas dahil …

Read More »

Mag-ina todas sa bagsik ng kidlat

LA UNION – Sabay na namatay ang mag-ina makaraan tamaan ng kidlat sa Bauang ng nasabing lalawigan kamakalawa. Sa salaysay ni Manuel Bancoyo ng Brgy. Urayong ng nasabing bayan, kasalukuyan silang naghahanda ng hapunan sa kanilang kusina dakong 5 p.m. nang bumuhos ang malakas na ulan kasabay nang malalakas na kulog at kidlat. Tumama ang kidlat sa punongkahoy sa tabi …

Read More »

Uber, GrabCar operations ipinahihinto ng Kamara

IPINASUSUSPINDE ng Technical Working Group (TWG) ng House Committee on Transportation ang operasyon ng mga transportation network company (TNC) tulad ng Uber at GrabCar hangga’t hindi tumatalima sa regulasyon at requirements ng pamahalaan. Kabilang na rito ang pagkuha nila ng prangkisa at pagpapa-accredit sa kanilang transport company. Pinuna ng TWG ang Department Order (DO) 2015-11 ng Department of Transportation and …

Read More »

Higit piso dagdag sa presyo ng gasolina

HIGIT P1 ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina ngayong Martes, Hunyo 16. Epektibo 12:01 a.m. ang P1.05 taas-presyo sa kada litro ng gasolina habang may P0.15 umento sa kada litro ng diesel at kerosene sa Shell at Seaoil. Sa parehong oras, P0.90 ang tapyas-presyo sa kada litro ng gasolina habang P0.20 ang sa kada litro ng diesel ng kompanyang …

Read More »

Pondong MERS-CoV na ‘di nagamit ‘di pwede ilipat

IBINASURA ng Malacañang ang panukala ni Sen. Ralph Recto na gamitin na lamang sa serbisyong pangkalusugan ang mga pondo na hindi nagamit ng gobyerno nitong mga nakalipas na panahon. Sinasabing magandang pagkakataon ito na magamit ng pamahalaan ang mga hindi nagalaw na pondo, sa harap ng nararanasang pananalasa ngayon ng Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERS-Cov) na ilang mga …

Read More »

Cancer patients isama sa PhilHealth

SANHI ng hirap na kalagayan ng mga pasyente ng kanser sa bansa, kailangan umanong isama sila bilang benepisaryo ng PhilHealth, ayon kay Cancer Coalition convenor Dr. Dario Lapada Jr. Sa Tapatan sa Aristocrat media forum, ipinaliwaang ni Lapada na sa kasalukuyang kondisyon ng mga may sakit na kanser imposible na para sa kanila na magkaroon ng access sa mahahalagang medical …

Read More »

Pension funds ng retired cops naibulsa na?

HINIHINALA ng Philippine National Police Retirees Association, Inc. (PRAI) na naibulsa na ng iba ang pondong inilaan sana para sa pensyon ng mga retiradong pulis. Sinabi ni retired Police Chief Supt. Allyn Evasco Jr., vice president for Mindanap ng PRAI, kulang pa ng 19 buwan pension differential ang nakukuha nila. “Ang natanggap namin ay 17 months only so sa sinasabi …

Read More »

PNoy tinabla si VP

PATAPOS na ang summer ngunit lalong umiinit ang usapan ng politika sa darating na 2016. Ilang araw lamang ang nakalilipas ay sinabi ni Vice President Jejomar Binay na umaasa siyang susuportahan kahit palihim ni Pangulong Noynoy Aquino. Naging mabilis naman ang tugon ni PNoy dito: “Hinahanap ba niya ang suporta ko? 2010, sa ibang grupo siya tumakbo, 2013, nanguna siya …

Read More »

Hindi kami pwede – Ping (Sa tambalang Lacson-Duterte sa 2016)

MARIING inihayag ni dating Senator Panfilo Lacson na hindi sila puwedeng magtambal ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016 elections dahil pareho silang nalilinya sa iisang aspeto lang, ang peace and order. “Una baka umusok kaming dalawa… Pangalawa, e parang isa lang ang dimension, ang core competence namin, parang nalilinya sa iisang aspeto lamang – ito ay sa larangan …

Read More »

Mison inasunto na naman (Bagong kaso sa Ombudsman)

KASUNOD ng kahilingan ng ilang opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) sa kanyang pagbibitiw sa puwesto, sanhi ng sinasabing mga iregularidad sa kanyang tanggapan, nahaharap na naman si Immigration commissioner Siegfred Mison sa isa pang criminal complaint sa Ombudsman na isinampa ni BI intelligence chief Atty. Faizal Hussin nitong Hunyo 11 (2015). Sa kanyang reklamo, nagbigay ng impormasyon …

Read More »