Saturday , May 18 2024

Masonry Layout

Klase sa ilang paaralan sa Maynila suspendido (Dahil walang tubig)

SUSPENDIDO ang klase sa ilang paaralan sa Maynila kahapon hanggang sa Agosto 12 dahil sa pansamantalang kawalan ng tubig. Walang pasok ang mga eskuwelahan sa District 2, 3 at 5. Nag-anunsiyo na rin ang Pasay ng suspensiyon ng klase sa lahat ng antas mula Agosto 11 hanggang Agosto 12 dahil sa pansamantalang kawalan ng tubig dulot ng ginagawa ng Maynilad. …

Read More »

Magsasaka kritikal sa tuklaw ng cobra

KRITIKAL ang kondisyon ng 33-anyos na magsasaka makaraan matuklaw ng cobra dakong 12 p.m. kamakalawa sa Natividad, Pangasinan. Ayon sa mga kaibigan, ang biktimang si Romea Asami, Jr. ay nag-aayos ng mga punla nang matapakan ang cobra kaya siya tinuklaw. Ani Dr. Juan Cabuan, Jr., siyang sumuri sa pasyente, comatose na ang biktima nang isugod sa ospital. Hindi na rin …

Read More »

14-anyos estudyante tepok sa suntok

BINAWIAN ng buhay ang isang 14-anyos estudyante nang mamuo ang dugo sa ulo makaraan suntukin ng kapwa estudyante sa National Christian Life College (NCLC) sa Marikina City. Kinilala ni Senior Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police, ang biktimang si John Allen Salvador, Grade 8 student, nakatira sa Sta. Barbara, San Mateo, Rizal. Habang hawak na ng Social Welfare …

Read More »

9-anyos totoy tinurbo ni Robredo

LEGAZPI CITY – Swak sa kulungan ang isang store helper makaraan gahasain ang isang 9-anyos batang lalaki sa Casiguran, Sorsogon. Ang biktima ay mag-aaral sa Casiguran Central Elementary School sa Brgy. Cawit sa nasabing bayan. Salaysay ng biktima, bumili siya ng coupon bond sa tindahan kung saan nagtatrabaho ang suspek na kinilalang si Eric Hamto Robredo, alyas “Kalbo.” Ngunit imbes …

Read More »

150 bisita nalason sa kasalang Pinay-British (12 katao naospital sa food poisoning sa North Cotabato)

ILOILO CITY – Umabot sa 150 katao ang nabiktima ng food poisoning sa handaan sa kasal sa Brgy. Gogo, Estancia, Iloilo kamakalawa. Ayon kay Chief Insp. Lorenes Losaria, hepe ng Estancia Municipal Police Station, ang mga biktima ay dumalo sa kasal ng isang Ilongga sa napangasawang British national. Ngunit pagkatapos kumain ng afritada, lechon at kaldereta, nakaramdam ang mga biktima …

Read More »

Admin vs Binay personalan na

HUMANTONG na sa personalan ang bangayan sa politika ng administrasyon at kampo ni Vice President Jejomar Binay. Una rito, naglagay si Presidential Spokesman Edwin Lacierda ng mensahe sa kanyang Facebook personal account bilang reaksyon sa pahayag ni VP Binay na ang plano ng Liberal Party (LP) na manatili sa poder sa loob ng 20 taon ay isang uri ng one-party …

Read More »

5 bagong barko ng Navy ibinida ni Aquino

IPINAGMALAKI ni Pangulong Benigno Aquino III na mapapabilis na ang paghahatid ng ayuda sa mga biktima ng kalamidad sa limang bagong barko ng Philippine Navy. Sa kanyang talumpati sa change of command ceremony sa Navy headquarters kahapon, inianunsiyo ng Pangulo na nasa pag-iingat na ng PN ang dalawang Landing Craft heavy mula sa Australia. Tatlo pa aniya ang target na …

Read More »

Magsasaka nangangailangan ng tulong

ANG mga Filipino ay dapat na maghanap nang higit na maaasahang agri-business ventures sa harap ng napi-pintong krisis sa pagkain sa mundo bunsod nang tumataas na food prices, nabatid sa nailathalang ulat ayon sa noted Filipino economist. Ang sanhi nito ay global climate change na nagdudulot nang matinding pagkasira at pagkawasak ng kalikasan. Ang Filipinas, natural na agricultural country, ayon …

Read More »

Binay-Marcos kasado sa 2016?

NAGULAT ang marami sa kompirmasyon ni Senador Bongbong Marcos na bukas siya sa pakikipag-tandem kay Vice President Jojo Binay para sa nalalapit na eleksyon sa 2016. “This is politics, never say never…I am flattered that he chose me as running mate, but these matters are not decided by one person but by the party,”’ sabi ni Senador Marcos. Ito na …

Read More »

SINIMULAN na ng DOTC-OTS ang kompiskasyon sa lahat ng klase ng lighters kahit ito ay nasa check-in luggage. (EDWIN ALCALA)

Read More »

TATLONG hinihinalang mga tulak ng droga ang naa-resto ng mga operatiba ng QCPD-DAID sa isinagawang buy-bust operation sa panulukan ng Kanlaon St. at Quezon Avenue, Quezon City kahapon ng madaling araw. (ALEX MENDOZA)

Read More »

ABALA na sa pag-iipon ng tubig ang ilang mga residente na matatamaan ng water interruption kaugnay sa ginagawang malaking water line sa Hermosa St., Tondo, Maynila. (BONG SON)

Read More »

NAGWAGI sa Grand Prix ang 1st Philippine Team sa Prague at 1st Place sa Star Rain sa Prague Talent Competition mula Agosto 4-8, ginanap sa Prague, Czech Republic. Ang 1st Philippine Team ay pinamunuan ng opisyal na katuwang sa Asia para sa European Competitions of Leider Leis Musik Produktions, Berlin at Managing Director ng Vega Entertainment Productions (VEP) na si …

Read More »

New QCPD boss umiskor ng P1.5-M shabu

NAKAISKOR agad ang bagong upong direktor ng Quezon City Police District (QCPD) na si Chief Supt. Eduardo G. Tinio ng P1.5 milyong halaga ng shabu makaraan maaresto ang tatlong bigtime pusher sa drug buy-bust operation sa lungsod. Sa ulat kay Tinio, kinilala ang mga nadakip na sina Jamel Ismael, 29, ng Wawa St., Brgy. Sala-sala, Tanay Rizal; Romnick Riga, 22, …

Read More »

71-anyos food concessionaire utas sa ambush

PATAY ang isang 71-anyos biyudang food concessionaire nang barilin sa ulo nang dalawang beses ng isang hinihinalang hired killer habang sumasakay sa kanyang kotse sa harap ng Our Lady of Remedies Church sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi. Binawian ng buhay habang dinadala sa Philippine General Hospital ang biktimang si Nora Chuanico Eubanas, residente sa Taft Avenue, Malate, Maynila at …

Read More »

BFP level up sa 80 firetrucks – Mar Roxas

KAHIT pababa na sa tungkulin bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG),  tuloy pa rin sa trabaho si Secretary Mar Roxas. Ibinida ng Bureau of Fire Protection (BFP), isa sa mga ahensiya na sakop ng DILG, ang unang bagsak ng mga 80 bagong fire trucks na ibibigay sa mga 55 probinsiya. “Dito sa harapan ninyo makikita ang …

Read More »

Habagat magpapaulan sa Visayas, MIMAROPA

PATULOY na uulanin ang ilang bahagi ng bansa sa kabila ng paglabas ng Bagyong ‘Hanna’ sa Philippine Area of Responsiblity (PAR). Ayon sa PAGASA, makararanas ngayong Linggo nang paminsan-minsang pag-ulan ang Visayas at MIMAROPA, kasama na ang Zambales at Bataan bunsod ng southwest monsoon o Habagat. Samantala, iiral sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ng bahagyang maulap hanggang …

Read More »

Overpricing sa APEC-SOM inireklamo

PINAIIMBESTIGAHAN ng Malacañang sa Department of Tourism (DoT) ang napabalitang reklamo ng mga delegado sa APEC Senior Officials Meeting (SOM) kaugnay sa sinasabing biglang pagtataas sa hotel rates sa Cebu. Nakatakdang isagawa ang nasabing meeting sa Setyembre 5 hanggang 6 na iba’t ibang senior officials mula sa APEC member-countries ang dadalo. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, bilang miyembro ng …

Read More »

21 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

KINOMPIRMA ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na dalawang bus at isang taxi ang nagkarambola sa may bahagi ng East Avenue, Quezon City kamakalawa. Nasa 21 katao pawang mga pasahero ng bus ang sugatan na agad isinugod sa pinakamalapit na hospital sa lugar. Ang dalawang bus na nasangkot sa banggaan ay ang Nova bus at Worthy bus transport. Batay sa …

Read More »

MMDA desmayado sa CA ruling vs anti-smoking campaign

DESMAYADO si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa inilabas na desis-yon kamakailan ng Court of Appeals (CA) na nagpapawalang bisa sa anti-smoking campaign ng ahensiya. Ayon sa ahensiya, pa-ngunahin nilang mandato ang anti-smoking campaign. Sinabi ng MMDA Chief , malinaw sa R. A. 7924 na nagtatag sa MMDA ang mandato nito ukol sa pangangalaga ng kalusugan ng …

Read More »

Mister pinatay si misis bago nag-suicide (Dahil sa text)

KIDAPAWAN CITY – Patay ang mag-asawa makaraan patayin ni mister ang kanyang misis at pagkaraan ay nagpakamatay rin dakong 8:50 p.m. kamakalawa sa lalawigan ng Cotabato City. Kinilala ang mag-asawang sina Ramon Bajador, 38, at Mylin Bajador, 35, mga residente ng Brgy. Rangaban Dos, Midsayap North Cotabato. Ayon kay Midsayap Defuty Chief of Police, Senior Inspector Henry Narciso, matutulog na …

Read More »

Water interruption ng Maynilad simula na

MAKARARANAS ng water interruption ang mga kostumer ng Maynilad sa malaking bahagi ng Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite ngayong Lunes. Nakatakda ang water interruption dakong 1 p.m. ngayong araw, Agosto 10, hanggang 10 p.m. sa Huwebes, Agosto 13. Itutuloy dakong 1 p.m. sa Agosto 17 hanggang 3 p.m. sa Agosto 18. Kabilang sa mga lugar na apektado ng …

Read More »

Misis na titser inutas sa boga mister nagsaksak tigbak din

UNISAN, Quezon – Kapwa duguan at wala nang buhay ang mag-asawa nang matagpuan ng mga awtoridad sa loob ng faculty room ng isang paaralan sa Brgy. Poblacion, Unisan, Quezon kamakalawa. Kinilala ni Senior Insp. Jun Villarosa, hepe ng Unisan PNP, ang biktimang itinago sa pangalang Alice, 40, titser, habang ang suspek ay si alyas Glen, 41, tricycle driver, residente ng …

Read More »

Pagdilao kay De Lima: SAF 44 killers kasuhan na

AMINADO si ACT-CIS partylist Rep. Samuel Pagdilao na walang katiyakan na pakikinggan nina Interior Sec. Mar Roxas at Justice Sec. Leila de Lima ang kanyang panawagang bago bumaba sa puwesto ay isaalang-alang ang hustisya ng SAF 44 na namatay sa Mamasapano massacre. Sinabi ni Pagdilao, dating police officer, desmayado siya sa naging takbo ng imbestigasyon dahil imbes ang mga nagmasaker …

Read More »