Monday , October 2 2023

Militante nag-rally vs batas militar, puwersang US sa Marawi

HINDI nakalusot sa nakaharang na mga pulis-Maynila ang iba’t ibang grupo ng mga militante kahit nagkabalyahan at nagtulakan patungong US Embassy upang kondenahin si Pangulong Rodrigo Duterte sa all out war sa ilegal na droga at joint military exercises sa mga sundalong Amerikano sa ating bansa. (BONG SON)
HINDI nakalusot sa nakaharang na mga pulis-Maynila ang iba’t ibang grupo ng mga militante kahit nagkabalyahan at nagtulakan patungong US Embassy upang kondenahin si Pangulong Rodrigo Duterte sa all out war sa ilegal na droga at joint military exercises sa mga sundalong Amerikano sa ating bansa. (BONG SON)

BIGONG makalapit sa Embahada ng Estados Unidos ang iba’t ibang militanteng grupong nagprotesta sa Araw ng Kalayaan, kahapon.

Naharang agad ng mga awtoridad ang mga militante sa Kalaw Avenue, tapat ng National Library, na maagang binarikadahan ng mga pulis.

Dahil dito, sa naturang kalye na lamang nila itinuloy ang kanilang programa, na pinangunahan ng mga lider ng Bayan, Kilusang Mayo Uno, Gabriela, Anakpawis, at marami pang iba.

Bagama’t kinokondena ng mga grupo ang pag-atake ng mga terorista sa Marawi City, nananawagan sila kay Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang martial law sa Mindanao.

Sa pahayag ng Bayan, sinabi ng grupong sapat na ang kapangyarihan ng Pa-ngulo para labanan ang te-rorismo at hindi na kaila-ngan ng batas militar.

Kinokondena rin nila ang anila’y pakikialam ng Estados Unidos sa gulo sa Marawi, maging sa sigalot sa West Philippine Sea.

Nang matapos ang may isang oras na programa sa kainitan ng araw, payapang umalis ang mga militanteng grupo.

About hataw tabloid

Check Also

SM 65 1 Feat

Experience Super-Sized Fun at SM’s 65th Anniversary this October

It’s October and it only means one thing at SM Super-Month! Suit up for some …

JUMPER BOY SA R-10 TONDO

Perwisyo sa mga trak atbp motorista JUMPER BOY SA R-10 TONDO KALABOSO!

HIMAS-REHAS ang isang 23-anyos “Jumper Boy” na siya rin nag-viral kamakailan nang akyatin at pilit …

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *