Saturday , May 18 2024
Dingdong Dantes Marian Rivera Alden Richards Kathryn Bernardo

Phenomenal Box Office at Box Office King and Queen may pagkakaiba ba?

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI namin maintindihan kung ano ang kaibahan niyong Phenomenal Box office stars na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera roon sa title na Box Office King and Queen na ibinigay naman nila kina Kathryn Bernardo at Alden Richards.  Hindi ba ang usapan ay kung sino lamang ang pelikulang kumita ng pinakamalaki? Kung ganoon bakit pantay ang category? ‘Di sabihin nila na iyan ang may pinakamalaking kita pero ito naman ang pumangalawa. Hindi puwedeng pareho silang bida.

Pero ang catch kasi riyan, ilan ang manonood kung sina Dingdong at Marian lang iyon, at tiyak na mas maraming fans sina Kathryn at Alden, eh nagbebenta kasi ng tickets iyang awards na iyan eh dahil iyan ay isang fund campaign para roon sa Guillermo Mendoza Scholarship Foundation. Iyan ang isa pa, ang tagal na ng awards na iyan at noong araw ay suportado iyan ng isang publication ng mga magazine.  Hindi maliwanag sa amin kung kaibigan o kaanak ng publishing manager niyon ang mga may kinalaman sa foundation na iyan, basta sila ang supporters. Hindi naman sinusuportahan iyan ng ibang publications noon. Nagsara na ang publications na iyon, at lahat ng kanilang magazines, retired na rin ang halos lahat ng mga editor nilang nabubuhay pa. Pero nagpapatuloy ang awards na iyan. Hindi pa rin namin alam hanggang ngayon kung sino nga ba si Guillermo Mendoza at kung may kinalaman ba siya sa box office ng mga pelikula. Bakit nagbibigay sila ng awards na may kinalaman sa box office?

Hindi rin maliwanag sa amin kung ang batayan ba ng box office awards nila ay ang ibinabayad na taxes ng mga pelikula sa BIR o kung nakakakuha ba sila ng kopya ng box office returns mula sa mga sinehan o nagbibigay lamang sila ng award batay sa palagay nila? 

Pero dahil sa kanila ang awards na iyan wala tayong pakialam at wala silang obligasyong magpaliwanag sa atin. Mas maganda nga lang kung maipaliliwanag para mas magkaintindihan. Mayroon pa silang prince and princess, pero hindi ba naghilahod ang pelikula ng dalawang iyan nang ilabas, na pull out pa nga sa mga sinehan.

About Ed de Leon

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …