Saturday , November 2 2024

Pagkaaresto sa inang Maute malaking dagok sa terorista

MAITUTURING na malaking dagok sa teroristang grupo ang pagkaaresto sa madre de familia ng Maute na si Ominta Romato Maute alyas Farhana, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nitong Linggo.

Sa press conference, sinabi ni Lorenzana, ang pagkaaresto kay Farhana ay nagpahina sa operasyon ng grupo, dahil sa kanyang malaking koneksiyon sa bansa at sa ibayong dagat.

“Farhana is known as the local terrorist group’s adviser, financier, and provider owing to her vast financial resources drawn locally and abroad. Aside from that, she has strong influence on the Maute children. Hence her arrest deals a severe blow,” aniya.

Si Farhana ay inaresto sa Masiu, Lanao del Sur nitong Bi-yernes ng gabi, kasama ng dalawang sugatang miyembro ng Maute at pitong hindi pa nakikilalang kababaihan.

Sinabi ni Lorenzana, nakompiska ng mga tropa ng gobyerno ang isang M14 rifle, apat grenade rifles, at dalawang improvised rocket-propelled grenades mula sa grupo ni Farhana.

Idinagdag niyang bineberipika ng militar kung si Farhana ay nagmula sa burol ng kanyang dalawang anak na sina Madie at Omar Maute, napaulat na napatay sa nagpapatuloy na operasyon ng militar sa Marawi City.

Sinabi ni Lorenzana, si Farhana ay agad inilabas sa Lanao del Sur upang maiwasan ang tangkang pagsagip sa kanya ng mga terorista.

“If you look at the hierarchy of the Maranaoans, they respect their elders, especially the mother, kaya we immediately flew Farhana out of the area,” dagdag ni Lorenzana.

Naunang naaresto ang padre de familia ng Maute na si Cayamora Maute sa checkpoint sa Davao City, kasama ng kanyang pangalawang asawa na si Kongan Alfonso Balawag, anak na babae na si Norjannah Balawag Maute at manugang na lalaki na si Benzarali Tingao.

“This couple are actually the head, and the financier and the adviser of this Maute group, kaya malaki na nakuha natin sila,” pahayag pa ng Defense chief.

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *