Saturday , December 20 2025

TimeLine Layout

May, 2025

  • 14 May

    Sa Distrito 5 ng QC
    ‘ FAKE NEWS’  ETSAPUWERA PM VARGAS WAGING KONGRESISTA

    PM Vargas

    ni Gerry Baldo IPRINOKLAMA ng Commission on Elections (Comelec) si Quezon City 5th District Rep. Patrick Michael “PM” Vargas matapos manaigvat magwagi sa nakaraang midtern elections nitong Lunes, 12 Mayo laban sa katunggaling si Rose Nono Lin. Nakakuha ng 102,648 boto si Vargas habang ang katungali niyang si Lin ay nakakuha ng 91,622 boto. Bukod kay Nono Lin, lumaban din …

    Read More »
  • 14 May

    Pulling away sa mga katunggali
    ISKO, JOY, VICO PROKLAMADO NA

    Isko Moreno Joy Belmonte Vico Sotto

    NAUNA nang iprinoklama ang lahat ang mga nanalong alkalde gaya nina Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, Quezon City Mayor Maria Josefina Tanya “Joy” Go Belmonte-Alimurung, at Pasig City Mayor Victor Ma. Regis “Vico” Nubla Sotto sa katatapos na midterm elections nitong Lunes, 12 Mayo. Kasabay din nilang iprinoklama ang kanilang mga bise alkalde na sina Angela Lei “Chi” Ilagan …

    Read More »
  • 14 May

    Sandoval-Nolasco  wagi sa  Malabon

    Malabon City

    UUPO sa ikalawang termino bilang alkalde ng Malabon City si incumbent Mayor Jeannie Sandoval at Vice-Mayor-elect Edward Nolasco matapos makamit ang landslide victory sa naganap na 2025 national and local elections. Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, ipagpapatuloy niya ang kanyang mga programa at palalawakin pa ang de-kalidad na programa para sa pag-angat ng siyudad. Lumabas sa local elections na nagkamit …

    Read More »
  • 14 May

    Valenzuela, Gatchalian country pa rin

    Valenzuela

    NANGUNGUNA pa rin si Valenzuela Mayor WES Gatchalian sa puso ng mga taga-Valenzuela sa nakuhang 295,876 boto sa naganap na 2025 midterm elections kaya naman ‘tuloy ang progreso’ nang iproklama ng Commission on Elections (Comelec) sa ALERT Center Multi-purpose Center Hall, kahapon, Martes ng umaga, 13 Mayo. Pasok si First District Councilor Marlon Alejandrino bilang running mate ni Mayor Gatchalian …

    Read More »
  • 14 May

    Along Malapitan nanguna sa mga Batang Kankaloo

    Along Malapitan

    ITINAAS na ng Commission on Elections (Comelec) board of canvassers ang kamay ng nanalong alkalde ng Caloocan City na si Dale Gonzalo “Along” Malapitan matapos tambakan ng boto ang matibay na kalabang si dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV at tatlong iba pa. Nakakuha si Malapitan ng 348,592 votes laban kina Trillanes IV, Danny Villanueva, Richard Cañete, at Ronnie Malunes. …

    Read More »
  • 14 May

    12 Senator-elect target  iproklama sa 17 Mayo

    Senate Senado

    TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na maiproklama ang 12 nagwaging senador sa katatapos na midterm elections nitong Lunes, 12 Mayo 2025. Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, sa Sabado, 17 Mayo, ang pinakamaagang petsang makapagsagawa ng proklamasyon. “Baka itong Sabado o Linggo, sana makapag-proklama na tayo ng senador,” ani Garcia. “Mabilis naman e. Tingnan ninyo 98.9% na nga …

    Read More »
  • 14 May

    Ng, pararangalan bilang PVL Press Corps Executive of the Year

    Jonathan Ng Creamline Cool Smashers Rebisco

    PARARANGALAN si Jonathan Ng, Vice president at CEO ng Republic Biscuit Corporation (Rebisco) Group of Food Companies, bilang Executive of the Year sa kauna-unahang Pilipinas Live PVL Press Corps Awards Night sa 28 Mayo sa Novotel Manila Araneta City sa Quezon City. Hindi lamang ginawang tanyag ni Ng sa lokal na merkado ang Rebisco bilang paboritong meryenda, kundi isang pangalan …

    Read More »
  • 14 May

    International singer-nurse Nick Vera Perez, proud maging mama’s boy sa mahal na inang si Visitacion Tan

    Nick Vera Perez

    ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio HUMAHATAW ngayon sa kaliwa’t kanang 2025 album tour ang Filipino-American singer at doctor of nursing na si Nick Vera Perez. Ito’y bilang promo ng kanyang fourth all-original OPM album titled ‘Parte Ng Buhay Ko’. Unang na-release online noong 2022, ang album ay patuloy na kumukurot sa puso ng maraming listeners. Ang nine songs na kinapapalooban nito ay espesyal na …

    Read More »
  • 14 May

    Model Jan Evan Gaupo sasabak sa King Of The World 2026 

    Jan Evan Gaupo

    MATABILni John Fontanilla WAGI sa katatapos na Christian Duff Calendar Model Season 5 ang modelong si Jan Evan Gaupo na ginanap sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) last May 9. Ibinahagi ni Jan Evan sa kanyang Facebook ang pagkapanalo. “A journey towards a human’s essence and beauty. “I, Jan Evan Gaupo proud and loud to announce! -I am your Christian …

    Read More »
  • 14 May

    Kristel Fulgar ikinasal na sa Korean boyfriend 

    Kristel Fulgar Ha Su-hyuk

    MATABILni John Fontanilla IKINASAL na ang Actress at social media star Kristel Fulgar sa kanyang Korean Boyfriend na si Ha Su-hyuk last  Saturday, May 10, sa Luna Miele, Seoul. Kitang-kita sa mukha ng former Goin’ Bulilit star ang labis-labis na kasiyahan. Suot nito ang isang napakagandang off-shoulder gown na may beadwork at sequins, Habang suot naman ni Su-hyuk ang napaka-eleganteng …

    Read More »