Wednesday , November 12 2025
Long Mejia John Estrada Dolphy Panchito

Long -John tandem mala-Dolphy at Panchito

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGPAPASALAMAT si Long Mejia sa kanyang co-actor sa Puregold sitcom na Wais at Eng Eng na si John Estrada na nagsabing siya ang pinakamahusay na komedyante.

Naniniwala si Long na bukod sa kanya ay marami pang magagaling na komedyante sa bansa at may kanya-kanya silang galing at talento sa pagpapatawa.

Sa sitcom ay ginagampanan nito ang role na Eng Eng na pinsan ni Wais na ginagampanan naman ni John.

Ayon kay Long, “Siyempre naman maraming mahuhusay na komedyante, siguro may kanya-kanya lang kami. Kumbaga sa ulam may paborito eh, natapat ‘yung luto na ulam sa kanya eh, ako ‘yun, okey ako sa kanya.”

Dagdag pa nito, “Siyempre maraming magaling d’yan na mga komedyante siguro sa mga 300 million pang 3.3 ako, salamat naman sa pagtitiwala may sanpit (pinsan) John Estrada.”

Subok na raw ni John ang tandem nila sa pagpapatawa kaya lagi siyang isinasama ni John sa project nito.

Siguro sa lahat, wala akong ginagawa ngayon ha ha ha. Hindi, talagang noon pa man ‘pag may gagawing sitcom si John, hindi tumatawag sa akin ‘yung talent coordinator. Mismong si John Estrada…. ‘my men may gagawin tayo, ikaw ang gusto ko rito.’ At saka subok na ‘yung partner naming dalawa.

“Katulad ng the legend na sina Dolphy at Panchito, na swak na swak sa isa’t isa pagdating sa pagpapatawa. Parang kami ni John titigan pa lang namin, alam na namin ‘yung gagawin,” ani Long.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …