Tuesday , June 23 2026
Dating Alys Perez Rabin Angeles Angela Muji Zeke Polina

RabGel madalas magkatampuhan: Pero nagso-sorry agad kung sino may kasalanan

MATABIL
ni John Fontanilla

KILALANG-KILALA na ng dalawa sa hottest loveteam ng Viva na sina Rabin Angeles at Angela Mujiang isa’t isa, kaya naman wala na silang mga bagong nadidiskubre.

Tsika ng dalawa sa mediacon ng kanilang bagong series sa Viva One, ang season 2 ng Seducing Drake Palma, ang Dating Alys Perez, na adapted sa Wattpad story ni Ariesa Domingo aka BEEYOTCH. Directed by Crisanto B. Aquino, mapanood sa June 12, sa Viva One.

Parang wala na po. Parang alam na po namin everything,” panimulang pahayag ni Angela.

“At sa every bonding naman po namin is always the same, wala naman pong nabago.

“’Yun ‘yung lagi naming inire-remind sa sarili namin na sana walang magbago, walang lumaki ulo, basta wala pong maligaw ng landas.

“Alway’s grounded pa rin kami and kabisado na po namin ‘yung isa’t isa.

And there is nothing new naman na we discover, parang it’s always the same.”

Para naman kay Rabin, “For me naman po, wala naman po, kasi parang gets na namin ‘yung isa’t isa.

“’Yung parang ‘pag tiningnan niya ako, alam ko agad may kasalanan ako.

“’Pag tiningnan ko siya alam niya na, ‘yung parang naiintindihan na namin ‘yung isa’t isa.”

Ayon kay Rabin madalas silang nagkakatampuhan ni Angela. At kung sino ang may kasalan ay siya dapat ang mag-sorry para maayos ang kanilang tampuhan.

Madalas po, pero tinatanggap po namin kaagad kung may kasalanan kami.

“At kung sino ‘yung may kasalanan, siya dapat ‘yung magso-sorry.

“Kasi hindi namin aayusin hanggang hindi nagso-sorry ‘yung may kasalanan.”

Sa Dating Alys Perez ay mas matured at kakaibang Rabin at Angela ang mapapanood.

Makakasama nila sina Zeke Polina, Ashley Diaz, Julienne Rosello, Mico Chua, Yumi Garcia, Frost Sandoval, Ethan David, Sara Joe, Rafa Victorino, at Gab Evangelista. 

Excited na nga ang RabGel sa kanilang bagong project at thankful ang mga ito sa Viva sa mga magagandang proyektong binibigay sa kanila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Isha Ponti

Paglulunsad ng album ni Isha Ponti sinuportahan ni Kevin Miranda

MATAGUMPAY ang album launch ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti, ang Likas noong June …

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …

Renz Verano

Concert ni Renz Verano sa Tanghalang Pasigueno matagumpay

MATABILni John Fontanilla PINALAKPAKAN at talagang ikinasiya ng mga taong nagtungo sa concert ni Renz Verano, …

Gerald Santos Liwanag at Dilim

Gerald Santos bibida sa Liwanag at Dilim

MATABILni John Fontanilla MALAKING karangalan kay Gerald Santos ang makasama ang ilan sa mahuhusay na actor sa …