Saturday , November 8 2025
Padayon Pilipinas

Singing legends magsasama-sama para sa Padayon Pilipinas 

MATABIL
ni John Fontanilla

MAGSASAMA-SAMA sa isang gabi ng konsiyerto ang mga itinuturing na haligi ng musikang Filipino sa bansa, para makatulong sa mga kababayan nating biktima at labis na naapektuhan ng sunod-sunod na lindol. 

Dalawampu’t tatlong artists at madaragdagan pa ang magsasama-sama sa iisang layunin, ang makatulong at makalikom ng salapi para sa ating mga kababayan. Ang konsiyerto ay tinawag nilang Padayon Pilipinas na gaganapin sa October 28, 2025, 6:00 p.m. sa St. Jude Catholic School, San Miguel Manila.

Hindi nagdalawang-isip na magtanghal ang mga singer para magtanghal sa Padayon Pilipinas tulad nina Dulce, Jamie Rivera, Richard Reynoso, Chad Borja, Ronnie Raymundo, Bayang Barrios, Isay Alvarez, Robert Sena, Renz Verano, Carla Guevara Laforteza, Beverly Salviejo, Vehnee Saturno, Vina Morales, David Pomeranz, Alakim, Alynna Vasquez, Jade Aben, Jedidah, MB40, Ladine Roxas, Ornella Brianna,The ForteNors, Frenchie Dy, Vhenee Saturno, at ang producer nitong si Dr. Carl Balita.

Sa presscon ng Padayon Pilipinas sa Music Box ay ipinarinig at ipinapanood sa mga invited press ang isang commemorative song at music video  na may titulong  Padayon Pilipinas, likha ng beteranong kompositor na si Mr. Vehnee Saturno at inawit nina Dulce at anak na sina Gem at Abby; Isay at Robert, Bayang, Renz, Richard, Chad, Beverly, Jade, Lyza at Carl.

Ang halaga ng ticket ay P1500 pero P1000 na lang  kung bibili ng lima. At para  makabili ng tickets, sponsorship at mga donasyon, maaaring tumawag at mag-message sa (+63) 9171037683.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Kim Chiu Paulo Avelino Alibi

Kim Chiu walang takot magpakita ng skin, maraming sikretong ilalantad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “TAPOS na po tayo sa teeny-teeny.” Ito ang paliwanag ni Kim Chiu nang matanong …

Marianne Bermundo

Marianne Bermundo espesyal ang debut, focus sa studies at career

BATA pa lang nang nakilala si Marianne Bermundo bilang beautyqueen-model. Ngayon ay ganap na siyang dalaga …

Leah Navarro Richard Reynoso Gino Padilla OPM Then and Now

Leah, Richard at Gino, tampok sa “OPM: Then & Now” sa Music Museum sa Nov. 6

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SPECIAL guests ang mga premyadong mang-aawit na sina Leah Navarro, Richard Reynoso, …

Heart Evangelista Chiz Escudero

Alphaland nilinaw Chiz, Heart walang ari-arian

I-FLEXni Jun Nardo WALANG pagmamay-ari o anumang ari-arian sa loob ng Alphaland Baguio Mountain Lodges …

Anjo Yllana Tito Sotto

Tito Sotto deadma sa pagngawngaw ni Anjo

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY lang sina Tito, Vic and Joey sa everyday nilang ginagawa sa Eat Bulaga kahit ngumangawngaw si Anjo Yllana sa …