Lea Salonga Peabo Bryson

Lea apektado sa pagkamatay ni Peabo Bryson

MATABIL
ni John Fontanilla

SOBRANG nalungkot si  Lea Salonga sa pagkamatay ng iconoc singer at Grammy Award winning artist, Peabo Bryson.

June 2 ay pumanaw ang mahusay na singer sa edad na 75 sa Marietta, Georgia, Atlanta, US ilang araw matapos ma-stroke. 

Nag-post ng mensahe si Lea sa social media  bilang pagdadalamhati  at  pakikiramay sa mga naulila ng R&B award-winning singer

Fly with the angels, friend. Rest in peace and power,” ang socmed post ng international Pinay OG Disney Princess at award-winning Broadway superstar.

Matagal nang close sina Lea at Peabo na malaki ang paghanga sa Pinay/  International theater actress.

Si Peabo rin ang pumili kay Lea para maka-duet sa awiting  How Wonderful We Are at muli silang nag-duet sa  The King & I para sa movie soundtrack na I Have Dreamed.