Tuesday , June 9 2026
Cassy Legaspi

Cassy iginiit single at walang karelasyon

MATABIL
ni John Fontanilla

KUMALAT kamakailan sa social media ang mga larawan ni Cassy Legaspi habang nagbabakasyon sa Siargao na may kasamang isang guwapong foreigner.

Kaya naman nag-one plus one agad ang netizens at inakalang iyon ang boyfriend ng Sparkle GMA Artist Center actress.

Sa interview kay Cassy ni Nelson Canlas sa GMA News 24 Oras ay nilinaw ni Cassy na kaibigan lang niya ang foreigner.

Ayon pa kay Cassy, marami silang magkakaibigang pumunta sa Siargao that time.

First time ni Cassy sa nabanggit na lugar.

“I’m willing to hit all the tourist spots sa Siargao because, again, I love Siargao. Sabi ko, ‘Ano gagawin natin dito?’ ‘Skateboard tayo,’ ‘Okay, ikaw muna,’ so my friend skateboarded first.

“Ako, sabi ko, ‘Sige upo muna ako’ and my friend sat beside me and I didn’t know na-picture-an and na-video-han kami,” at natawa si Cassy.

“And then eventually it was blown out of proportion na dyowa ko siya or something, and honestly we just laughed about it kasi he’s just my friend.”

Sinabi pa ni Cassy na single siya ngayon at walang karelasyon.

Nakatakdang mapanood si Cassy sa upcoming series na Whispers from Heaven.

Pagbibidahan ito ni Bea Alonzo na tampok din sina Tom Rodriguez, Maricar Reyes, Sean Lucas, Eunice Lagusad, Vanessa Peña at marami pang iba.

Heavy drama ang kuwento pero masaya at magaan ang samahan nila sa set.

“Okay, ‘yung conflict and ‘yung drama, sa story lang po ‘yun, ha? Pero sa set complete opposite. Parang every time magka-cut siya, okay, back to being light tawanan, ganoon.”

Samantala, kuwento naman ni Sean na kakaiba ang kanyang papel sa serye kompara sa mga dati niyang ginagawa.

“Very different po sa usual na I do hosting. ‘Yung past roles ko is very comedic talaga, siguro ito it’s more serious,” ani Sean na host din sa  The People Have Spoken with Heart Evangelista.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Jamilla Obispo Sugar Mommy Andrew Gan

“Sugar Mommy” pinaka-daring na VMX movie ni Jamilla Obispo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng sexy actress na si Jamilla Obispo na kaabang-abang …

Andrea Gutierrezi Lani Misalucha

Andrea Gutierrez, inspirasyon si Lani Misalucha bilang singer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAPAKINGGAN namin ang husay kumanta ni Andrea Gutierrez nang nag-birthday …

Angela Morena Stephanie Raz Micaella Raz

Angela, Steph, Micaella bida sa ‘mainit’ na docu film

I-FLEXni Jun Nardo POWERHOUSE ang offering ng VMX na Triple Threat dahil ang magkakapatid na sina Angela Morena, Stephanie Raz, …

Linda Walker Zhang Yingfei

Linda Walker mainit na sinalubong sa NAIA 

I-FLEXni Jun Nardo ENGRANDENG salubong kay Linda Walker  o ang actress na si Zhang Yingfei ang handog ng …

MTRCB

MTRCB nakatanggap ng ika-pitong magkasunod na Unmodified Opinion mula COA

HARD TALKni Pilar Mateo MULING kinilala ng Commission on Audit (COA) ang mahusay na pamamahalang pampinansiyal ng Movie …