Tuesday , December 16 2025

FIDE Rapid Rated event:  
IM CONCIO KAMPEON SA 1ST MARINDUQUE NAT’L CHESS CHAMPS

Michael Concio Chess

Final Standings: (Open Division, 83 participants) 6.5 points—IM Michael Concio Jr. 6.0 points—FM Roel Abelgas, Jonathan Jota 5.5 points—IM Daniel Quizon, IM Ricardo de Guzman, IM Angelo Young, IM Barlo Nadera 5.0 points—GM Darwin Laylo, Sherwin Tiu, Jeremy Marticio, FM Alekhine Nouri, Domangoag Pongan Jr.,  Samson Chiu Chin Lim Iii, Jan Francis Mirano, NM Edmundo Gatus, IM Jose Efren Bagamasbad, …

Read More »

Sa Barangay Igulot, Bocaue,Bulacan
IKA-161 MALASAKIT CENTER BINUKSAN SA JONI VILLANUEVA GENERAL HOSPITAL

Bong Go Joel Villanueva Daniel Fernando Alexis Castro

LUNGSOD NG MALOLOS – Upang makapagbigay ng accessible na serbisyong pangkalusugan at suporta sa mga Bulakenyo, pinangunahan nina Senador Christopher Lawrence “Bong Go, Senador Joel “Tesdaman” Villanueva kasama sina Gobernador Daniel R. Fernando, at Bise Gob. Alexis C. Castro ang pagbubukas ng ika-161 Malasakit Center sa Joni Villanueva General Hospital sa Bocaue, Bulacan kahapon ng umaga. Layong magsilbi bilang one-stop …

Read More »

Quiboloy, wanted dito at sa ibang bansa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang sumusumpang inosente siya habang nagkukubli sa likod ng pananampalataya, ginagawa ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang lahat upang maipagtanggol ang kanyang sarili mula sa alinmang independent inquiry. Puntirya siya ng Senado, kung saan naidetalye ang matitinding akusasyon laban sa kanya, pero nananatiling mailap si Quiboloy, piniling magtago sa likod ng katwiran …

Read More »

$3.3-B mega energy deal rerebisahin ng ERC

031224 Hataw Frontpage

NAKATAKDANG rebisahin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang magiging epekto ng $3.3 bilyong liquefied natural gas (LNG) deal sa consumer prices. Ayon kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, sa kabila na ang dapat magsagawa ng review sa merger ay ang Philippine Competition Commission (PCC), ang kanyang tanggapan ay kikilos din upang pag-aralan ang magiging epekto nito sa kasalukuyan at mga susunod …

Read More »

P19.5-M ‘damo’ nasabat sa MICP

031224 Hataw Frontpage

NASABAT ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BoC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang  P15 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana o damo  sa Manila International Container Port (MICP) sa Tondo, Maynila noong Huwebes. Batay sa report ng PDEA, nakatanggap ng ‘tip’ ang Customs Intelligence Service ng MICP kaugnay ng dalawang balikbayan box na darating sa …

Read More »

No. 5 most wanted person, arestado sa Caloocan City

arrest prison

HINDI na nakalusot sa kamay ng batas ang isang mister na wanted sa kaso ng panggagahasa at pangmomolestiya nang malambat ng mga awtoridad sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang Llano Police Sub-Station 7 …

Read More »

Panlaban sa baha
DAGDAG NA PUMPING STATIONS SA NAVOTAS PINASINAYAAN

Navotas Pumping Station

MAYROON nang72 pumping stations sa Navotas, kasunod ng pagpapasinaya sa tatlo pa na matatagpuan sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque, Daanghari St., Brgy. Daanghari, at Maliputo St., Brgy. NBBS Dagat-Dagatan. Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang blessing at inauguration ceremony sa tatlong pumping stations. “Noon, kapag nababanggit ang Navotas, bukod sa isda ay baha …

Read More »

Hikayat ng QC Vice Mayor Sotto, kalalakihan manguna sa paglaban vs Violence Against Women

Gian Sotto Womens

NANINIWALA si Quezon City Vice Mayor Gian Sotto na masusugpo ang Violence Against Women (VAW) kapag sinimulan ng mga kalalakihan na wakasan ito. Bilang mga lalaki, dapat nilang tulungan ang maraming kababaihan na ‘walang boses’ at ‘hindi maipaglaban’ ang kanilang sarili. Ginawa ni Sotto ang pahayag nang dumalo sa mass oathtaking ng libo-libong kalalakihan na sumali sa Men Opposed to …

Read More »

LTFRB chief kampanteng PUVMP maipatutupad

LTFRB PUVMP Modernization

SA PAGBASURA kamakailan ng isang kaso sa legalidad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), umaasa si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Teofilo Guadiz III na ang mga nakabinbing kaso laban sa palit-jeep ay magkakaroon ng parehong resulta. “Base ho sa nangyari ngayon na desisyon ng Supreme Court, kung ito ho ang aming pagbabasehan, ako ho ay …

Read More »

Kelot sinita sa ‘yosi’ timbog sa 39K shabu

yosi Shabu

BAGSAK sa kulungan ang isang lalaki nang makuhaan ng shabu makaraang masita sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Ayon kay Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 11 sa Robes-1, Area 1, Brgy., 175, Camarin, nakita nila ang isang lalaki na nagsisigarilyo sa pampublikong lugar dakong …

Read More »

Quizon giniba si Jota nanguna sa 1st Marinduque National Chess Championship

Daniel Quizon Jonathan Jota Chess

MANILA — Winalis ni reigning Philippine National Open Champion International Master Daniel Quizon ang kanyang unang apat na laban, kabilang ang nakamamanghang fourth round win laban ky ninth seed Jonathan Jota, para makisalo sa liderato sa Open division habang si Jerick Faeldonia ay nagpakita ng paraan sa kiddies play sa 1st Marinduque National Chess Championship (FIDE Rapid Rated event) na …

Read More »

Japan ginto sa Asian Age group women’s water polo

Japan ginto sa Asian Age group women’s water polo

CAPAS, TARLAC — Umakyat ang Japan sa ikaanim na sunod na panalo nitong Sabado para angkinin ang gintong medalya sa 11th Asian Age Group Championships women’s water polo competition sa New Clark City Aquatic Center dito. Si Skipper Shoka Fukuda ay naghatid ng nine goals habang si Kaho Shironoshita ay nagdagdag ng anim sa 24-6 panalo ng Japan laban sa …

Read More »

Manyakis, fencer, 2 extortionist tiklo

Bulacan Police PNP

APAT na indibiduwal na pawang may paglabag sa batas ang isa-isang nahulog sa kamay ng pulisya sa Bulacan sa operasyong isinagawa hanggang kahapon. Sa manhunt operation ng tracker team ng San Jose Del Monte CPS at RMFB 3, naaresto ang isang 19-anyos lalaki sa Brgy. Gaya-Gaya, San Jose Del Monte City, Bulacan. Naaresto ang akusado sa krimeng rape, sa bisa …

Read More »

P153K droga nakompiska, 15 tulak, 5 MWPs arestado

shabu drug arrest

TINATAYANG nasa P153,568 ang kabuuang halaga ng ilegal na drogang nakompiska sa 15 tulak na naaresto kabilang ang limang most wanted persons (MWPs) sa anti-criminality operations na inilatag ng pulisya sa Bulacan kamakalawa. Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly B. Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, sa serye ng buybust operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit …

Read More »

2 motor nagbanggaan
3-ANYOS NENE PATAY, MAGULANG SUGATAN

NAGBUWIS ng buhay ang isang batang babae habang sugatan ang kanyang mga magulang sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Santa Maria, Bulacan kahapon ng madaling araw, Linggo, 10 Marso 2024. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PNP, kinilala ang biktima na si Margaux Alyson Verana, 3 anyos, habang ang kanyang mga magulang, napinsala sa …

Read More »