Friday , December 19 2025

Ang iba’t ibang mukha ni Mon Confiado, bilang versatile na aktor!

BINIRO namin sa isang panayam ang versatile na actor na si Mon Confiado na kung si Rosanna Roces dati ay tinawag na Curacha, Ang Babaeng Walang Pahinga base sa pelikula ng aktres, siya naman ang male version nito dahil kaliwa’t kanan ang ginagawa niyang pelikula ngayon. Ang sagot sa amin ni Mon, “Medyo luma na ang term na lalaking walang …

Read More »

Police asset itinumba

dead gun police

PATAY ang isang police asset makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Agad binawian ng buhay ang biktimang kinilala sa alyas na Juvilyn, 25-35 anyos, bunsod ng tama ng bala sa ulo at katawan. Batay sa ulat ni Caloocan City Police chief, Senior Supt. Chito Bersaluna, dakong 3:00 pm, dinala ng suspek ang biktima sa …

Read More »

Magkaibigan todas sa Bonnet Gang

gun QC

KAPWA binawian ng buhay ang magkaibigan, dating sangkot sa ilegal na droga, makaraan pagbabarilin ng apat lalaking nakasuot ng bonnet sa Quezon City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang napatay na sina Ma-nuel Fajardo, 34, at Ramon Nisa, 35, kapwa residente sa Bayanihan St., Don Fabian …

Read More »

PPRC, MMDA, PNP at LGUs, nagkasundo para sa San Juan River

NAGKASUNDO ang Pasig River Rehabilitation Commission (PPRC), Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP) at mga pamahalaang lungsod ng San Juan, Mandaluyong,  Maynila  at Quezon City para malutas ang mga nakalutang na basura sa San Juan River na karugtong ng Pasig River. Napagkasunduan na pabibilisin ng PRRC sa pamumuno ni Executive Director Jose Antonio “Ka Pep” E. Goitia …

Read More »

Nobela ng kauna-unahang Sebwanong nobelista, ilulunsad ng KWF

TAMPOK sa Philippine International Literary Festival (PILF) 2017 ang paglulunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa isa sa mga nobela ng kauna-unahang nobelistang Sebwano na si Juan Villagonzalo Irles, ang Walay Igsoon. Inilimbag noong 1912, higit isang siglo na ang nakararaan, ang Walay Igsoon, na nangangahulugang “walang kapatid,” ay isang kuwento ng magkapatid na naulila at nagkahiwalay dahil sa …

Read More »

28 Abril special non-working holiday — Palasyo (Number coding suspendido sa ASEAN summit)

INILABAS ng Malacañang ang Proclamation No. 197, nagdedeklarang special non-working holiday sa Bi-yernes, 28 Abril 2017, kaugnay sa hosting ng Filipinas sa 30th ASEAN Summit. Batay sa proklamas-yong pirmado ni Executive Sec. Salvador Medialdea, inirekomenda mismo ng ASEAN 2017 National Organizing Commitee – Office of the Director General for Operations, at ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagsuspendi ng …

Read More »

No serious terror threat sa ASEAN (AFP nakahanda)

PINAWI ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pangambang mag-escalate o maulit sa ASEAN Summit sa Metro Manila ang insidente sa Bohol na nakapasok ang mga Abu Sayyaf. Sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, walang nakikitang seryosong banta ang AFP sa ASEAN activities, ngunit nananatiling batay sa “worst-case scenario” ang kanilang pagpaplano at paghahanda. Ayon kay Padilla, …

Read More »

4 foreign terrorists kabilang sa 37 napatay sa sagupaan (Sa Lanao del Sur)

KINOMPIRMA ni AFP chief of staff General Eduardo Año, kabilang ang apat dayuhang terorista sa 37 bandido na napatay ng militar sa inilunsad na operasyon sa Lanao del Sur. Ayon kay Año, sa nasabing bilang, tatlo ang Indonesians at isa ang Malaysian, hinihinalang mga miyembro ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist group. Inihayag ng AFP chief of staff, 14 sa 37 …

Read More »

Chile niyanig ng magnitude 6.9 lindol (Kalagayan ng Pinoys inaalam ng DFA)

earthquake lindol

PATULOY na naki-kipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa embahada ng Filipinas sa Chile kaugnay sa nangyaring 6.9 magnitude lindol sa Valparaiso. Sinabi ni Foreign Affairs spokeperson Roberspierre Bolivar, naki-kipag-ugnayan ang Embahada ng Filipinas sa Santiago City, at sa Filipino Community roon para tiyakin ang kalaga-yan ng ating mga kababayan sa naturang bansa. Sa inisyal na ulat mula sa …

Read More »

Bayaw ni Camata timbog sa droga (P1-milyon bank deposit slips nakuha)

shabu drug arrest

ARESTADO ang sinasabing supplier ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (DEU-SPD), sa Brgy. Ususan, Taguig City, nitong Lunes ng gabi. Kinilala ni SPD director, Chief Supt. Tomas Apolinario, ang naares-tong suspek na si Wilfredo Santos, 51, tricycle driver, ng nasabing barangay. Napag-alaman, si Santos ay asawa ni …

Read More »

Biyuda sinaksak ng kapitbahay (Nagtalo sa koryente)

knife saksak

SUGATAN ang isang 49-anyos biyuda nang saksakin ng babaeng kapitbahay makaraan ang mainitang pagtatalo dahil sa koryente sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) ang biktimang si Angelita Balbeja, vendor, taga-Block 3, Kadima, Letre Road, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod. Habang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Maria Am-paro Tubilan, 25, …

Read More »

TRO vs konstruksiyon ng ‘pambansang fotobam’ ibinasura ng SC

INIUTOS ng Supreme Court (SC) na ipagpa-tuloy ang konstruksiyon ng kontrobersiyal na Torre De Manila condominium, binansagang “pambansang photo bomber” para sa mga nagpapakuha ng larawan sa Rizal Monument sa Manila. Sinabi ni Atty. Theodore Te, spokesman ng SC, sa botong 9-6, ibinasura ng SC ang petisyon na inihain ng Order of the Knights of Rizal (OKR) noong Setyembre 2014, …

Read More »

PNP palpak, Nobleza ‘di dumaan sa debriefing (Relasyon sa ASG umusbong sa interogasyon)

HINDI dumaan sa ‘debriefing’ ang lady police colonel makaraan niyang isailalim sa interorgasyon ang terorista kaya umusbong ang kanilang relas-yon, na hindi na-monitor ng Philippine National Police (PNP). Ang debriefing ay prosesong pinagdaraanan ng isang kagawad ng pulis o militar, makaraan ang isang misyon upang makilatis siya, pati ang mga nakalap niyang impormasyon, bago bumalik sa regular duty. Nabatid na …

Read More »

Sabwatan ng 3 departamento sa Caloocan City Hall pahirap sa JO contractuals

HINDI natin alam kung bakit hindi nakararating sa kaalaman ni Caloocan city Mayor Oca Malapitan ang hinaing ng job order (JO) contractual employees na nagtatrabaho sa kanilang city hall. Matagal na kasing hinaing ng mga kontraktuwal na JO ang laging delay na pagpapasahod sa kanila. Siyempre kapag laging delay ang sahod ng mga JO, nagpipiyesta ang mga loan shark o …

Read More »

“Idiot” si Leni sabi ni UN Rep. Teddy Locsin

Tahasang tinawag na “idiot” ni Philippine representative to United Nations Teddy Locsin si Vice President Leni  Robredo. ‘Yan ay matapos sabihin ni VP Robredo sa isang forum sa University of the Philippines (UP) na dapat daw tularan ang Portugal sa decriminalization ng illegal drugs gaya ng shabu o methamphetamine hydrochloride. Pinagdiinan umano ni VP Leni na ang Portugal ay isang …

Read More »